Chapter 13

13 1 0
                                    

patakbo nakong dumaan sa hallway dahil late na ako.

nakakainis naman kase yung alarm ko bakit di tumunog -_-

nasa harap nako ng C.R nang may makarinig ako ng nagsusuka..

di ko na sana papansinin dahil nagmamadali na ako..

"Tulong! Tulong!" sigaw nyang parang hinang hina na..

Parang namukhaan ko yung boses kaya sinure ko kung sya nga pero imposible..

pagbukas ko sa cubicle kung saan nanggagaling nung sigaw ng babae..

tumambad sakin ang hinang hinang Des at punong puno ng dugo na bowl..

Di ako makapaniwala sa nakikita ko ngayon..

"Des!! Anong nangyayare?" histerical kong tanong. Di ko alam gagawin ko.

Tumigil na sya magsuka ng dugo pero hindi nagalaw ang katawan nya..

Inalalayan ko syang tumayo..

"Dalhin moko sa doktor ko" mahina nyang sabi tpos may kinuha sya sa pantalon nya na card at iniabot sakin..

"Wag mo muna sabihin sa kanya please" Sabe nya at tuluyan ng nawalan ng malay..

Tahimik kameng umalis sa school gamit ang kotse na dala ko..

Mabuti na lang talaga at pinayagan na ako ni mama magdrive dahil bumubuti na rin naman ang puso ko..

Mabilis kong pinatakbo ang kotse..

Hindi pa rin ako makapaniwala sa nalaman ko..

Alam ko ang ganitong klase ng sakit. Sa tagal ng nilagi ko sa ospital, iba iba na ang mga nakita kong sakit at ang mga sintomas nito..

Sa lagay ni Des ngayon alam kong malala na ang sakit nyang ito..

-----

Pagdating namin sa hospital na sinabi nya, dali dali namin syang dinala sa E.R.

Hinawakan ko ang kamay nya ng mahigpit at sinabing

"Kaya mo yan Des! Hindi kita iiwan.. Andito lang ang bestfriend mo.. Andito lang si Tine, Des"

Pagkasabe ko noon, tuluyan na syang pinasok sa ER pero hindi ako kasama..

Tumulo ng tumulo ang mga luha ko..

Bakit si Des pa??

Paano nya nalihim ang sakit nya??

Bakit di alam ni Rever ito?

Andameng tanong na pumapasok sa isip ko..

umupo nalang ako at nagdasal..

Lord, ingatan mo po siya please..

Awang awa ako sa bestfriend ko at kay Rever din..

Masaya na sila at masaya na ako para sa takbo ng relasyon nila..

Di maaaring maiwan nanaman si Rever. I'm sure di nya kakayanin yon..

Maya maya ay lumabas na ang doctor na tumingin sa kanya..

"Doc ano na po? Kamusta na sya?" Agad kong pagtatanong..

"She's okay na ma'am, ipapatransfer na po namin sya kay Dr. Villaluz for further examinations. Maiwan ko na po kayo" Sabi ng doctor at umalis na..

Siya yung doctor ni Des. Tamang tama matatanong ko na sya tungkol sa sakit ng bestfriend ko.

Maya maya lumabas na si Des pero wala parin syang malay at may nakakabit na mga aparato.. Sinundan ko ang mga nurse na nagtutulak sa hinihigaan nya..

Di na ako nakapasok pero okay lang as long as nababntayan ko si Des habang wala si Rever..

Pagdting ko sa kwarto nya, andameng pictures..

Mga pictures nila ni Rever kahit nung hindi pa sila..

Mahal na mahal talaga nya ang ex ko..

Maya maya ay napansin ako ng doctor nya at lumapit ako dito na nasa tabi ng kama ni Des..

"Kamusta po siya?" tanong ko kay Dr. Villaluz habang pinagmamasadan ang bestfriend kong may nakakabit na maraming aparato na mahimbing na natutulog.

"Di na siya okay." Matipid niyang sagot..

"You must be Ms. Thynee Meanttobe right?" Muli syang nagsalita

"Opo. Nice to meet you po" sagot ko pero walang sigla sa mukha ko

"Lagi ka niyang kinikwento sakin. Ikaw daw ang ex ng boyfriend nya and happened to be her bestfriend. Mabait ka raw sakanya. Pero kilala na talaga kita before dahil sa sikat na sakit mo. Pero wag kang magalala di niya alam at wala akong karapatang manghimasok sa issues nyo. Ang gusto ko lang ay gumaling ang pasyente ko na matigas ang ulo. Alam mo kase, para ko na syang anak." Paliwanag nya at hinimas ang ulo ni Des.

"Ngayon ko lang po nalaman ito doc kung di ko pa siya nakita sa CR. Nakakapanghina lang po ng loob dahil parehas pala kame ng bestfriend ko na nanganganib na ang buhay. All this time akala ko sobrang lakas niyang tao.. Na walang ibang alam kung hindi magbigay ng saya sa mga taong mahal nya at iparamdam ito sakanila.. Mali pala ako doc.. Please save my bestfriend doc! Hindi ko po alam gagawin ko pag nawala siya. Siya lang yung taong nakakaintindi sakin sa school at higit sa lahat, mahal na mahal siya ni Rever doc" Pagpapaliwanag ko habang tumutulo ang mga luha ko.

"Wala na talagang pag asa anak, umabot na sa sukdulan ang cancer nya. Kung hindi nya lang sana pinabayaan ito, magtatagal pa sana sya.. I did my best just to save her pero binabalewala nya ang mga payo ko sa sobra nyang busy. Wala syang tinira sa sarili nya puro ibang tao ang inisip nya kahit ang kapalit nito ay buhay na nya. Bilang itinuring ko na rin syang sarili kong anak, parang ang hirap lang tanggapin na isang buwan na lang sya dito. Ginawan ko na ng paraan para mapahaba pa ito pero hanggang dun lang talaga ang kaya ko" garalgal nyang usap at tumulo na rin ang luha..

"Isang buwan?? Wala bang ibang nakakaalam nito kundi ako lang? Nasan ang mga magulang nya? Kailangan nilang malaman ito doc! Pati si Rever kailangan nya na rin malaman!"

"Wala na siyang magulang.. Namatay sa aksidente. Mula ng matrauma yan si Des at nagkaron ng cancer, sakin na sya lumaki at ako na ang nagaruga sa kanya kaya masakit isipin na mawawalan ako ng anak. Si Rever kausapin mo na kahit sinabi nyang wag mong ipaalam diba? Ang sabi nya kasi sakin lalaban at lalaban sya at di malalaman ng boyfriend nya na nagkasakit sya"

Napahagulgol ako sa sinabi ng doctor. Napaluhod ako at hinawakan ko ang kamay nya.

"Lumaban ka pa Des! Kaya mo yan para kay Rever please" Sinabi ko yun kahit na maging ako ay nawawalan na ng pag asa.. Alam kong narinig nya yon para magpatuloy pa rin sya lumaban.

Bakit Des? Paano mo nalihim sa'min 'to? Sana natulungan kita.. Bakit kailangan mo kaming iwan? Bakit Des??

Iyak pa rin ako ng iyak habang inaalala ang mga pangyayaring magkasama kami ng bestfriend ko pati yung mga pagtatanggol nya sakin..

Naiisip ko rin si Rever na tiyak na kawawa kapag nalaman niya ito.. Kaya ko ba syang nakikitang umiiyak? Kaya ko kaya silang panoorin sa panahong kailangan na siyang kunin ng Diyos? Bakit kailangan mangyare ang lahat ng 'to? Bakit?

Tumakbo ako at agad na umalis ng hospital na yun. Di ko alam ang gagawin ko parang sasabog ang puso ko.

Pinilit kong pakalmahin ang sarili ko sa loob ng kotse..

Nung tingin ko ay naiiyak ko na ang lahat, pinaandar ko na ito at umuwi.

----

Nang makauwi na ako, dumeretso akong kwarto at kinuha ang cellphone ko

"Pupunta ako bukas Des, magpagaling ka para kay Rever" Sinend ko iyon kay Des para paggising nya ay mabasa nya agad.

"I wanna meet you tom. Important talk. See you at school" -To Rever

-----------------------------

Intense na..

After 1 year updated na haha

Sana may makabasa paren

READ/VOTE/COMMENT please


In The Name Of Love (A Masochist's Love)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon