~ Petty, pretty ~

8 0 0
                                    

Umaga na, hindi ko pa rin nakakalimutan 'yung nangyari kahapon. Nanaginip na ako ng maganda pero naiisip ko pa din 'yung nangyari, eh. Hindi ako mapakali kaya 'di ko na napigilan sarili ko na i-check 'yung Facebook account ni Faye para makasigurado kung s'ya nga 'yung babae kahapon.

Kaso nga lang, may problema ako. Hindi ko na maalala 'yung apelyido ni Faye! Tinry ko alalahanin mula hanggang sa pagkabata ko kaso hindi ko talaga maalala. Tanging natatandaan ko lang na nagsisimula sa letter T 'yun, eh. Tolentino? Tan? Tiu? Ti*e? Ay bastos! 

Teka, pa'no ko ba 'to mahahanap kung hindi ko naman alam 'yung apelyido n'ya. Nababaliw na ako kakaisip nang biglang may kuminang na light bulb sa taas ng ulo ko. Bakit kaya hindi ko tignan sa mga close friends ko nung high school. Baka friend nila si Faye!

Agad agad kong tinignan 'yung mga accounts nila para makita kung friend nga nila. Una kong tinanong na rin si Sam pero s'yempre hindi kasi nga hindi naman pala-add 'yun ng 'di nya kilala personally. Moving forward, nakakakita ako ng pangalang Faye pero hindi kasi ang cha-chaka ng mga nakikita ko, eh. Hahaha! Pero real talk, hindi talaga kasi hindi rin T ang simula ng apelyido ng mga nakikita ko.

Nagpahinga muna ako ng mga 2 hours para maglaba at magikot-ikot sa subdivision namin kasi malamig ang simoy ng hangin kahit na summer. Pag-uwi ko nagulat ako may nag-notif sa Twitter ko. Hindi ko palaging ginagamit Twitter account ko kaya nagulat ako may nag-message sa akin. Pag tingin ko sa account, Fe ang nakalagay. Nagkaron na ako ng hunch na baka si Faye to! Pero hindi talaga, sobrang positive ko na hindi s'ya 'yun. Pero tang*na, s'ya nga! 

Si Faye Trina nga 'yung nag-message sa akin!

"Uhm, Allan? Alam kong ikaw yan kasi complete name mo nakalagay sa Twitter at ikaw na ikaw 'yang nasa profile picture mo, eh. Maging discreet ka naman for once, okay? Sorry nga pala sa nangyari kahapon. Don't worry nag-usap na kami ng boyfriend ko at okay naman na." 

Pota nagulat talaga ko, sorry sa mura hindi ko na na-blipped out. Well, ang tanga ko nga naman kasi hindi ko ginawang secret 'yung pagkakakilanlan ko sa Twitter kaya nahanap n'ya ako agad. Ang pinagtataka ko lang, paanong nalaman n'ya na ako 'yung kahapon at alam n'ya pa din 'yung full name ko. Hahaha! Natatawa nalang ako sa kabobohan ko talaga.

Undecided pa din ako kung rereplyan ko s'ya agad o magpapaconsult muna ako kay Sam. Pero wala namang alam 'yun sa ganito, eh. Ako na nga lang didiskarte!

"Uy, Faye! Anong nangyari kahapon na sinasabi mo? Sorry wala na akong balita din sa'yo and hindi ko matandaan na nagkita tayo kahapon."

Pagkukunwari ko pang reply kasi dino-double check ko kung s'ya nga yon at nagpapaka-inosente lang ako, ano ba!

"'Wag ka na nga umano 'jan. Alam kong ikaw 'yun at hindi ako magkakamali kasi alam ko kung nasaan 'yung balat mo sa muka."

Well, 'di ko kasalanan na may balat ako sa muka. Dapat pala inalis ko, eh no? Pero sige na nga, aamin na ako. Wala na huli na ako talaga kaya sige panindigan na.

"Sige na nga. Sorry din talaga kahapon kasi nabighani lang ako sa'yo, eh. Hindi ko naman alam na may boyfriend ka na at ikaw pala 'yun. I don't have any idea na nandito ka sa Cebu."

Sagot ko sa message ni Faye.

"Ganyan ka naman, eh. Napakadaling kalimutan mo ako. It's just been 6 or 7 years 'nung naging tayo, kinalimutan mo na agad 'yung mukha ko. Ako, I still remember everything about you, Allan."

Pucha, kinilig ako ng slight 'don at nadisappoint din sa sarili ko. Mahilig kasi ako tumingin tingin ng ibang babae kaya nalimutan at nawala na sa isip ko din s'yempre si Faye. Kasi nga para sa akin, wala lang naman 'yung sa amin dati noon, eh. Kumbaga talagang petty and puppy relationship lang 'yun lahat. 

"Kung para sayo, wala lang 'yun, para sa akin, it meant the world to me lalo noong mga panahon na 'yun. Tinreasure ko 'yun hanggang ngayon at natuto akong magmahal at makarecover nang dahil sa'yo."

Tinamaan ako sa sumunod na message n'ya. I've taken her for granted. Pero hindi mo naman ako masisisi kasi I didn't know na seryoso na pala s'ya noon sa relasyon namin. I thought we were just kids back then, playing around. Pero sa kanya, totohanan na agad pala. 

"I'm very sorry, Faye kung nasaktan kita noon. Mga bata palang tayo nun, kaya para sakin wala lang. Sorry kung minahal mo ako ng sobra. Minahal din naman kita pero siguro infatuation lang noon 'yung naramdaman ko."

Reply ko sa kanya.

Hindi na s'ya sumagot ulit after ng reply ko. Nag-intay ako for 2 more hours pero wala pa ding lumalabas sa messages ko. Nag-send ako ng isa pang reply para kako baka nakalimutan n'ya lang.

"Bakit ka nga pala nandito sa Cebu? Dito na ba kayo nakatira? Sorry, naitanong ko lang kasi dito na kami nag-stay ngayon, eh. Shinare ko lang if you don't mind."

'Yan 'yung huli kong message sa kanya bago ako matulog. Ngayon umaga na ulit at wala pa s'yang reply. Nakagawa na ako ng mga assignments at ready na pumasok nang biglang nag reply na si Faye.

"Sorry, late response kasi nakatulog na ako kagabi. Ayoko muna sagutin 'yung about sa issue natin before. Siguro next time kapag nagkausap na tayo ng personal. At about naman sa Cebu, nope, naka-bakasyon lang kami dito ng family ko for 3 days. Pauwi na rin kami mamaya."

Nalungkot ako sa last part kasi akala ko dito na sila for good. Isa pa sa kinalungkot ko kasi umiwas s'ya sa pagso-sorry ko. Mahirap naman ata kausapin pa s'ya sa personal kasi 'diba may jowa na s'ya. Ewan ko ba. Imposible na makausap ko ata s'ya harap-harapan.

Hindi muna ako sumagot sa message n'ya s'yempre nagpapabebe muna ako. Hahaha! Actually, may exam ako ngayon na hindi naman ako nagreview kaya malamang bumagsak ako dun at babagsak talaga (siguro). Chamba kung pumasa pa pero malabo kaya hayaan na, para bumalik na kami sa Laguna at makausap ng personal si Faye (loko-loko, eh no. Ipagpapalit 'yung future para sa babae). Kidding aside, namomroblema ako ngayon kung paano ako makakapasa sa isang subject ko na major pa naman! 

Isa pang problema, Marketing student ako, Marketing student din si Faye. Paano ko alam? Nakita ko sa profile n'ya, eh! At bakit naging problema 'yun? Hindi ko rin alam pero mukang hindi pala. Kailangan ko ng help pagdating sa marketing at nakita ko rin na top of the class s'ya. Pupwede kayang sa kanya ako magtanong pagdating sa problema ko? 


Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Mar 31, 2023 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Dreaming of YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon