~ Bestfriendship ~

408 14 0
                                    

Masaya ko pag kasama ko si Eymi. Unti-unti nawawala yung phobia kong makipag-usap sa magandang babae. Ayun, friends na kami. Halos lagi na kaming magkasama kasi ako lang talaga kinakausap nya pag nasa school. Kinuha ko na contact no. nya pero di kami nagkakausap ng matagal. Eh kasi naman lagi na kaming magkasama kaya ganun. Minsan pag nami-miss ko sya tinetext ko sya. Nagrereply naman pero saglit lang tumatagal convo namin.

"Umm Sam? Pwede magtanong sayo? Nagkagirlfriend ka na ba?" Biglang tanong ni Eymi. Nagulat ako nung tinanong nya yun. Ang daming pumasok sa utak ko nung binanggit nya yun. "Ha? Wwwala eh. Iiikaw ba?" Pautal kong sabi. "Meron. Meron na last month lang. Tinanong lang kita kasi baka maintindihan mo yung nararamdaman ko." Naluluhang sabi ni Eymi. Sobra sigurong heartbreak nadanas nya. "Sorry Eymi ah. Kakabreak nyo lang pala. Minahal mo ata talaga sya no? Mag move on ka nalang and focus on your studies muna." Payo ko. "Madali lang naman sabihing magmove-on pero mahirap eh. Minahal ko sya pero di ko maibigay yung hinihingi nya. Yung virginity ko." Naluha na sya nung sinabi nya yun. Well kadalasan ayan talaga yung dahilan kung 'bat nagbe-break ang mga kabataan ngayon hays. "Eymi, kailangan mo na talagang kalimutan yun! Eh puro kati lang sa katawan yun eh! Di na pinapatagal ang mga yun! Ano pangalan nung bastos na yun at tatapusin ko na!" Highblood nako kaya ko nabanggit yun hahaha! "Haha. Hindi na yaan mo na sya. Sya nga ang dahilan kung bakit kami lumipat dito. Sinumbong ko sya sa parents ko kaya lumayo kami dun." -Eymi. "Ah kaya pala. Okay lang yan! Mag move-on ka na! Kahit minahal mo yun. Eh kakatihan lang habol sayo nun eh. Hayaan mo, tutulungan kita mag move-on, bestfriend."

Bestfriend. Bestfriend. Bestfriend.

Paulit ulit na pumasok sa tenga ko nung sinabi ko yun. Bakit? Dahil torpe ako? O dahil nalaman kong kakagaling nya lang sa break-up? I believe naman na friendship ang root ng relationship diba? Diba? Sana nga. Pero pinipilit kong wag muna isipin ang love.BESTFRIEND

Dreaming of YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon