CHAPTER 3

1.4M 33.4K 8.9K
                                    

CHAPTER 3

NEZ STAYED on the beach for an hour after Lash left. Nang bumalik siya sa mansiyon, sa likod siya ng bahay dumaan sa isiping baka nasa patio si Lash dahil doon ang paborito nitong tambayan.

Napatigil siya sa paglalakad nang makita ang isa sa kambal na nakaupo sa recliner at may hawak na gitara.

Mabilis na inisip ni Nez kung sino sa kambal ang may talent sa musika. And when she got the answer, her heart instantly hammered in nervousness.

Lath couldn't even conjure a single note even if his life depended on it, but Lash could. Isa iyon sa maraming pinagkaiba ng kambal. Tanging ang mga mukha lang ng mga ito ang magkapareho.

Inayos niya ang bahagyang nakusot na damit at maingat na naglakad palapit sa pinto na hindi kalayuan na kinauupuang recliner ni Lash. Hindi niya maiwasang marinig ang malamyos na paggigitara ni Lash.

Talagang sinadya niya na dahan-dahang maglakad para marinig niya ang paggigitara ng lalaki.

Nang makarating sa pinto, Nez was reluctant to open it. Gusto pa niyang marinig maggitara si Lash. This was a one and a lifetime chance.

Bumuntong-hininga siya at pinihit pabukas ang pinto. Akmang papasok na siya sa kabahayan nang marinig ang boses ni Lash. Nanlaki ang mga mata niya.

Dear God! He was singing! And what a beautiful voice he had!

Lash was singing softly but Nez could hear him just fine. Pamilyar sa kanya ang kantang inaawit nito. Parang narinig na niya iyon, hindi lang niya maalala kung saan at kailan.

Hindi mapigilan ni Nez na lingunin si Lash sa kinauupuan nito. Parang may nagliparang paruparo sa tiyan niya nang makitang nakatingin din sa kanya ang lalaki habang kumakanta.

Napalunok siya.

"Pumasok ka na," sabi ni Lash sa malamig na boses.

All she could do was nod and entered the household.

Nakahinga nang maluwag si Nez nang maisara niya ang pinto at malayo na siya kay Lash. Ano ba ang nangyayari sa kanya? Bakit ba palagi na lang tumitibok ang puso niya nang mabilis kapag malapit ito? Was it because she was afraid of him? Iyon lang naman ang explanation sa nararamdaman niya.

"Nez, saan ka galing?" Boses iyon ng stepfather niya.

Agad siyang nag-angat ng tingin at nginitian si Tito Leandro. "Sa dalampasigan po, Tito." Nilaban niya ang pamumula ng kanyang pisngi. "Nagpapahangin lang."

Tumango-tango ito. "Nag-agahan ka na ba?"

"Opo."

"Nakita mo ba si Lash?" biglang tanong nito.

Tumango siya. "Opo. Nasa likod-bahay po siya."

Tito Leandro looked at her and sighed. May pag-alala ang kislap ng mga mata nito. "Nez, you know that you and your mother are important to me, right?"

Tumango siya. Alam niya iyon. Tito Leandro was an amazing stepfather. Hindi siya nito itinuring na hindi kapamilya. Pinag-aral siya nito sa abroad at sa mamahaling paaralan pa. He treated her like she was really his daughter.

Ngumiti ito. "May hihingin lang sana akong pabor sa 'yo, hija."

"Ano ho 'yon?" Malaki ang utang-na-loob niya sa taong ito at gagawin niya ang lahat mapasaya lang ito.

"Stay away from Lash."

Napakurap-kurap siya at umawang ang kanyang mga labi. "Ho?"

Tito Leandro sighed and looked at her with worry. "Stay away from him, Nez. Lash is bad news. Hindi mo kilala ang anak ko katulad ng pagkakakilala ko sa kanya. Ayoko lang na may mangyaring masama sa 'yo o mapahamak ka."

POSSESSIVE 9: Lash ColemanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon