PART 1

24 1 0
                                    

"Ano Mariel!? Nakahiga ka nanaman diyan!? turuan mo ang kapatid mo dun ng assignment!"

"Oo saglit lang!" Sigaw ko habang umiinat at nagkukuskos ng mata.

Araw araw nalang. tuwing 7 ng umaga, ratatat ang bunganga ng nanay ko. Habang ang ate ko naman ay walang paki habang nagcecellphone. Oo ako nanaman.

Bumaba na ako para turuan ito at naging maayos naman.

I am Marielle Garcia, 14 years old. And i'm just a simple person who have a dream. Taga pasay ako, at akala ng iba masaya ako sa pamilya ko pero kagaya nga ng kasabihan 'Marami ang namamatay sa maling akala' buti nga di pa sila namamatay eh. Ang mga magulang ko ay nagtitinda ng gulay sa palengke. Pero, may sarili kaming pwesto. Oo, may kaya kami. Pero hindi lahat ng bagay nabibili ng pera, kagaya na lang ng tunay na pagmamahal galing sa sariling pamilya o magulang. Akala ata ng nanay ko porket nabibili niya lahat ng gusto ko masaya na ako. HINDI, dahil hindi ko madamang nanay ko siya. At ang tatay ko naman ang hobby niya ay Uminom ng alak tuwing umaga. Minsan nga tinutuon ko nalang ang atensyon ko sa pagtitig sa mga poster ng kwarto ko eh.

"Nasaan si daddy?"

"Nasa labas." Sagot ng pinsan ko sa akin, papasok na ako ngayon sa school. At hinahanap ko si daddy para manghingi ng baon ko.

"Daddy, papasok nko. Akin na baon?"

"Ay. Offline ako nak!" Sagot niya habang nagtatawanan ang mga kainuman niya. Here we go again.

"Akin naaaa." Irita kong sagot. At binigay nya na rin.

Pumasok na ako sa school. Hanggang sa makarating ako sa loob ng room.

"Unnieee!" Sigaw ni Ladyrans habang sumasalubong sa akin.

Umupo na ako sa upuan at nagkwentuhan ng nagkwentuhan tugkol sa 방탄소년단 (BTS). Kaya ginaganahan ako pumasok eh, dahil sa babaeng to. Kesa sa bahay. Puro bunganga nalang, at sumbat ang maririnig ko galing sa Nanay ko.

Nakauwi ako sa bahay ng matiwasay, at agad dumiretso sa kwarto ko. At agad na humiga sa kama ko.

"What a long day!" Para akong tanga na kinakausap ang poster ng BTS.

Agad akong nagbihis at kumain na nang dinner. At umakyat uli sa kwarto upang magsoundtrip. Pero naisip komg may kulang, KRIMSTIX! <3 Ang paborito ko nga pala. Kumuha ako ng 10pesos sa bulsa ng palda ko at bumaba para bumili ng Krimstix. Pagkababa ko, nakita ko ang pinsan ko na nanunuod ng TV. Lumabas na ako para makabili na.

Pagkapasok ko sa bahay...

"Hoy MARIELLA! Sinong nanuod ng TV dito? At iniwang bukas ang Ilaw at electricfan ng walang tao?! Ang mahal mahal ng bill natin sa kuryemte at may gana pa kayong magaksaya?!"

"Hala. Bumili ako sa labas, si ate danisa ang nandiyan kanina ah."

"Dapat sinuway mo! Dapat sinabi mong patayin yung TV!"

"Eh nanunuod sila eh! Alangan namang patayin ko!"

"Sa susunod, pagsabihan mo! Hindi yung puro barkada inaatupag mo."

Umakyat ako ng hagdan. "Ako nanaman."

"MGA PABIGAT NA NGA KAYO EH!" Ito talaga ang salitang napa-pantig ng tenga ko. Ang sakit, ang sakit pala marinig ang salitang yan galing sa sarili mong INA. Pumasok ako sa kwarto ng may luha sa mata. Pinipigilang hindi ngumiwi sa pagiyak. Tumingin sa salamin, at tinanong ang sarili ko 'anong mali sa akin?' At napalingon ako sa tabi ng salamin at nakita ko ang nakangiting mukha ni Kim Taehyung. Pumasok sa isip ko na 'Fight lang! Malapit mo nang makamit ang pangarap mo! Konting push nalang.' Humiga ako sa kama at pinatugtog ang Just One day. Hanggang sa makatulog na ulit ako.

PART 4Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon