4: Just be happy

33 14 10
                                    

Chapter 4: Just be happy

Maine's POV

4:30 palang ng umaga pero bumangon na agad ako. Naalimpungatan kasi ako sa mga pusa na maghaharutan sa bubong. Tsk tsk.

Tumayo ako mula sa malambot kong kama. Yes naman <3

Syempre nagmorning rituals agad ako. Pagtapos ay lumabas na ko ng apartment.

Nakita ko ang isa sa mga kasama ko sa apartment na naglalakad kaya sinundan ko siya at napansin niya naman ako kaya tumigil siya sa paglalakad.

"Oh maine, ang aga mo naman" sabi niya at tumuloy na sa paglalakad kaya sinabayan ko siya.

"Ah? Oo e. Ang dami ko kasing iniisip" sagot ko.

"Balita ko nga nawalan ka daw nv trabaho, bat di mo sabihin kay doc.? Tiyak tutulungan ka kaagad nun" sabi niya pero umiling lang ako.

"Nakakahiya na masyado kung hihingi pa ko ng tulong, ang laki na ng utang na loob ko sakanya sa dami ng tinulong niya sakin" sagot ko kaya napapatango lang siya.

"Oh e pano yun? 50 days lang ata palugit ni nay stella sayo diba? San punta mo niyan?" Tanong niya pero nag kibit balikat lang ako.

God, tulungan mo naman po ako please. Alam ko po na hindi mo ibibigay yung gantong klaseng problema sakin kung hindi ko kakayanin kaya pipilitin ko pong kayanin lahat to basta God kailangan ko ng tulong mo.

"Kung kaya ko lang tutulungan kita kaso may pamilya pa kong pinapadlan sa probinsya at hindi ganon kalaki ang sahod ko buwan buwan" nginitian ko siya.

"Ayos lang yun nuba, magagawan ko to ng paraan" sabi ko kaya napangiti siya.

"Yan ang nagustuhan namin sayo, ang tatag mo" nasabi niya pa ng pumara siya ng tricycle.

"Mauna na ko maine ha? Mag iingat ka. Good luck" paalam niya.

"Sige sige. Ingat din" sabi ko naman. Inantay ko munang makalayo ang sinasakyan niyang tricycle bago ako lumakad ulit.

"MANE!!" tawag ng hopia. Oo! Kilalang kilala ko na yan siya. Tss.

Tumigil ako sa paglalakad at inantay siya hanggang sa may malaking braso ang umakbay sakin.

"Aga natin ah? 5 am palang oh" sabi niya habang nakatingin sa orasan.

"Dilim pa .." pahabol pa niya.

"Pano ko makakatulog kung ganto kalaki ang problema ko? Buti sana kung may matutulong ka diba?" Sarcastic na saad ko kaya napa make face lang siya.

"Ang sungit sungit mo kasi kaya nangyayari yan sayo" bulong niya pero sapat para marinig ko kaya piningot ko siya.

"Araaaaaaay! Aray aray!" Hiyaw niya kaya binitawan ko ang tenga niya at tumawa ng pagkakalakas lakas hanggang sa inubo ako. Nubayan! EPIIIIIC >_____<

"PFFT HAHAHAHAHAHA! TAWA PA!" tawa niya din na halos napapahawak na siya sa tiyan niya dahil sa sobrang grabe. Ano daw? Ge.

*toink*

Malakas na sapok ang natanggap niya sakin kaya napatigil siya.

"Oh ano?" Sabi ko habang nagpipigil ng tawa dahil sa reaction niya.

Tinignan niya ko ng nakakaloko kaya napatakbo ako agad habang tumatawa. Wooooh! Leshe talaga si hopia kahit kailan.

"Mahuhuli din kita! Lagot ka sakin!" Sigaw niya pero binelatan ko lang siya habang patuloy pa din sa pagtakbo.


Maya maya pa ng biglang bumuhos ang malakas na ulan. The feels, ang lamig pa tapos biglang umulan. Ang saya T^T


"Huli ka!" Biglang sulpot ni hopia habang hawak hawak ang baywang ko.


"Uwaaaah! HAHAHA! Nuba! HAHAHA!" Hiyaw ko dahil sa pangingiliti niya sakin.


Pfft. Grabe. Pfft. Di ko na kaya.



"Waaaah! Ayoko na! HAHAHA!" tumakbo na ko palayo sakanya.



"HAHAHA Halika na dito mane! Di na kita kikilitiin!" Sigaw niya. Tumigil muna ko para maghabol ng hininga. Woooh! Infairness nakakapagod yun. HAHAHA


Lumapit ako sakanya habang hinihingal pa din ng bigla siyang naupo at tinapik ang balikat niya.


"Sakay na. Uwi na tayo, lalakas pa lalo yang ulan e" sabi niya at agad na hinigit ang kamay ko.


Pumasan nalang ako sakanya. Psh! Siya may gusto niyan e *evil laugh*



Basang basa na kaming naglalakad sa ulanan-- este siya lang pala. Hahaha



Mas lalo pang lumakas ang ulan kaya bumaba na ko mula sa pagkakapasan niya sakin at agad na sumilong sa kung saan. Sumunod din naman agad siya sakin.



Bigla akong may natapakang kung anong malaking bagay kaya naagaw nun ang pansin ko.


Uyy wallet.



Pinulot ko yun at tinignan ang laman. May ID naman dito ata huwoooooow *O*


*Gulp* ang daming lamang pera. Asdfghjkl. Shocks !



"Uyy ano yan!" Biglang sulpot ni hopia at agad na kinuha sakin ang hawak kong wallet.



"Napulot ko dito" sabi ko at itunro kung saan ko nakuha yun.


Binuklat niya din yun at agad na ibinulsa. Laaaaah?


"Ako na mag sasauli nito. Mamaya hindi mo pa ibalik to sa may ari e" sabi niya kaya nakatanggap siya ng malakas na palo mula sakin pero tinawanan lang ako ng loko.



Niyakap ko bigla ang sarili ko ng isang malakas na hangin ang dumaan. Ang lamig brrrrr.



"Nilalamig ka?" Tanong ni hopia kaya sinamaan ko siya ng tingin.



"Obvious naman diba?" Pagtataray ko at inirapan siya.



"Ona! Body heat? *evil grin*" nanlaki ang mata ko sa inasta niya kaya napatakbo ako bigla sa katapat naming playground at pag lingon ko sakanya, ayun tawa ng tawa. Ang saya niya no?




Lumakad siya palapit sakin pero naupo nalang ako sa isang duyan.
Uupo pa sana siya sa katabi kong duyan ng makita niyang nangangalawang na yun at posible siyang mahulog pag naupo pa siya.


Pero si tanga naupo pa din kaya ayun .. bulagta. Djk.
Syempre as expected nahulog siya. Buang kasi e -_______-



"Hindi ko alam kung tatawa ko o maiinis sa katangahan mo" pandidiretsa ko.



"Ganon kasi talaga ko, alam ko ng may posibilidad na mahulog ako kung uupo ako pero hinayaan ko ang sarili ko, yan tuloy ako yung nasaktan" sabi niya kaya binatukan ko siya.



"Bawal hugutero dito! Dun ka nga!" Pagtataboy ko sakanya. Kung makahugot naman kasi. Boom na boom.



"HAHAHAHAHA!" tawa niya lang at agad na sumalampak sa damo.



"Masaya ba?" Tanong ko sakanya. Para kasinf baliw e.



"Oo. Andyan ka e" sagot niya na ikinatulala ko. Ano daw?



"Biro lang! HAHAHAHA kinilig ka naman. Pfft! Malamang masaya ko, hindi naman ako nagiging malungkot e" bawi niya kaya napamake face nalang ako.


"Ang kapal mo no? K" sagot ko nalang.

Returning is possibleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon