CHAPTER 21
"HOW DARE YOU seduced, Nez!" Nagtatagis ang mga bagang ng kanyang ama habang nanlilisik ang matang nakatingin sa kanya.
Lash just rolled his eyes at the old man. "Dad, puwede ba, huwag kang epal."
Mas nanlasik ang mga mata ng ama at magmamartsang nilapitan sila ni Nez.
His apple clung into him. Agad na ipinalibot niya ang braso sa baywang nito at sinalubong ng matalim niyang mga mata ang nanlilisik na mga mata ng ama.
"Inakit mo siya! Nasisiguro ko!" Hinawakan nito si Nez sa pupulsuhan at bumaling kay Tita Elspeth. "Honey, this isn't my fault. I'm sure Lash seduced Nez!"
Mapakla siyang natawa at napailing-iling. Talaga ang sarili lang nito ang iniisip.
Hinawakan niya ang kamay ng daddy niya na nakahawak sa pupulsuhan ni Nez, saka pilit iyong tinanggal. Napangiwi si Nez tanda na nasasaktan ito.
Nagtagis ang mga bagang niya. The old man won't budge! He won't let go.
Itinaas niya ang kamay at handa nang suntukin ang ama nang biglang sumigaw si Tita Elspeth.
"Tama na!"
Natigilan silang lahat sa lakas ng boses nito. They all froze and looked at the fuming woman.
Nang-aakusa ang tingin nito sa kanyang ama. "Leandro, pinapalabas mo ba na madaling maakit ang anak ko?!" Her fury was visible in her eyes and expression. Dinuro nito ang kanyang ama. "I should have known better! Hindi ko lubos akalain na makakaya mo 'yong gawin sa anak mo. Kung hindi pa sa akin sinabi ni Lath ang katotohanan sa likod ng palagi n'yong pag-iiringan ni Lash, hindi ko pa malalaman. Good heavens, Leandro, mahal mo nga ako pero wala kang tiwala sa akin... You don't have faith in me! You claimed you love me, yet you do not know me at all! Mahal ko ang anak ko, Leandro, at hindi ko iisiping nakakadiri ang relasyon nila ni Lash! You should have known that it would not repulse me! Kung naniwala ka lang sana na hindi kita iiwan katulad ng ipinangako ko sa 'yo noon, eh, di sana hindi mo nasaktan ang anak mo at hindi mo pinahirapan ang anak ko." Napahagulhol ito. "How could you be this selfish, Leandro?"
Dahan-dahang binitawan ng ama niya ang pupulsuhan ni Nez, saka lumuhod sa harap ni Tita Elspeth. Puno ng pagsisisi ang mukha nito at maputlang-maputla. Fear and pain were written in his eyes. The same fear and pain he had when Nez left him in Baguio.
"Elspeth, I'm sorry." Hinawakan nito ang kamay ni Tita Elspeth. "Patawarin mo ako, mahal ko. Natakot ako na iwan mo—"
"Pero hindi pa rin 'yon sapat na dahilan para saktan mo ang anak mo." Tumingin sa kanila si Tita Elspeth. "Lumabas muna kayo. This matter is between us. Mamaya na kayo mag-usap ng daddy mo." Ang huling tinuran nito ay para sa kanya.
Yumakap siya kay Nez, saka umiling. "No. I don't want to talk to him. Ang gusto ko lang ay marinig mula sa bibig niya na hindi niya kami gagambalain ni Nez. And that he will give us his blessing. Kasi kahit galit ako sa kanya, siya pa rin ang nirerespetong ama-amahan ni Nez. At alam kong pagkatapos ng nangyari ngayon, mananatili ang pagmamahal sa kanya ni Nez bilang isang ama." Tumingin siya sa mga mata ng ama na puno ng emosyon. "I hate you, Dad. But thank you for taking care of Nez."
Nez pressed her hot lips on his neck. "Salamat, Lash." Mahigpit itong yumakap sa leeg niya. "I love you."
Bumilis ang tibok ng puso niya nang marinig uli ang tatlong katagang 'yon mula sa bibig ni Nez. His heart was loudly beating inside his ribcage.
Inilapit niya ang bibig sa tainga nito. "I love you too, my baby apple. I love you so much."
Tinapik ni Lath ang balikat niya. Nginitian niya ito, saka binuksan ang pinto at lumabas silang tatlo sa library. Naiwan ang ama niya at si Tita Elspeth sa loob, nag-uusap. Well, they needed to talk.
BINABASA MO ANG
POSSESSIVE 9: Lash Coleman
General FictionWith his amethyst eyes, to die for smile and gorgeous body, Lash Coleman was a very handsome male specimen. Girls fall at his feet, but he never catches any of them. His eyes were trained to only one woman. Nez Fernandez. A woman he shouldn't have f...