~*JONAH*~

271 11 0
                                    


"Bes! Magkikita ba kayo ni Evan mamaya?" tanong ni Abby. "Hindi bes, may recording daw s'ya sa studio ngayon. Alam mo naman yun diba? Ayaw ng istorbo. Bakit bes? May problema ba?" bawi ko.

Hello! I'm Jonah Faye Mendoza. 3rd year Accounting student na ako ngayon. Eto, medyo mahirap mag-isa na sa buhay dahil wala na sila Mama at papa. Pero okay na din, kasi nandyan pa naman sila Tita, tito, si Abby (bestfriend ko). At syempre, ang boyfriend ko na si Evan. 2 years na kami pero hindi kami legal lalo na sa parents nya. And I think naman na ayaw sakin ng mga magulang nya kasi siguro, sa kalagayan ko; mag-isa nalang.

"Bes tara na! Samahan mo na ako sa debut ni Cara! Wala talaga akong ka-close dun eh. Tara na!" aya ni Abby. Ang kulit kulit kulit! Hay nako.

"Oo na sige na! Pero saglit lang ha? Mag-rereview pa ako." sagot ko. "Ano bayaaaan bestfriend! 2 days ka nang aral ng aral ah? Sa taas ng grado ng salamin mo eh baka 'sing taas din ng grades mo ah! Taray te!" pangaasar ni Abby. "Ewan ko sayo! Sige na! Halika na, ay wait bihis lang ako." sabi ko naman.

"Baby, tapos na yung recording ko. Saan ka ngayon? Pupuntahan kita." text ni Evan. Papasamahin ko pa ba yun? "Baby kasi baka may makakita nanaman satin tapos isumbong sa parents mo, lalo na sa debut kami pupunta ni Abby eh. Bukas nalang siguro dito sa bahay ha? Ingat ka. I love you." textback ko naman. "Hay. Okay sige. Ingat ka din ah? I love you too Jonah." - Evan

Buti nga ay wala nang mga 'spy' kay Evan na inilagay ng mom at dad nya eh. Di tulad dati, nadala na ko nung nahuli kami. Oo evil talaga parents nya, buti at di nagmana si Evan sa kanila! Jusko.

Dreaming of YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon