CHAPTER 4

119 1 0
                                        

CHAPTER 4 

Dahang- dahang inalalay nina Elisha at Kevin si JC papasok ng kanilang bahay, habang tahimik na hinihintay nina Mike, Ryan at Nick si Kevin sa loob ng kotse. Unti-unting itinulak ni Elisha ang pituan upang hindi magising ang mga tao sa loob ng bahay. At upang hindi malaman ng kanilang magulang na late silang nakauwi. Ngunit, pagkaapak ng kanilang mga paa sa loob ay agad na bumukas ang mga ilaw. Nagulat si Elisha at Kevin sa babaeng nakaupo sa sofa.

"Young lady, bakit ngayon lang kayo umuwi? Alam niyong may pasok pa kayo bukas. At bakit lasing nanaman ang kapatid mo?" galit na tumayo at sinabi ni Mrs. Del La Sol.

"Hala, sige! Ihatid niyo na si JC sa kwarto niya! at ikaw, Kevin umuwi ka na rin at I'm sure nag-aalala na ang mga magulang mo." Pagpapatuloy niya at hindi na hinintay ang explanation ni Elisha. Kilala ni Mrs. De La Sol si Kevin sapagkat business partner niya ang mga magulang nito.

Dahan-dahang inilapag nina Elisha at Kevin si JC sa kaniyang kama upang hindi 'to magising sa pagkakatulog dahil sa dinaming inunom nito. Nagpaalam agad si Kevin upang agad na rin siyang maihatid ng mga naghihintay sa labas.

Muntik nang malate si Elisha sa masarap niyang pagkakatulog dahil marami rin siyang nainom at halos 3 oras nalang siya nakatulog.

"So, how's the date last night?" Tanong ni Kyle at tinusok ang kanang tagiliran ni Elisha.

"Like I said, It's not a date. Sa katunayan nga eh kasama pa namin ang barkada niya. Dadalhin ko kayo sa bar na 'yun next time." Paliwanag ni Elisha.

"So, you went to a bar with his peers? But I'm sure na inisip mong date 'yun! Aminin!" Panunukso ni Vanna at humalakhak silang dalawa ni Kyle.

"Tumahimik nga kayong dalawa." Asar na pagkakasabi ni Elisha.

The classroom of the 3 girls suddenly became silent. Walang naririnig kahit bulungan sapagkat pumasok ang kanilang guro kasama ang kanilang dean at isang baguhang estudyante.

"Good Morning class! I'm here, to announce that the exchange student from Korea had finally arrived. Gusto ko na tratuhin niyo siyang bilang kaibigan agad. Though she grew up in Korea, marunong siyang magsalita ng ating lengwahe sapagkat half Korean lang siya." Pagpapakilala ng kanilang Dean sa new student. "Her first class for her first day here in our university is in this room. So, I would like to show your hospitality to her." Pagpapatuloy ng Dean.

"I'll take it from here sir." Sabi ng kanilang guro. Naglakad na palabas ang Dean.

"Ms. Kim, Would you like to introduce yourself first before starting our discussion?" malambing na sabi ng guro. Pumaharap konti si Ms. Kim, upang maipakilala niya ang sarili.

"Good Morning classmates. I'm Kim Tae Hyeon. Just call me April. I hope to have new friends from this school to share all my experiences here in my other country. Thank You!" Pagpapakilala nito.

"Okay Ms Kim, You may take your seat." Magalang na sinabi ng guro.

Umupo sa likod si April malapit sa kinaroroonan ng tatlong magkakaibigan. Walang kumakausap kay April hanggang sa matapos ang una niyang klase. Pagkalabas niya ng silid-aralan, ayaw niya munang pumasok sa second class niya dahil sa nahihirapan siyang mag-adjust dito. Bumisita siya sa school canteen upang makapagsolo and to take her snacks. Pagkakuha niya ng kaniyang nabiling pagkain, hindi siya makahanap ng mauupuan, kaya naisipan niyang lumabas. Ngunit, hinarangan siya ng tatlong babae.

"Hi, I'm Elisha, and these are my friends, Kyle and Vanna. Would you like to join us for our snack? April?" Paanyaya nito at pagpapakilala na rin. Tumango lang si April at sinundan na niya ang tatlo sa kanilang table. Sabay-sabay silang kumain ngunit tahimik lang si April na inubos ang nabili niyang pampabusog ng kaniyang sikmura.

My Brother.....      My Lover.....Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon