PROLOGUE

2M 40.1K 13.5K
                                    

PROLOGUE

HINDI MAIPINTA ang mukha nina Lash at Lath habang nasa labas ng bahay nila at hinihintay ang pagdating ng bagong asawa ng kanilang ama. They both thought that after their mother's death, hindi na mag-asawa ang ama nila. Well, they were surprised when their father announced it after their mother's fifth death anniversary.

Wala silang sinabi ni Lath, walang silang naging komento. They kept their opinion to themselves. Alam naman nilang dalawa na hindi sila pakikinggan ng kanilang ama.

"Be nice, boys." Iyan ang kanina pa sinasabi ng kanilang ama. "Elspeth is a very special woman to me. Ayaw kong bastusin n'yo siya."

Lath conjured a fake smile. "Sure, Dad."

Sinalubong ni Lash ang mga mata ng kanyang ama. "Anong karapatan mong hingin sa amin 'yon? Be nice? I can't promise that, Dad."

Bumuntong-hininga ang ama nila. "Lash, please, intindihin mo naman ako. Hindi ito ang oras para mag-argumento na naman tayo. Matanda na ako at kailangan ko ng makakasama."

He snorted. Yeah, right. His dad was full of shit sometimes.

At the age of eighteen, Lash knew that their father was one horny man. Nagpakasal nga ito nang hindi nila nalalaman at ngayon, sa kanila na titira ang babae. At sa narinig nila mula sa mayordama, may excess baggage daw ang babae.

The woman had a daughter.

Buwisit. Dagdag pakainin pa.

"Sa tingin mo, pera lang ang habol ng bagong asawa ni Daddy?" pabulong na tanong sa kanya ng kakambal na si Lath.

Magkamukhang-magkamukha silang dalawa na napakahirap tukuyin kung sino si Lath at sino si Lash. They had always used it to their advantage. Tatlong tao lang ang napagsisino silang dalawa. Ang yumao nilang ina, ang kabilang ama at ang mayordoma. Maliban sa tatlong 'yon, wala na. Not even their best friends knew who was who.

And Lysander Callahan had been their best friend since Lash could remember.

Nagkibit-balikat siya. "Hindi ko alam at wala akong pakialam."

Their family was wealthy. Malaki ang posibilidad na pera lang ang habol ng babae sa ama.

"Bakit hindi mo alam?" Kinunutan siya ng noo ni Lath. "You are Lash, Lash. Sa ating dalawa, ikaw ang mas matalino ako naman ang mas guwapo."

Lash rolled his eyes at his twin. "Wala akong pakialam. Basta makuha lang natin ang mana na nararapat para sa atin, I'm okay with that. Dad can do whatever he pleases."

"Mukhang pera ka talaga kahit kailan, Lash." Tumingala sa kalangitan si Lath. "I hope Mom was here."

"Mom is dead, Lath. Accept it," matigas na wika niya, saka itinutok ang mga mata sa sasakyang papalapit sa kanila.

His father's stance became of a man who was trying to impress. Nang tumigil ang sasakyan, lumabas mula roon ang babaeng halos kaedad lang ng daddy nila. She was a beauty but his mom was more stunning.

Agad itong niyakap ng kanyang ama at pareho silang nag-iwas ng tingin ni Lath nang halikan ng kanilang ama ang babae sa mga labi.

Gross!

Lath whispered to his ear. "I want to puke, Lash."

Tumango siya at kumuyom ang kamay. "Ako rin."

Hawak ang kamay ng babae, bumaling sa kanila ang daddy nila at ipinakilala ang bago nitong asawa. "Lath, Lash." May warning ang tono ng pananalita ng kanyang ama. "This is Elspeth, ang bago n'yong mommy."

POSSESSIVE 9: Lash ColemanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon