CHAPTER 7

1.5M 32K 7.1K
                                    

CHAPTER 7

NEZ LEFT Black Pearl Cruise Ship in haste after she and Lash did it. Natakot siya sa nangyari sa kanila kaya ang ginawa niya ay tumakbo siya at iniwan si Lash. Nawala sa isip niya ang mga pinamili sa grocery, tanging ang nasa isip niya ay ang makatakas at magtago.

She found herself in the beach. Yakap niya ang sarili habang nakatingin sa karagatan. Kinagat niya ang pang-ibabang labi. God, she was so afraid of what would happen next.

Kung kasama iyon sa maitim na plano ni Lash, siguradong malalaman iyon ng mommy niya at ni Tito Leandro. They would be disappointed of her and they would disown her for being a shameful bitch.

Doing it with her stepbrother. Oh, God! It's so wrong!

The truth was, she was not mad at Lash, sa sarili niya siya galit. Dahil hindi naman siya pinilit ni Lash. She let him touch her intimately. Hinayaan niya itong halikan siya at angkinin. At kung magiging totoo siya sa kanyang sarili, she enjoyed every minute of it.

Pero mali ang nangyari sa kanila. Mali!

Nez stayed a little longer in the beach and then she went home. Lumakas ang tibok ng puso niya nang makita sa garahe ang Dodge Viper ni Lash.

He's home. Did he tell Mom and Tito Leandro?

Kinakabahan siyang pumasok sa kabahayan. In an instant, she spotted Tito Leandro in the living room, sitting on the couch, watching TV.

"Good evening po, Tito," magalang niyang bati. "Nasaan po si Mommy?"

Ngumiti si Tito Leandro sa kanya ang ibinalik ang atensiyon sa pinapanood. "Nasa kuwarto, nagpapahinga."

Tumango-tango siya, kinakabahan pa rin. "N-nag-usap po ba kayo ni Lash?"

Nagsalubong ang mga kilay ni Tito Leandro. "Hindi. Bakit mo natanong, hija?"

Mabilis siyang umiling. "Wala po, Tito. Sa kusina lang po ako."

Nagmamadali siyang hinanap si Nay Helen na nakita niya agad sa kusina at nagluluto para sa hapunan nila.

"Nay Helen." Ngumiti siya nang bumaling sa kanya ang mayordoma. "Ibinigay na po ba ni Lash ang mga pinamili namin?"

Ngumiti ito at tumango. "Oo. Sinabi niya sa akin na nagpunta ka sa beach para magpahinga sandali. At dahil daw alam niyang hindi mo gusto ang presensiya niya, nauna na siyang umuwi sa 'yo."

Napaawang ang mga labi niya. Lash was a good liar, she gave him that.

She smiled at Nay Helen before leaving the kitchen.

Habang naglalakad patungo sa kuwarto niya, hindi maiwasang mapadaan si Nez sa kuwarto ni Lash. The door was ajar. She could hear Lash from the inside singing "Did I Mention" again.

Hindi niya mapigilang mapangiti sa kantang 'yon. The lyrics were cute.

Sa takot na baka makita siya ni Lash sa labas ng pinto, halos patakbo siyang pumasok sa kuwarto niya na hindi kalayuan sa kuwarto ng kambal. Then she took a long bath. She wanted to erase Lash's scorching touch from her skin. It was wrong yet it felt so right.

Habang naliligo at nagbibihis, parang plaka na paulit-ulit na nagre-replay sa utak niya ang malamyos at baritonong boses ni Lash na kumakanta ng "Did I Mention."

Out of curiosity, she opened her laptop and listened to the whole song in YouTube. It was a cute song with lyrics that would make you fell madly in love.

Pero parang pang-teenager naman ang kantang 'to.

Napangiwi siya. Lash was too old for that song. "Did I Mention" was one of the soundtracks of Disney's Descendant. Hell. Masyado na itong matanda para manood pa ng Disney.

POSSESSIVE 9: Lash ColemanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon