Episode - 6 ( Mr. Leo Kim )

23 0 0
                                    

[Sa shop..]

Kakauwi lang ni Yoona galing School at matamlay itong pumasok sa loob. Napansin agad ito ni Ailee..

" O, bat naman ganyan ang mukha mo? may sakit ka ba?? "

" Wala naman po ate Ailee, pagod lang po.. (sigh) ..'ate pahiram po ako ng laptop mo, may kailangan lang po ako iresearch .

Kinuha ni Ailee ang laptop nito sa kwarto at inabot kay Yoona. Nagpatuloy sa pagpupunas ng lamesa si Ailee at malapit lang ito sa pwesto ni Yoona. Si Gabby naman ay nagpupunas ng plato at baso na hinuhugasan ni Diane.

Kamusta sugat mo? kumikirot pa ba? " (tanong ni Gabby)

" Medyo..pero minsan na lang naman. " (tugon ni Diane)

Hanggat di pa gumagaling sugat mo, wag ka muna pupunta sa kung saan-saan. Ha Diane? "

Isang pag tango ang isinagot ni Diane kay Gabby. Maya-maya may inabot na gamot si Gabby kay Diane.

Inumin mo ito mamaya, then bago matulog uminom ka uli. Nilalagnat ka kasi kagabi. "

 Isang pasasalamat na yakap ang binitawan ni Diane sa kaibigan..

Salamat Gabby... "

 Napatigil ang tatlo sa kanilang ginagawa ng marinig nilang sumigaw ang nakababata nilang kaibigan.

"Aaaaaaaahh!!!! Kainis! "

Ano ba nangyayari sayo Yoona at problemado yang mukha mo? " (tanong ni Ailee)

" Eh kasi ate, ang daya ng prof. namin! Kailangan namin mag research ng mga kilalang tao  dito sa bansa natin. (pout) Tapos ang binigay nya sakin yung taong hindi ko pa kilala. Okay sana kung si Pacman.. e kaso hindi eh.. " (pout)

Nasa internet naman lahat ng hahanapin mo.. "

Ang haba na nga ng binabasa ko at hanggang ngayon hindi ko parin tapos. T_T Ang yaman naman kasi nito ate, ang dami nyang properties di lang dito sa bansa natin.. pati sa Asia! " (sigh)

  Dahil problemado si Yoona, agad na din lumapit si Gabby. Iniwan nya muna sandali si Diane sa paghuhugas.

Sino ba kasi yan? " ( tanong ni Gabby at inabutan ng juice si Yoona)

Si Mr. Leo Kim ate Gabby.. "

 Sa narinig ni Diane, nabitawan nito ang baso na hinuhugasan nya. Sa pagkabasag ng baso nagulat ang tatlo at napalingon kay Diane. Agad naman napatyo si Gabby at pinuntahan ang kaibigan.

" Okay ka lang? nasugatan ka ba? " (Pag-aalala ni Gabby)

So-sorry.. " (mahinang sagot ni Diane)

Ngayon ka na lang uli nakabasag.. may problema ba? "

" W-wala Gabby.. dumulas lang sa kamay ko.. " (pagdadahilan nito)

 Kinakabahan man ay ngumiti parin si Diane sa harap ni Gabby. Kinuha nito ang walis at winalis ang bubog na nagkalat sa sahig..

- - -

   Sa Star Building nagkaroon ng meeting si Mr. Kim. Pagmamay-ari ito ni Mr.Leo Kim. Lahat ng Star properties ay pagmamay-ari niya..  Sa Star Building matatagpuan ang pinaka the best pagdating sa fashion. Halos kilala lahat ng mga gowns at model sa Star..  Isa sa mga humahawak nito ay ang nag-iisang apo ni Mr. Leo Kim, ngunit habang wala pa ang apo nito  si Rhian Kim muna ang humahawak at nag-aasikaso sa Star. Nag-iisang pamangkin it ni Mr.Kim.

Sa Hallway...

" Long time no see uncle.. "

Nakangiting pagbati ni Rhian sa uncle nito.

" Habang tumatagal gumaganda ka Rhian. Wala ka pa bang balak magpakasal? tumatanda na ako. Kailan mo ba ako bibigyan ng apo? "

" Hehehe nag-usap na po kami ni Lorence tungkol dyan. hmm babalitaan po namin kayo pag sure na po Uncle." ^_^

Mabuti naman Rhian, alam nyo naman matanda na ako.. Gusto ko bago ako mawala dito sa mundo makita ko ang magiging apo ko sayo.. " (Pagbibiro ni Mr.Kim)

" Uncle naman, wag po kayo magbibiro ng ganyan.. "

" Alam mo naman Rhian hindi natin hawak ang mangyayari.. (sigh~) ..mabuti at maayos ang Star. Mabuti at nandyan ka Rhian.  Kung nandito lang sana ang pamangkin mo edi sana Kasal ka na ngayon..

kinuha nito ang baston at agad tumayo sa pagkakaupo.

" Kayo na lang po ang Pamilya ko uncle, kaya sino pa ba ang magtutulungan kundi tayo-tayo lang din po,. "

" Paminsan-minsan Rhian dumalaw-dalaw ka din sa bahay pag hindi ka busy. "

" Sige po uncle, basta sabihin nyo lang po kung kalian po kayo Free. Mas busy po kasi kayo sakin.. hehehe "

" HAHAHA! Alam mo naman na walang ibang mag-aasikaso..  Ang tigas ng ulo ng pamangkin mo. "

" Hindi pa rin po ba umuuwi si Diane?? "

" Matigas ang ulo.. Ilang beses na sya tumakas sa bahay.."

" Nagmana kay Kuya ang katigasan ng ulo nya uncle.. (smile) ..'Ahmm uncle may lumapit po pala sakin na reporter at ang sabi sakin nakita daw niya si Diane.. Nag dahilan ako na nasa America si Diane. Mukhang naniwala naman sakin..."

" Hindi ko na alam ang gagawin ko sa batang yun..Nag patawag na nga ako ng private investigator para malaman ko kung saan sya tumutuloy. . Hindi ko talaga sya maintindihan kung bat hanggang ngayon hindi pa rin sya pumapayag sa gusto ko.. "

" Di bale po uncle, Tutulong po ako sa paghahanap. Wag na po kayo masyado mag-iisip.. Pag nakita ko si Diane pakikiusapan ko. "

" O, sya mauna na ako.. May mga documents pa akong kailangan asikasuhin.. "

  Pagpapaalam ni Mr.Kim at agad nang umalis..

" Beautiful Four "Où les histoires vivent. Découvrez maintenant