1- (Sa Burger Shop)

95 0 0
                                    

      Sabado ng umaga, maagang nagbukas ng burger shop si Yoona. Siya ang bunso sa apat na magka-kaibigan.

        Dalawang taon na silang magkakasama na naninirahan sa isang burger shop. Iisa lang ang kwarto kaya magkakasama silang natutulog. Sa munting burger shop din sila kumukuha minsan ng gastusin nila sa araw-araw, dahil di sapat ang sinasahod ng tatlong nakaka-tanda nyang kaibigan.

          8:30 na ng umaga nang umuwi si Diane, naabutan nya si Yoona na mag-isang naglilinis ng shop.

" Yoona, bat mag-isa ka lang dito? Nasaan sina Ailee at Gabby? "

Bungad ni Diane kay Yoona ng maabutan nya itong nag pupunas ng lamesa.

" O' ate Diane .. (  Nagulat ng makita si Diane ) ..'bat ngayon ka lang po umuwi? San ka natulog ka-gabi? "

Ahmm..nag hanap lang ng pera..( Pagdadahilan nito ) ..'nasaan si Gabby? at nakaalis na ba si Ailee? "

Si ate Gabby lumabas sandali, at si ate Ailee naman nasa kuwarto..tulog pa po. "

Nagulat si Diane ng malama na tulog pa din si Ailee.

" Di ba may pictorial sila ngayon? Bat hindi mo sya ginising?? "

Pagtatanong ni Diane.

E, ate ginising ko naman.. kaya lang antok pa talaga si ate e. "

        Agad na tumungo si Diane sa kwarto upang gisingin si Ailee.. Naabutan nya itong nakatalukbong pa ng kumot.

Ya! bumangon ka na dyan ! Nagyon ang pictorial na sasalihan mo di ba? kaya bumangon ka na! 8:20 na o.. "

Ate Diane wag mo na syang gisingin.. ( Pag-aawat ni Yoona )..'puyat po si ate Ailee, hayaan na lang natin sya magpahinga.. "

Pero Yoona, chance na to ni Ailee na lumabas sa T.V .. matagal nya itong hinintay di ba? ( Paliwanag ni Diane ) ..' Ailee bumangon ka na!  Pangarap mo ito di ba? kaya tumayo ka na"

             Hinila ni Diane ang kumot ni Ailee, at bigla naman itong nagising..

Diane naman..ngayon ka lang umuwi tapos iistorbuhin mo tulog ko.."

Agad na sabi ni Ailee kay Diane at agad na dumapa ng higa.

Pero Ailee.. pangarap mo to di ba? "

Pero Diane, antok pa talaga ako.. 

            Sagot ni Ailee kay Diane at agad na tumalikod kay at bumalik sa pagtulog. Gigisingin pa sana ito ni Diane nang bigla itong inawat ni Yoona.

Ate Diane..wag mo na po sya gisingin..( Pakiusap ni Yoona ) ..'di po nakatulog ng maayos sina ate Ailee at Gabby kagabi. Kasi po hinihintay po namin ikaw umuwi.. nag-aalala po kasi kami baka kung napano ka na."

               Biglang natahimik si Diane sa sinabi ni Yoona. Wari nakaramdam ito ng lungkot at pagka-guilty sa sarili. Dahil pakiramdam ni Diane pinagkait nya ang matagal ng pangarap ng kanyang kaibigan. 

                     Napalingon ito kay Ailee at dahan-dahan na itong kinumutan ni Diane. Matapos ay tahimik silang lumabas ng kwarto. Sa pag labas nila ng kwarto ay saktong pag dating naman ni Gabby.

Buti naman at nandito ka na..( Bungad ni Gabby kay Diane at nilapag sa lamesa ang dala nitong sphagetti ) ..'sa susunod mag txt ka o tumawag man lang kung di ka makaka-uwi ng bahay. Pinag-aalala mo kami.."

Pasensya na.. "

Tipid na sagot ni Diane sa Kaibigan. At sabay umupo sa tabi ni Gabby

" Aissh!  masyado ka malihim.. "

              Tugon ni Gabby, habang si Yoona naman ay kumuha ng plato na paglalagyan ng sphagetti na binili ni Gabby sa labas.

                     Si Yoona ang pinaka-bata sa apat na magkakaibigan. At sya rin ang madalas maiwan sa Burger Shop. Ala-una ng hapon ang oras ng bantay nito. Nag-aaral kasi ito at nasa 4th yr College na. Hapon kasi ang uwi nya galing paaralan. kaya hapon din na ang bantay nito. Habang si Gabby naman ang bantay sa umaga.

                  Si Gabby ay nakapag-tapos ng 2yrs course sa kursong I.T . Ngunit isa sya ngayon tutor teacher teacher. T-W-S lang ang araw ng kanyang pagtuturo. Mas nauuna syang umuei kesa kay Ailee.

                  Si  Ailee ay isang party girl, mahilig gumimik kaya madalas gabi na kung ito'y umuwi. Pangarap ni Ailee ang mag-artista o lumabas sa t.v, kaya naman nagpa-part time job sya sa pag mo-model . Masayahin ito, di tulad ni Diane na bihira lang ngumiti.

                   Si Diane ang pinaka-tahimik sa apat. Wala syang permanenteng trabaho,pero minsan kahit hirap sa mga gawaing bahay ay rumaraket ito maka-tulong lang sa mga kaibigan na kumumkop sa kanya. Madalas mag-isa at masyadong malihim sa mga kaibigan.

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

" Beautiful Four "Donde viven las historias. Descúbrelo ahora