CHAPTER 1
Mga tol, naiinip na ko, pumunta muna tayo sa tambayan natin, alam niyo naman na maraming chicks dun. Payabang na sinabi ni Nick.
Sa isang open place sa school campus nila, kung saan maraming girls ang dumaraan dito, ang naging tambayan area ng apat na binata. Oo, mga modernong binatilyong maporma ang dating, may mga sunud sa usong gadgets, nakukuha ang kani-kanilang mga gusto sa isang kisapmata, napapalibutan ng mga naggagandahang babae, ngunit, astang mapagmataas sa sarili.
Isa nga si Nick sa apat na ito. Hindi pinapakinggan ang mga tao sa paligid, pasaway ika nga. Walang pakialam sa kaniyang mga naaapakan dahil sa mga pagyayabang niya. Kulang ang isang babae sa buhay niya, may kasintahan siya ngunit may gusto pang iba na hindi niya makuha sa girlfriend niya.
Sa tambayan? Huwag na.. sa bar nalang tayo, gusto kong uminom, at tsaka mas maraming girls dun. Sabi naman ni Mike.
Yan ang hilig ni Mike, ang pumunta sa bar. Para ano? Para makipag-away. Natural na sa kaniyang umuwi sa kaniyang condo na pumapatak ang dugo mula sa kaniyang mukha, mga pasang hindi alam ang pinagsimulan. Siya naman daw ang mambobola sa grupo, lahat ng babae ay nakukuha niya dahil dito.
Aba, akala ko ba mahilig ka sa bar, pero ba t ngayon ayaw mong pumunta doon? Well, let s go sa tambayan dahil ayoko nang lumayo, tsaka anong gagawin niyo dun? Makikipag-away lang naman. Kaya, tambay nalang tayo, there s still next time for bar . Pabiglang sinabi ni Kevin.
Si Kevin naman, hindi siya kagaya ng mga nauna, kundi mga kabaliktaran nito. Wala sa bokabolaryo niya ang makipag-away. One girl is enough for him. But he doesn t have a girlfriend right now, dahil hindi pa raw dumarating ang right girl for him. Napapaisip nga siya minsan kung paano siya nakapasok sa barkadang ito, dahil sa puro kabaliktaran nga ang kaniyang mga katangian against his friends but then, he s happy when he s with them. Kung baga, siya na ang anghel sa apat na ito. Ngunit, hindi niya maitanggi na naiimpluwensyahan na rin siya.
Sige na nga, sa tambayan nalang pagsang-ayon ni Nick.
Yeah right, next time nalang ang bar. sabi naman ni JC.
Si JC ang tumatayong lider ng grupo. Ang pinakamaimpluwensya sa kanila ngunit he s trying to hide this kind of attitude when he s with his family especially his sister. Pero alam ng kaniyang kapatid ang takbo ng kaniyang utak.
Tara na nga, naiinip na ako, baka wala na tayong madadatnan kung ang dami niyo pang arguements. Naiinip na pagkakasabi ni Nick.
Umiiral na naman ang pagkababaero mo pabirong sinabi ni Mike.
Ganyan talaga ang mga gwapong katulad ko, walang pinipili. Hindi kagaya ng isa diyan, masyadong seryoso sa girls, kaya siya iniiwan. Ayan tuloy, walang girlfriend ngayon. Sinabi ni Nick na ang mga mata y nakatingin kay Kevin.
Siyempre, I m not like you, papalit palit ng girlfriend may tapang na sinabi ni Kevin. Pagkadating sa tambayan, agad silang umupo at gandang-ganda sa mga babaeng napapadaan.
Pare, tignan mo, ang gaganda ng tatlong girls sa korner na yun oh. Sabi ni Nick with excitement.
Oo nga, nakatingin sila sa atin. Sabi ni Mike habang nag-aayos ng kaniyang porma.
Teka nga, maiba ko muna ang usapan, Nick, kumusta na kayo ni Mia? Lakas ng tama niya sa yo ah mapang-asar na tanong ni Kevin.
Pare, if you like, she s all yours. Masyado siyang madikit tol. Naiiritang sagot ni Nick.
Ayaw mo ng ganun? Nag-iba na ba ang taste mo sa babae? Tanong na may pagdududa ni JC.
Madikit nga, puro pagpapapansin sa akin. Pero ano? Kapag hahawakan at hahalikan ko siya, agad siyang lumalayo. What the hell tol. Mapanghusgang kwento ni Nick. Sabay halakhak nilang apat.
Baka naman hindi pa siya handa sa mga ganyan. Ang bilis mo kasi eh, hindi ka makapaghintay. Pa-advise na sinabi ni Kevin kay Nick.
Pagpasensiyahn mo na ah, hindi kasi ako kagaya mo. Nick said with emphasis. Patuloy sila sa tawanan, habang pinagmamasdan ang mga dumadaan. Ngunit, napatigil si Mike sa pagtawa nang may nakita siyang babaeng nakangiti sa kanila.
Hoy, tama na nga yan, tignan niyo, may paparating, sinusundo na ata yung isa diyan kaya magready na. paningit ni Mike nang makita niyang papalapit ang babae sa kanila. Sabay tingin sina Nick at Kevin except JC.
Pare, she s so pretty and sexy. Manghang-manghang pagkakasabi ni Nick. JC, syota mo? pagpapatuloy niya.
JC, let s go, umuwi na tayo, I have so much things to do. Agad na sinabi ni Elisha nang nakarating siya sa harapan ng apat.
Miss, ikaw ba ang new girlfriend ni JC? Niligawan ka ba niya o ikaw mismo ang nanligaw sa kaniya? Nick asked Elisha uncouthly. Nainis si Elisha na halos pagmataasan niya ng kilay si Nick.
Now I know, kaya pala siya nalang sa tatlo mong kaibigan ang hindi pa nakakatungtong sa bahay. Ganyan na ba talaga ang mga tinuturing mong kaibigan? Ang babastos, isumbong kaya kita kay daddy? galit na pagbabanta ni Elisha.
Nick, tama na nga yan! JC, ipakilala mo na nga siya sa ate mo. Paningit ni Kevin.
Pare, huwag mo naman iganyan ang beautiful sister ko. Ate, pagpasensiyahan mo na siya. Nick, to formally introduce you to my sister, Ate Elisha, si Nick pala, kaibigan ko. So Nick, alam mo na ngayon na hindi ko siya girlfriend? Ang labo naman ng naisip mong yun.. tsk, tsk mahabang pagpapakilala ni JC.
huh? Sorry ate, hindi ko kasi alam, but I just want to clarify that I m not that rude as you are thinking. My apology if I had offended you. Pagpapasensiya ni Nick.
It s fine, at least you feel sorry. Paawang sinabi ni Elisha.
Oh siya, sige na, kita kita nalang ulit tayo bukas, at marami pa daw gagawin si ate, ngayon nga lang kami sabay sa pag-uwi eh, umuwi na rin kayo. Pagpapaalam ni JC sa barkada niya.
Sige, ingat kayo pabalik na paalam ni Nick.
Kinuha ni JC ang mga bitbit na gamit ng kaniyang kapatid upang pag-alalay niya sa kaniyang ate.
===============================
fIrSt cHapTer pO...
cOmMenT pO uLit kAu kAhiT mEjo pLaiN pLanG...
sUpEr tHanKzZZ pO!!!
+++xOxO++EmOLovE+++
=====>j_H_n_R_e<=====