Chapter 9

20 3 0
                                    

So nandito lang ako habang naghihintay sa date ko.

Suot ko na rin ang red gown na inorder ko sa online shop at inadvice ni Rever na isuot ko

Oo, ganun na nga kami kaclose as friends at bestfriend ko na rin si Des.

Martyr? Masokista? Siguro nga. But being with them makes me comfortable.

Wala ng mga bullies na lumalapit sakin. Siguro naisip nila na wala naman akong ponaplanong sirain yung relasyon ng dalawa.

Oo masakit pa rin pero syempre tanggap ko na. Dati kasi ako nga naman ang nasa posisyon ni Des ngayon.

Di ko na lang iniintindi yung sakit kasi masaya naman sila at ginusto ko rin ito.

Siguro naman dadating din yung panahon na maghiheal na 'to at di na para pahirapan ang puso ko. Gusto ko pang tumagal no!

*Beep! Beep!

Nandito na pala ang sundo ko.

Dali dali akong lumabas para salubungin sya.

OoO

Ganan yung itsura nya pagkakita sakin. Parang nakakita lang ng multo noh? -_-

"Oh bakit? May masama ba sa ayos ko?" curious kong tanong sakanya

"Ah wala. You're such stunning as ever!" puri nya

Naramdaman kong nagblush ako kaya dali dali na akong sumakay sa kotse para di nya makita ang mukha ko.

"Hoy! Sira to! Hindi man lang ako hinintay pagbuksan sya ng pinto e." naasar sya sa ginawa ko at sumakay na rin sya sa kotse.

"Haha hindi uso sakin yun no!" palusot ko sakanya.

"Haha ewan ko sayo! Kaya kita nagustuhan e, kakaiba ka :)"

"Sows, nambola pa."

Di na ako tumingin sa kanya para di nya makita ang nagbablush kong mukha >////<

Maya maya pa ay nakarating na kami sa pupuntahan namin.

"Welcome To Sol Y Viento Mountain Resort"

"Wow! Ang ganda naman dito. Relaxing ang ambiance at kitang kita mo ang overview ng Laguna Lake at yung mga bahay sa baba, parang christmas lights!! Para tuloy napapalibutan ng lights yung lake." pagdedescribe ko sa mga nakikita ko habang naglilibot libot *u*

"Oh tama na yan! Yaan mo dadalhin kita dito lagi. Tara ipapakilala kita sa mga relatives ko kahit kilala ka na ng iba."

Ahh! So family gathering pala ito. In fairness, ang gaganda't gwapo ng mga kamag-anak niya at halatang mga classy at sophisticated *u*

So lakad dito,

Beso doon,

Shake hands dito,

Ngiti doon.

Grabe nakakapagod yun! Kaya tuwang tuwa ako nang makaupo na kami.

"Napagod ka?" tangong nya nang siguro napansin nyang hinihingal ako

"Oo nga e, ang dami mo palang relatives!"

"Haha sorry naman! mababait naman yang mga yan at saka karamihan naman sa kanila, kilala ka na. Dahil kaya sainyo kaya kami kumikita haha joke!"

"Ewan ko sayo! Kain na nga tayo!" aya ko kasi gutom na din ako.

Nang magstart kaming kumain, kinwentuhan nya na ako.

Pamilya raw talaga sila ng mga doctor at gumagawa ng pangalan sa industriya ng medisina. Pinupush pala talaga sila magdoctor lalo na ang mga lalaki at papipiliin ka na lang ng field ng gusto mo. Tradisyon na yun ng angkan nila at so far, wala namang nagrerebelde at hindi naprepressure dahil bata pa lang silang magpipinsan ay tinetrain na. Marami na rin silang properties katulad ng hospital at medical school sa Manila at itong resort nga dito sa Laguna na intended talaga para sa family gatherings nila.

In The Name Of Love (A Masochist's Love)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon