11: Revelations

34 13 7
                                    

Chapter 11: Revelations

Maine's POV

"Mane .." biglang rinig ko. Napatingin ako sa kabilang kalsada. Nandun si harry. Nakangiti siya sakin.


Hindi ko maiwasang ngumiti. Nawala lahat sa utak ko ang nangyari kanina ng makita ko siya.



Tumawid siya at lumapit sakin.


Hinawakan niya ang kamay ko at lumakad kaya sumunod ako sakanya. Hindi ko alam kung saan kami papunta pero nakatingin lang ako sa muka niya.




Naglakad lang kami ng naglakad hanggang sa makarating kami sa isang ..



Sementeryo.


Harry's POV


Dinala ko na siya sa dapat noon niya pa nakita.


Sa puntod ko.


Ngumiti ako sakanya. Gamit ang mga mata ko ay tinuro ko ang puntod ko kung saan nakasulat ang buong pangalan ko.


Nanlaki ang mata niya sa nakita niya. Alam kong yan ang magiging reaksyon niya.


"H-harry O-oxford T-tyler" nanlalaki at naluluha ang mata niya ng humarap siya sakin.



"Natatandaan mo na ba ang lahat?" Tanong ko. Nanginginig lang siya hanggang sa bumagsak siya at napaupo sa damo sa tabi ng puntod ko.



"C-car accident? I-ikaw at ako?" Napapikit ako. Ang sakit sa mata, na makita siyang umiiyak at nasasaktan.



"Harry!" Sigaw niya at dali dali akong niyakap. Niyakap ko siya ng mahigpit. Mahigpit na mahigpit.


Flashback ..

"50 days nalang mahal, aalis na ko" sabi ko sakanya. Mapait siyang ngumiti saakin kaya ginulo ko ang buhok niya.


"Babalik naman ako, kailangan ko lang paghandaan yung future natin" pagpapagaan ko sa loob niya .



"Hindi naman na kasi kailangan e, magiging CEO na ko ng company namin .. wag ka ng umalis please" nag puppy eyes pa siya pero hinalikan ko lang ang noo niya.



"Sa kasal natin ayokong ikaw ang gagastos, ako ang lalaki kaya obligasyon ko yun, ayokong iasa sayo ang magiging buhay natin" sabi ko ulit kaya napabuntong hininga siya.


"Wag kang mag-alala mahal, sayo ko lang ibibigay ang lahat ng oras at araw na natitira ko bago ako umalis .. promise yan! Poprotektahan kita, papasayahin kita, ibibigay ko lahat ng gusto mo, hindi kita pababayaan sa natitira kong araw dito para makabawi ako sayo kasi ilang taon din kitang di makakasama, sobrang mamimiss kita" ngumiti siya at hinalikan ako sa labi.


"Promise yan ha? Wag ka mag alala mahal, susunod ako dun" sabi niya kaya napailing ako.


Sabagay, mayaman sila kaya kayang kaya niyang sumunod dun pero may inaasikaso din siya dito kaya hindi na ko mag eexpect pa.



"Opo, promise" nginitian ko siya at ini-start na ang sasakyan ko.


Pupunta kami sa paborito naming lugar. Sa seaside. Kung saan kami nag kakilala, kung saan nagsimula ang lahat.



Biglang may malaking truck ang nawalan ng preno sa harapan namin at hindi ko inasahang ..


Wala din kaming preno.



Returning is possibleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon