~ Let You Go ~

113 7 0
                                    

EVAN's POV

"Unfortunately Mr. Santos, malala ang nangyaring heart attack kay Madam Anna. Close to death na nga ang nangyari. Maswerte pa din tayo na hindi yun nangyari." sabi ng doktor.

Grabe pala ang nangyari. Paano na 'to? Ayokong mawala si tita na halos nagpalaki na sa akin. Tumayong magulang ko para maabot ang mga pangarap ko sa buhay. Ayoko syang mawala. Gagawin ko na lang ang nararapat. Kahit ayaw din ng kalooban ko nang sobra. Kaya ko 'to.

Nakipagkita ako kay Jonah isang linggo ang makalipas.

"Baby? Bakit wala kang text at tawag man lang? Hindi ka nag-oonline? Hindi kita makontact. May problema ba tayo? Ano ba talaga ang nangyayari  sa atin Evan?" tanong ni Jonah.

Ito na to. Wala nang atrasan. Kaya ko 'to. Para kay mama. Para sa tita ko. Para na din kay Jonah.


"Jonah, break na tayo. Wala na tayo. Ayoko na sayo. Yung mga kwento ko na kontrata yung mga babae sakin ni mama, wala yun. Hindi yun totoo. Sinabi ko lang yun para mapaamo ka at maging tayo. Iniiwan ko lang sila kasi sawa na ako. Ayoko na nito Jonah. Wala na ta--"

Jonah's POV:

Galit na galit ako sa narinig ko. Lahat lumabas sa bibig mismo ni Evan. Sobra yung galit ko. Sinampal ko na sya bago nya pa mabanggit yung salitang 'tayo'. Kasi wala na nga kami. Di na nya kailangang ulitin.

"Ang dami mo pang nalalaman. Lumayas ka na. Tama nga yung sinabi ng tropa mo. Babaero ka nga. Pinili kong wag maniwala pero wala eh. Lumayas ka na. Ayaw na kitang makita."  naluluha kong sabi.

Hindi ako nagtanong kung ano pang problema kasi sya na din ang nagsabi. Hindi rin ako ang klase ng babae na nagmamakaawa sa isang lalaki.
Walang ibang pumasok sa isip ko kundi galit. Galit na sobrang nakakapaso. Wala nakong ibang naiisip kundi ang paalisin sya. Hindi ko kakayanin. Tama nga yung pagkakasabi sakin ng kaibigan nyang si Aries tungkol sa kanya.

Pagkatapos ng nangyari na yun, eto ako. Nakatulala pa din sa kwarto. Nagdesisyon akong umuwi muna sa mga tiyahin ko sa Laguna kasama si Abby at lumayo sa negativity.

Dreaming of YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon