CHAPTER 6
"Sa wakas, we're here na! Nakapagpareserve na rin si dad ng isang resthouse, 1 room for the boys and 1 for the girls! Let's start enjoying the first day of our sembreak." Excitement of Elisha.
Gabi na nang nakarating ang grupo sa Bahamas. They started to have bonfires beside the beach. Having some kwentuhan, tawanan inuman at mga kulitan ng mga binata at dalaga. Si JC ay tahimik lang at piniling mag-isa, nakaupo sa seashore, at may kasamang beer sa tabi niya, pinapanood ang kapatid na tumatawa. Napansin ito ng ate niya kaya nilapitan siya ni Elisha.
"JC, anong ginagawa mo diyan? We're here to have fun and not to be a loner in the corner." Pang-asar ni Elisha.
"Ang ingay niyo kasi. Tsaka gusto kong mapag-isa, huwag mo nga akong alalahanin." Tumayo si JC at naglakad-lakad. Si Elisha naman ay sinundan siya para samahan ang kapatid.
"Ano bang iniisip mo? Parang ang laki ng problema mo ah."
"Ate, naalala mo ba nung nasa gym tayo? I think may sasabihin ka pa eh pero hindi mo naituloy. I'm so curious about it. Sabi mo you'd really like to tell me how much?" Napatigil si Elisha at nag-isip ng excuse sa sasabihin niyang yun.
"Huh? Uhmm, h-how much I love to beee y-your sister. Tinuring na kasi kitang tunay na kapatid, syempre diba unica ija nga ako? Edi mas maganda ngayon kasi may kapatid na ko tapos lalaki pa. Bakit curious ka dun?" Sabay tawa ni Elisha.
"Ganun ba." Parang napatahimik si JC sa sinabi ng ate niya.
"Tara na nga, giniginaw na ako. Kain na tayo, tapos let's go to sleep na. I'm sure we're all tired sa byahe kanina." Naglakad na si Elisha patungo sa grupo. Napansin niyang may partner ang lahat except siya at JC. Parang nagkakamabutihan ulit sina Mike at Kyle. Sinusuyo ulit ni Nick si Vanna. At nagkakainlove-an na sina April at Kevin. Feeling ni Elisha ay mag-isa lang siya at walang kalove team dahil sa hindi niya masabi-sabi kay JC ang tunay niyang nararamdaman. Imbes na yayain niya ang grupo na mag-ayos na para matulog na sila, dumiretso nalang siya sa room niya. Si JC naman ay dumiretso sa grupo at nakipag-inuman. Napansin din niya na wala siyang partner kaya, kumuha siya ng dalawa pang beer at pumunta sa room ng kaniyang ate.
"Ate, huwag ka munang matulog, inuman muna tayo. I've brought us some drinks."
Nagkwentuhan ang dalawa, reminiscing their childhood times.
"God, I miss all of those days. Biruin mo ate, naglalaro tayo ng bahay-bahayan noon, kunwari anak mo ko." At nagtawanan ang dalawa habang enjoy pa rin sa pag-inom ng beer.
"Pero ate, tutal, alam mong hindi mo ako kapatid, is there a time that you loved me more than your brother?" Tanong ni JC na nagpagulat kay Elisha that she almost choked while drinking her beer. Ngunit natawa nalang siya.
"Huh? Bakit mo naman natanong yan? May time bang nahalata mong ganoon? Tsk. Never yun sumagi sa isipan ko. Like I said before, I treated as my real brother." Pagtatanggol ni Elisha.
"Eh malay mo may ganun nga, sige na nga, matulog ka na, tutal, parang nag-aayos na sila, good night nalang." Umalis na si JC at sakto naman na papasok na ang mga girls sa room.
"Hoy, anung ginawa niyo? Nagsarili kayo dito sa kwarto. Eh alam mo namang alam na niya ang truth, right?" Pagtatakang tanong ni Vanna.
"Green minded ka, nagkwentuhan lang kami noh."
"Hindi mo pa ba sinabi kanina that you love him?" Tanong naman ni Kyle.
"Hindi noh, like I said to April, accept ko na that he doesn't love me. By the way, kamusta na ang mga partners niyo? Share niyo naman sakin, ako na nga lang ang walang lover dito eh."
