9: Remember

23 13 7
                                    

Chapter 9: Remember

Maine's POV



"ATHENA! ATHENA!" sigaw ng lalaki mula sa likod ko.



Pamilyar siya e. Kaso hindi ko matandaan kung sino siya. Ugh!



"MAINE! HUY! MAINE! GISING!" napaupo ako at napahawak sa ulo ko.



Napanaginipan ko na naman yung patay. Oo napanaginipan ko na naman siya pero hindi ko pa din maaninag kung sino yung nasa kabaong. Tapos may tumatawag sakin. Eh? Baka nagkakamali lang ako? Ang pagkakarinig ko kasi athena. Siguro nga hindi ako yun.




"Ang aga mo naman dito?" Tanong ko kay hopia na siyang nang gising sakin.



"Panong hindi? E nasa tapat ako ng pintuan mo bigla kang sumigaw ng HINDIIIII! HINDI PWEDE!" sabi niya na ginaya pa ang pag sigaw ko na hindi ko naman namalayan.




"Kaya pumasok ako at di ako nagkamali, binabangungot ka na naman" napapailing niyang sabi.



Napabuntong hininga nalang ako at tumayo mula sa pagkakaupo ko sa kama.



"Sa tingin ko kailangan mo ng katabi sa kama, try me" nanlaki ang mata ko sa sinabi ni harry at agad ko siyang pinagpapapalo. Maloko to ah.




"Biro lang biro lang" sabi niya habang umiilag sakin.




"Lumayas kana nga dito!" Sigaw ko at pinagtulakan siya palabas.



...



"Athena?" Napatingin ako sa nagsalita. Akala ko ako, hindi pala. Hahaha


Yan kasi yung tinawag sakin nung lalaki dun sa panaginip ko. Ayy! Hindi mali. Hindi ko pala alam kung ako yun.


Lumakad na ko palayo. May hinahanap pa kasi ako.


Hinahanap ko si hopia dito sa mall. Ewan ko ba dun, sabi niya sumunod daw ako sakanya dito.



Nasan na ba yun? Tsk tsk.



"Mane .." tawag niya mula sa likod ko kaya napaharap ako.



Ang lungkot ng muka niya kaya nag alala ko bigla. May nangyari kaya?



Nakayuko siyang lumapit sakin.



"Alam kong darating din ang araw na to .. na malalaman mo lahat" sabi niya na ipinagtaka ko.



"Ha? Anong sinasabi mo?" Sabi ko kaya napaangat bigla ang ulo niya. Para siyang nakakita ng multo sa sinabi ko.




"MAINE!" tawag mula sa likod ko kaya napaharap ako dun.




"Oh annie?" Sabi ko ng makita ko si annie na tumatakbo palapit sakin.




"Hay nako! Kanina pa kita tinatawagan ah! Bat di mo sinasagot?" Sabi niya kaya napatingin ako sa cellphone ko.



6 missed call.
Annie <3




"Sorry naka silent kasi e" nag nod lang siya.



"Oh e bakit ba kasi hinahanap mo ko?" Tanong ko sakanya.



"Pupunta kasi kami ngayon ni dev sa resort nila, pina close niya pa yun para sa atin .. gusto niya daw kasing makasama kayo bago siya lumipad pabalik sa canada" paliwanag niya kaya napapatango nalang ako.



Returning is possibleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon