Episode 4 - ( My Hero )

29 0 0
                                    

Agad na tumungo ang tatlo sa istasyon ng pulis at isinalaysay ang pangyayari..

" Namukhaan mo ba yung sinasabi mong tatlong lalake na humabol sa kaibigan nyo?  "

Tanong ng pulis kay Yoona..

" Opo.."

  Agad na diniscribe ni Yoona ang mukha ng tatlong lalake,. Habang si Gabby ay labis ang pag-aalala...

" Gabby, relax.. kumikilos na ang mga pulis. "

Sabi ni Ailee kay Gabby ng makita ang takot sa mukha ng kanyang kaibigan.

" Natatakot ako Ailee,.. ( Nang-gigilid ang mga luha ) ..'hindi pa magaling ang sugat nya. Paano kung saktan sya ng mga lalakeng humahabol sa kanya? Ailee..  natatakot ako na maulit kay Diane ang nangyari sa kapatid ko.. na pinag tripan ng di kilalang tao. Namatay ang kapatid ko na wala akong ginagawa.  Ailee, minsan na ako nawalan ng kapatid at ayaw ko na maulit yun... "

Agad na niyakap ni Ailee si Gabby . . .

" Walang masamang mangyayari kay Diane.. kaya kalma ka lang . Nakalimutan mo na ba? magiling mag taekwando si Diane.. kaya tumahan ka na Gabby. "

--------

  Samantala si Diane ay patuloy parin sa pagtakbo kahit na nahihirapan sya dahil sa kalagayan nya.

" Miss Diane !!  (Sigaw ng isa sa humahabol kay Diane) ..'sumama na po kayo sa amin! Umuwi na po kayo! Nag-aalala po si Chairman sa kalagayan nyo Miss Diane! "

" Sabihin nyo kay Lolo, okay lang ako! at hinding-hindi magbabago ang isip ko ko!. "

  Nagpatuloy parin si Diane sa pag-takbo kahit dumudugo na ang sugat nito.

  Ngunit may humintong motor sa harap nito.

" Miss! sakay bilis! "

 Agad na sumakay si Diane makatakas lang sa mga tauhan ng Lolo nya. Dahil sa lalakeng tumong sa kanya mabilis na nakalayo si Diane. Nang mapansin nyang wala na ang mga humahabol sa kanya agad na itong bumaba. At dahil nga sa pagtakbo ni Diane bumuka ang sugat nito sa tagiliran at dumugo.

" Miss may sugat ka.. dadalhin kita sa hospital "

 Sabay hawak ng lalake sa balikat ni Diane.

" Huwag ! "

Pakiusap ni Diane sa lalake na halatang nanghihina.

" Huwag.. matutunton nila ako dun. "

Dahil sa pakiusap ni Diane, inuwi na lang ito sa bahay ng lalake at binigyan ng paunang lunas.

" Salamat ah ? "

" Wala yun Miss..pero matanong ko lang, ba't ka nila hinahabol? "

Pag-uusisa nito..

" Mahabang kwento.. baka di mo pa ako paniwalaan.  Pero bakit mo nga pala ako tinulungan? e' hindi mo naman pala ako kilala.. "

" Kasi kailangan mo ng tulong.. ahmm.. siguro sikat ka noh ? "

" Pag sinabi ko bang artista ako o prinsesa maniniwala ka? "

" Ikaw artista?? at Prinsesa?? "

Pinagmasdan ng lalake si Diane ..

" Totoo ba yang sinasabi mo? hindi kasi ako nanunuod ng t.v Miss . "

Dahil sa sagot ng lalake, hindi napigilan tumawa ni Diane..

" Syempre hindi..  ( Sagot ni Diane ) ..'nagbibiro lang ako. Pero salamat talaga sa tulong mo.. "

" Joemar.. 'tawagin mo kong Joemar Miss. "

Pagpapakilala ni Joemar.. Agad na kumuha ng t-shirt nya para kay Diane.

" Ako naman si Diane.. " ( Naka-ngiti )

Napatigil bigla si Joemar ng makitang naka-ngiti si Diane. Pakiramdam niya may dagang gumapang sa dibdib nya. Napalunok ito at biglang nahiya. Kaya imbis na lapitan si Diane upang iabot nya ang t-shirt ay hinagis na lamang nya ito.

" M-mag p-palit ka ng damit . tapos matulog ka na. B-bukas ihahatid kita sa inyo. "

Halos mautal si Joemar sa pag ngiti ni Diane. Matapos ay humiga na ito sa sahig na sinapinan lang nya ng kumot at si Diane sa kwarto nya natulog.

( Next Page... )

" Beautiful Four "Tempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang