CHAPTER 3

183 2 1
                                    

"Elisha, ba't wala ka atang imik diyan? At nakangiti ka lang, ang layo ng iniisip mo girl." Pag-aalala ni Vanna sa inaasal ni Elisha.

"Kaya nga, kanina pa kami nagkkwentuhan dito, tapos ikaw nakatulala lang." Pagpapatuloy ni Kyle at upang mabasag na din ang katahimikan ni Elisha.

Sina Vanna at Kyle ang dalawang matalik na kaibigan ni Elisha.

"Elisha, i-share mo naman yang kinababaliwan mo." Pagpipilit ni Vanna.

"Ano ba yan? Or Sino ba 'yan? Si MY BOY ba?" pakilig na sinabi ni Kyle.

"Ikwento mo na kasi. Hay, palibhasa inlove ka sa ganoong guy, at ang masaklap eh forbidden love pa, ika nga ng iba."  

Patuloy na pagpipilit ni Vanna. At sila'y lumapit kay Elisha na animo'y makikinig sa isang chismis upang sila lang ang makakarinig ng ikkwento ni Elisha.

"Hay naku! Nagpaturo lang naman siya ng assignment niya kagabi. And I didn't expect that he'll kiss me on my cheek. That's why ganito ako ngayon!" Pagkukwento nito habang kinikilig at hawak parin ang pisngi.

"Talaga? Kilig to death ka naman daw. Naku naman, hanggang ganyan nalang ata kayo." Pang-iinis na sinabi ni Vanna.

"But I still hope na kayo nga ang magkakatuluyan." Pagpapatuloy niya at sila'y nagtawanan. 

Sa di kalayuan, parating na si JC upang sunduin ang kapatid niya as he had promised.

"Elisha, papalapit ata si JC dito ah. Don't tell me may favor ulit 'yan sa'yo, magiging bridge ka nanaman sa next girlfriend niyan. Kaya huwag kang mag-aagree ah." Babalang advise ni Kyle kay Elisha.

"FYI, may pupuntahan kami ni JC. He's doing this as kapalit sa pagtuturo ko sakniya kagabi." Defend ni Elisha.

"Ate, ready ka na ba?" Nakangiting pagkakasabi ni JC nang siya'y makarating sa kinaroroonan ng tatlo.

"Go na girl. Huwag mo siyang paghintayin. Baka ma-late kayo sa date niyo." Pabulong na sinabi ni Vanna at kanilang itinulak si Elisha palapit kay JC. Kinuha naman ni JC ang mga gamit at bag ng kaniyang ate bilang pag-alalay.

"Ate Vanna, Ate Kyle, wanna join with us? I'm sure mag-eenjoy kayo doon." Pag-iimbita ni JC.

"No, thanks, next time nalang, may gagawin pa kasi kami ni Vanna." Patangging palusot ni Kyle habang hawak ng mahigpit ang kamay ni Vanna as a sign na dapat nilang tanggihan ang alok ni JC upang makapagsolo ang magkapatid sa kanilang pupuntahan.

"Are you sure? Ayaw niyo ba talaga? Sumama na kayo, I insist!" pagpipilit ni JC sa dalawa.

"Yeah, we're fine. There's still next time. Talagang may tatapusin pa kaming gawain. Just go ahead. We'll join you next time. We promised!" Pagtitiyak ni Vanna.

"Okay! But next time huh?! Hiramin ko muna ngayon si ate. Ingat nalang po kayo!" Pamamaalam ni JC sa dalawa.

"Saan ba talaga tayo pupunta?" Pagtatakang tanong ni Elisha sa nagmamanehong si JC ngunit nakatutok lang siya sa daan at animo'y walang narinig sa pagtatanong ng kaniyang ate. Hindi ito kumikibo at napuno ng silensyo ang loob ng kotse ng magkapatid.

"Nasaan na ba tayo JC? Answer me please. Kanina ka pa hindi nagsasalita diyan. Tska hindi ko na ata alam ang lugar na ito." Pag-aalala ni Elisha.

"Just relaxed ate. Malapit na tayo. Malalaman mo rin kung saan tayo pupunta. Just take a deep breath, kanina ka pa kasing hindi mapakali diyan. Huwag ka ngang matakot. Malayo tayo sa danger. Wala ka kasing trust sa akin eh." Detalyadong pag-eexplain ni JC.

Huminto ang kotse ni JC sa isang place na maraming ilaw, rinig ang mga hiyawan at sigawan ng tuwa ng mga tao na nasa loob ng isang building na may makikitang mahabang linya sa labas ng pinto. Mga taong naghihirap na pumila upang makapasok sa lugar na ito. Mga taong pormadong tignan, bihis ng rugged style na damit at kung anu-ano pang usong style ng pananamit ng isang modernong binata at dalaga. Rinig ang malakas na musika na minamanipulo ng isang DJ kung tawagin.

My Brother.....      My Lover.....Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon