[ Yoona - POV ] - Bunso..(ep-2)

54 0 0
                                    

               Lumipas ang ilang oras at naging busy ang magkakaibigan, dahil sa sunod-sunod ang mga costumer nila nang mga araw na yun.

              Si Gabby at Yoona ang naghahanda ng mga orders, habang sina Ailee at Diane naman ang nagse-serve at nag aasikaso sa mga costumers.

             Mga alas-dos na ng hapon sila nakapag-pahinga. Sa mesa naka-paikot silang apat at kanya-kanya ng posisyon ng pag papahinga..

Kung ganito lagi kalakas ang burger shop natin, mabilis siguro ang pera.. "

Pahayag ni Ailee.

Kaso hindi Ailee... ( Sagot ni Gabby ) ..'Kaya kailangan natin mag sipag. "

Hmm.. mga ate, ( Hirit ni Yoona ) ..'gusto ko sana mag apply sa mall bilang sales lady. "

Pero Yoona, walang magbabantay dito.. "

Tugon ni Ailee.

Nandyan naman po si ate Diane e. "

Nagpapatawa ka ba?? gusto mo bang maubos gamit natin pag hinayaan natin kay Diane?  "

Tugon ni Ailee..

Hindi naman ako papayag. ( Hirit ni Diane kay Ailee. ) ..'hindi ka pede mag trabaho Yoona,mag focus ka lang sa pag-aaral mo. "

Pero ate Diane, sayang naman kasi yung sasahurin ko dun. "

Paliwanag ni Yoona sa mga kaibigan.

Yoona, tama si Diane.. ( Sagot ni Gabby ) ..' hayaan mo na lang kami ang gumastos sa mga bayaran mo sa school. malapit ka na din naman mag tapos. wag ka mag madali mag trabaho. "

               Gustong-gusto ni Yoona mag trabaho dahil sa nahihiya ito sa mga kaibigan, Ngunit kahit gusto nya, wala syang nagawa dahil hindi pabor ang mga ate nya sa gusto nya. 

Sa edad nya, baby parin ang tingin sa kanya ni Gabby. Kaya bawat kilos nito sinisigurado ni Gabby na hindi masasaktan si Yoona,

               Ganun din Sina Ailee at Diane sa nakakabatang kaibigan. Dahil magkakapatid ang tingin nila sa isat-isa. Lalo na si Gabby na Nanay kung mag-alala sa mga kaibigan.

               At si Diane naman, kahit hirap sa pag sa-sideline ay ginagawa nya, dahil gusto nya tulungan si Yoona makapag tapos. Dahil ni minsan hindi nakaramdam si Diane na isang nakababatang kapatid. Dahil simula pa noong bata pa ito mag isa lang sya lumaki. Kaya naramdaman nya kay Yoona ang pakiramdam na may bunsong kapatid.

                  Sa amo at cute na mukha ni Yoona, kahit sino gugustuhin syang alagaan. ^_^

( Next Page ... )

" Beautiful Four "Opowieści tętniące życiem. Odkryj je teraz