1: Nasan ang pop corn?

38 14 12
                                    

Chapter 1 : Nasan ang popcorn?

Maine's POV

"Hoy mane!" Masamang tingin agad ang ipinukaw ko ng tawagin niya ko.

"Problema mo hopia?" sabi ko habang nilalamas ang dough.

"Samahan mo ko" kumunot lang ang noo ko sa blankong expression ng muka ko.

Lagi niya kong inaasar tapos kapag kailangan niya ng kasama ako .. ako .. ako at ako lang. Aba naman talaga.

"Dalian mo nga! Pakain kita sa aso ko!" Napa make face nalang ako.

"Baka ako pa yung kumain diyan sa poodle mo. Tigilan mo nga ako" saad ko habang patuloy pa rin sa pagmamasa.

"Tsk! Dalian mo nga. Arte" hinila niya agad ako at pinagtulakan palabas sa kusina ng bakery.

"ATE MELY PAKITAPOS NALANG YUNG GINAGAWA NI MANE!"  Sigaw ni hopia. Tsk tsk! Napaka talaga ng isang to.

"San ba kasi tayo pupunta?" Nakapameywang kong tanong ng makalabas kami sa bakery.

"Sa .. sa ano .. sa mall, bibili ako ng libro" inirapan ko nalang siya at pinagpag ang dumikit na harinang nasa braso ko.

"Nagbabasa ka pala? Psh. K" sagot ko nalang at lumakad na kaya sumunod naman siya.

...

"Mag bus nalang kaya tayo?" Sabi ko. Kanina pa kami nag aantay ng jeep, wala namang dumadaan.

"Tss, ayan na oh .. tara na" hinila niya ulit ako hanggang sa makapasok kami sa jeep.

"Bat ba ang sungit sungit mo?" Tanong niya sabay marahan niyang kinurot ang ilong ko.

"Ang pangit mo kasi e, nakakairita lang" sagot ko at inirapan siya.

Pagtingin ko sa mga babae na nakasakay din dito sa jeep, nakatingin halos lahat sakin at parang nagtataka.

Napataas naman ang dalawang kilay ko, problema ba nila? Tss.

...

"Waaaaah! Huhuhu! Yung bag kooooooo!" Rinig naming tili ng babae pagka baba palang ng jeep na sinakyan namin.

"Tsk tsk, ang dami na talagang masamang loob sa mundong to. Kumapit ka nga sakin, baka mapano ka" sabi ni hopia at agad akong hinigit papalapit sakanya.

Sabay kaming lumakad habang kapit na kapit pa rin siya sakin, and take note .. parang lahat ata ng madadaanan namin e naagaw namin ang atensyon. Siguro dahil sa pilit kong pagpupumiglas sa pagkakahawak ni hopia sakin.

Letse kasi. Baka kung anong isipin ng mga tao samin.

"Wag ka ngang magulo" bulong niya ng hindi tumitingin sakin.

"Bitawan mo na kasi ako e" bulong ko rin kaya binitawan niya naman ako at mabilis na naglakad.

"HUY ANTAY!" sigaw ko.

Pano ba naman kasi, yung isang hakbang niya tatlo na sakin. Uwaaaah! May balak pa atang iwan ako T^T bad doooog.

Hinabol ko siya hanggang sa makapasok kami ng mall, kaya ang labas ko eto .. hingal at hindi ko na alam kung anong itsura ko ngayon.

Nakita ko siyang naglalakad papunta sa loob national bookstore kaya napapailing nalang akong sumunod.

Hanggang sa pagpasok ko, wala na. Nawala na siya sa paniningin ko. Nasan na ba yung hopia na yun? Grrrrrr.

Hinanap ko siya sa loob nitong national bookstore pero wala. Nakalabas na kaya yun? Aish.

"Harry potter-- este harry Oxford tyler asan na ba you? Dito na me" bulong ko habang dahan dahan pa ring naglalakad at hinahanap siya.

Biglang may nagtakip sa mata ko. Omygash!

"Ssssshhh .." bulong niya. Ramdam na ramdam ko ang init ng paghinga niya sa leeg ko.

Pero narealize ko, public place pala to. Bat ako matatakot?

Hinawakan ko ang kamay niya at agad na pinaikot ito para hindi siya makalaban.

"Araaaaaaaaay!" Hiyaw niya kaya nabitawan ko agad ang kamay niya.

"Anak naman ng hopia!" Sabi ko sakanya. Si harry lang pala. Jusko! Dami kasing alam.

"Masakit yun ah! Sayo yan oh!" Reklamo niya habang hawak hawak ang isang braso niya na inikot ko kanina. Napatingin ako sa tinuro niya, isang libro na nakapatong sa isang mesa dito.

Kinuha ko agad yun at napangiti. Alam niya talaga pano ko mapapangiti e. Infairness naman ha.

"Tara na nga mane!" Sabi niya at ginulo ang buhok ko. Tsk tsk! Palibhasa matangkad.

Lumakad na kami palabas ng national bookstore. Teka nga, ano bang meron? Pumunta kami dito para lang bilhan niya ko ng libro ni nicholas sparks? Nyek.

"Pst!" Tawag ko kaya napalingon siya sa akin.

"Oh ano?" Sabi niya habang nakataas ang isang kilay. Psh.

"Di mo ba nagustuhan yan?" Tanong niya agad kaya umiling ako.

Alam niya naman na eto nalang ang kulang sa mga kinokolekta kong libro ni nicholas.

"Oh anong problema mo?" Pag susungit niya. Hmp! Sungit sungitan daw e.

"Wala naman, anong meron? Bat mo ko binilhan neto?" Tanong ko habang patuloy pa rin kami sa paglalakad.

"Wala naman" tipid niyang sagot kaya inirapan ko nalang siya. Sarap kasing kausap. Tse.

"Sinong favorite author mo?" Tanong ko sakanya. Kasi ako alam na alam niya na at obvious naman e.

"Si God" sagot niya na nagpakunot ng noo ko pero nginitian niya lang ako.

"Si God?" Ako. Oo ako! Ako nga kasi. Oo ako. K.

"Oo. Kasi biruin mo, sa dami rami ng tao na meron sa mundong to .. lahat tayo nabigyan niya ng magandang story .. yung iba ngayon siguro nasa rising action palang, yung iba sa climax, yung iba sa falling action at yung iba nasa denoument na" sagot niya kaya napapatango ako.

Infairness sobrang korak ang sagot niya. Tragedic or happy ending man yan, be thankful kasi kung nabuhay ka o nabubuhay ka it means willing si God na gawan ng magandang Plot ang story ng buhay mo.

"Sa dami rami ng tao dito sa mundo, isa ka sa asdfghjkl" nangunot ang noo ko. Oo! Madalas mangunot ang noo ko sa hopia na to.

"Ano?!" Tanong ko dahil sa binulong niya.

"Wala ho! Bente kwatro!" Sagot niya at agad na tumakbo.

Grrr. Letse talaga ang lalaking yan. I hate hiiiiiiim >_____<

...

"San galing?" Mataray na tanong ni nanay stella. Landlord sa tinutuluyan naming apartment ni hopia.

"Nagpasama lang ako sakanya nay stella, selos ka kagad e" pagbibiro ni harry na muntik ko ng ikatawa kung hindi lang ako nilakihan ng mata ni nay stella.

"Hija, hoy! 50 days nalang ang natitira mo at pag di ka pa nakabayad .. pasensyahan tayo, aalis kana dito" huling salita ni nay stella at lumakad na palayo.

"Tara" aya sakin ni hopia kaya sumunod nalang ako. Magkatabi lang naman kasi ang tinutuluyan namin.

San ako kukuha ng pambayad sa tatlong buwan kong utang dito? Uuuugggghhhh. Ewan ko na.

Pumasok na ko ng tuluyan sa unit ko at binagsak ang katawan ko sa kama. Ang hirap mabuhay shemay. Pero mas mahirap kung walang buhay -__- oo alam ko.

Asan na ba kasi ang pamilya ko? Kailangan ko na ba talaga silang hanapin?

Pero ang malaking tanong ..

Sino ba ang pamilya ko? Nasan sila?

Returning is possibleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon