Episode - 8 ( Pitcure )

19 0 0
                                    

[ Author POV ]

  Kinabukasan nag research uli si Yoona tungkol kay Mr. Kim.  Gamit ang laptop ni Ailee nagpatuloy si Yoona sa pagbabasa ng article about Kim's properties . Tinulungan ito ni Ailee.

" Ailee, akala ko ba aalis ka? "

Pagtanong ni Gabby ng mapansing hindi pa ito nag bibihis.

" Oo, after lunch pa naman yun Gabby. Kaya tinutulungan ko si Yoona habang may oras pa. "

" Naayos mo na ba yung mga gamit mo? "

" Opo 'Nay.. (pagbibiro ni Ailee) ..'Don't worry tatlong araw lang naman ako sa Palawan. Kaya mag-iingat kayo dito. "

" ikaw din Ailee. Wag ka papagutom dun. And wag ka pasaway. Lalo na pagdating sa pagkain. kung ano bawala sayo wag mo kakainin."

" Ay sus! Ayan ka nanaman Gabby. Lumalabas nanaman ang pagiging Nanay mo XD"

Biro ni Ailee kay Gabby.. Habang si Yoona seryosong naka tingin sa laptop at walang paki alam sa paguusap ng dalawa.

  Napansin ni Ailee na hindi nya nakikita si Diane simula pa kanina..

"Teka asan na ba si Diane? Kahit anino nya hindi ko pa nakikita.. "

" Pinag grocery ko muna, wala na kasi foods sa ref.  Nakalimutan ko kasi bumili nitong nakaraang araw. "

" Pinag grocery mo si Diane?? Marunong ba yun?  "

" Oo Ailee.. tinuruan ko sya kung pano. One time kasi sinama ko sya nung namimili ako. "

" Talaga? (laugh) ..'di ko akalain yun ah.. HAHAHA! Sana tama yung mga binili nya.  Pero teka Gabby, okay na ba yung sugat nya? "

" Oo Ailee, medyo natutuyo na. "

  Sa kalagitnaan ng pag-uusap ng dalawa bigla silang nagulat ng mapasigaw si Yoona sa tuwa. Agad na napalingon sina Gabby at ailee.

" Aisssh! pasaway ka Yoona! Ginulat mo naman ako. (Pagsabi ni Ailee) ..'ang lapit ko lang sayo Yoona, makasigaw ka naman wagas. "

" Sorry ate Ailee nawala sa isip ko na ang lapit mo lang pala,. ='P "

Saot ni Yoona na abot tainga ang ngiti.

  Kitang-kita sa mukha ni Yoona na napaka saya bya. Hindi naiwasan matawa si Gabby sa nagging reaction ni Ailee dahil nga nagulat ito ng husto.

" Sinabi ko na nga kasi sayo Ailee na wag ka masyado malakas sa kape.  XD "

Pagsabi ni Gabby na habang pinipigil ang pag tawa nito.

" Pasensya ate Ailee kung nagulat man kita. E' kasi  may nag email sa ng Picture ng apo ni Mr. Kim ."

    Sa sinabi ni Yoona napa-upo sa tabi nito si Gabby. Agad na tinignan nina Ailee at Gabby ang larawan sa internet.

" Bakit naka side view? (Tanong ni Ailee) ..'wala bang nakaharap? "

" Wala ate eh, nag-iisa lang yan in'email sakin. Pero tignan mo, kahit naka side view ang ganda parin nya. "

" E' ikaw ba naman ubod ng yaman hindi ka ba gaganda? "

Sagot ni Ailee.

" Pero ang swerte nya talaga (hirit ni Gabby) ..'dahil nag-iisa syang taga pagmana ng mga properties ng lolo nya. "

" Pero mga ate, ewan ba parang nakita ko na sya.. Hindi ko lang alam kung saan. "

" Yoona, pag ganyan talaga ka ganda parang madami talaga kamukha.. ( sagot ni Ailee ) ..'o di kaya totoo yung sabi-sabi na baka daw wala sya sa ibang bansa. May naka-kita daw sa kanya."

" E' bat hindi nabalita sa tv? " ( tanong ni GAbby)

" Hindi ko rin alam.. baka nabayaran para tumahimik. XD " (sagot ni Ailee)

 Patuloy sa pag-uusap sina Gabby at Ailee about sa mga sabi-sabi noon sa apo ni Mr. Kim. Habang si Yoona tahimik lang na nakikinig sa  mga sinasabi nina Gabby at Ailee.

" Beautiful Four "Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon