Chapter 1

143 7 0
                                    

"oi panget pikit mo mata mo bili" sabi nya na parang excite na excite so ako kahit nag-aalangan ginawa ko pa rin kung anong sinabi nya.

"ano ba kasi yun panget may sasabihin nga ako sayo diba" sabi ko ng nakapikit at naglalakad habang inaalalayan nya.

"basta trust me! ayan malapit na tayo.."

pagbukas ng mata ko nasa gym na kami ng school at tumambang sakin ang mga lobo at maraming tao na nakangiti sakin na may hawak ng mga katagang

H-A-P-P-Y F-O-U-R-T-H A-N-N-I-V-E-R-S-A-R-Y P-A-N-G-E-T

W-I-L-L Y-O-U B-E M-I-N-E F-O-R-E-V-E-R ?

at lumuhod sya sa harap ko hawak ang isang box na may lamang singsing..

hindi ko mapigilang maluha. hindi dahil sa masaya ako dahil sa nakita ko kundi dahil lalo akong nalungkot na kailangan pang maging ganito ang lahat bago ako umalis.. tumingin ako sa mga mata nya na punong puno ng kasiyahan at pagmamahal. lalo akong napaiyak at nagtaka na sya..

"bakit? ayaw mo ba?" maluha luha na rin sya

"hindi naman sa ganon pero diba mga bata pa tayo? 18 palang  ako at 19 ka palang" pagsisinungaling kong dahilang

"eh ano ?? 4 years is enough to say that we're destined for each other forever kita na nga sa pangalan natin diba sumagot ka na kasi nakakahiya na ako dito eh -.-"

"pero kasi hindi mo ako naiintindihan" umiyak ako at pinatayo ko sya

"may sasabihin ako sayo" seryoso na ang pagkakasabi ko

"ano ba kasi yun?? di ba pwedeng bukas na yan alam ko namang oo isasagot mo ee"

"sorry pero hindi. maghiwalay na tayo." simpleng salita pero kahit hirap na hirap akong sabihin kailangan ko talagang sabihin.

and tears began to fall from his eyes.

nararamdaman ko yung sakit nya pero mas nahihirapan ako sa sakit na nararamdaman ko.. feeling ko bibigay na katawan ko anumang oras..

umalis na ako at iniwan syang nakatulala at umiiyak. kahit masakit pipilitin kong tanggapin ang nangyari at tuluyan na syang iwanan. titiisin ko ang lahat para lang sa ikabubuti nya. sobrang sakit. bakit sa ganoong pangyayari pa nagtapos ang lahat? halo halo na ang nararamdaman ko, sakit, lungkot, galit sa sarili at awa para sa taong pinakamamahal ko. kung hindi lang sana nangyari sakin to ay agad agad na akong nagsabing "oo".. pero hindi .. ito ang nakatadhana sakin.

nagdrive ako hanggang sa makarating na ako sa bahay...

"are you okay?" sabi ni mama nang makitang iyak ako ng iyak

"Mama!" niyakap ko nalang sya. "ang sakit ma. iniwan ko na sya. ma parang di ko kaya" iyak pa rin ako ng iyak habang nakayakap ng mahigpit sa mama ko.

"shhh hush now baby.. bakit mo ba 'to gagawin? diba para rin to sa ikakabubuti nya. sa ikabubuti ninyong dalwa" sabi nya habang hinihimas ang likod ko.

nang medyo okay na ako dahil sa pagcheer up sakin ni mama ay iniabot nya na skin ang maleta at passport ko.

"so can we go now?"

tumango na lang ako at sumakay na sa kotse. hindi ko nanamang maiwasan umiyak. bawat nadadaanan namin ay nagpapaalala ng mga memories namin ni Rever.. napapahawak nalang ako sa dibdib ko  na feeling ko bibigay na anytime kaya pilit ko pa ring maging mahinahon at pakalmahin ang sarili ko.

nang makarating kami sa airport, habang naglalakad ako ay palingon lingon ako inaasahang may Rever na biglang susulpot at pipigilan akong umalis pero wala. wala hanggang sa makasakay ako ng eroplano.

In The Name Of Love (A Masochist's Love)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon