~ Torpedo ~

636 22 0
                                    

"Hahahahaha! Ano pinagalitan ka agad no?! Yan kilala ka na ni sir bitter! Haha!" Tuwang tuwa pa si Allan sa nangyari sakin hay nako.

Kahit anong paglipat ko ng mindset, lagi kang sumasagi sa utak ko crush. Para bang destiny? Pwede din. Naniniwala naman ako dun eh. Di ko pa rin naman nakakalimutan ang priorities ko. Anyway, crush lang naman diba? Di ko rin naman magiging Gf yun kasi nga TORPEDO ako. As in TORPE. Kaya wala pa akong gf hanggang ngayon.

Makikita ko pa kaya sya? Sana nga. Di na nawala sa isip ko yung ngiti nyang 'sing ganda ng Vans na sapatos. Ugh. Hanggang sa...

"Uy Sam! Beautiful girl over there oh! HELLO ATEEEE!" Sumigaw pa si Allan. "Hay nako Lan, wala akong pakialam jan sa mga yan, isa lang namaaaaa....." Dugdug-dugdug-dugdug!!!

OMG.
OMG..
OMGGGGG!!!!

SI ATENG CRUSH PALA YUN! "Lan, Allan! Sya yung sinasabi ko sayo! Shit ang ganda nya talagaaa." Kinikilig na sabi ko."Yan naman ang gusto ko sayo Sammy! May taste ka! Apir to that! Ay wait! Kaibigan nya si Abby! Sinuswerte ka pareng Sam!" Sabi ni kupal Allan.

Teka, hindi sya naka-i.d ng PUP. No I.D at all. "Teka Sam ah, papakilala kita hahaha! Swerte mo kilala sya ng kaibigan kong si Abby." - Allan
"Hi Allan! Dito ka din pala! Haha." Sabi ni Abby."yep! Uhh Abby, pwede ipakilala ko yang si miss Beautiful na kasama mo sa bestfriend ko? Sige na!" Pagpilit ni Allan.

Putsa! Nung narinig ko yun, takbo agad ako sa c.r HAHAHA! "Buset talaga 'tong si Allan ipapahamak nanaman ako. Alam nang solid torpe clan ako eh. Hays"

"Nako Allan, malas nya! Paalis na talaga kami eh! Baka kasi maiwan ng bus papuntang La Union. Gusto mo name nalang nya?" Sabi ni Abby. "Teka kasi andito lang sy..... Sam? Naknangtokwa naman nawala pa." -Allan. "Sige na Allan ayan na yung jeep. Bye!" -Abby. "Teka yung panga.......lan?" Sigaw ni Allan.

"Hay nako Samuel. Dakila ka talaga, dakilang torpe! Di ka naman papatayin ng babae eh! Sus ewan ko ba sayo." Badtrip na pagkasabi ni Allan. "Ewan ko ba, kailangan ko na tong tanggalin para makausap ko na si crush ko." Sabi ko. "Lul! Wala na! Pumunta na ng La Union! Hahaha kawawa ka naman." Pang-aasar pa ni kumag.

Haaaaaa? Ano ba yaaaaan :((( </3

Dreaming of YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon