PART 12

17 1 0
                                    

[GD's POV]

Nakauwi na kami. Nagpaalam ako kay Marielle na dito ako matutulog, sinabi niya naman na okay lang. At mas okay daw yun, grabe nalasing siya. Natumba nga kami sa elevator eh. Pano ba naman biglang sumampa sa likod ko. Buti nalang walang tao dun kanina. Tapos pagkapasok dito deretso higa siya sa kama, kaso basang basa siya ng pawis eh. Tinext ko si Aly at pinapunta dun sa kwarto ni Marielle.

"What happened to joo-min?!" Gulat na tanong niya ng makita niyang nakabulagta ang kaibigan niya sa kama.

"Just change her clothes, she will explain tomorrow. For now, change her clothes and let her rest." Lumabas na ako ng kwarto at inantay na matapos si Aly sa pagbibihis kay Marielle.

"Take care of her. Get her a warm water and wipe her face. I will go to sleep." Aly commanded at me. Tumango na lang ako.

Sinunod ko ang sinabi ni Aly, pinunasan ko ang mukha niya at mga kamay niya. Gising pa pala siya. Kaso nakangiti lang siyang nakatingin sa akin. Baliw?

"What are you looking at?" Tanong ko.

"Bakit kaya hindi nalang ikaw Ji-yong?"

Naspeech-less ako sa sinabi niya. Oo nga bakit hindi nalang ako Marielle. Aalagaan kita. Higit pa sa pagalaga ko kay Kiko. Hinding hindi kita pakakawalan.

"Tumigil ka nga." Suway ko.

Umupo siya. "Do you love me Ji-yong?"

What the. Lasing talaga siya. Hindi niya naman siguro maaalala to bukas no?

"Yes. I love you, but you don't love me. Because you loved taehyung. Remember the day when you and taehyung are officially on? Yun yung araw na dapat magtatapat ako sayo. Kaso naunahan mo ako eh, kaya ayun. Pinilit ko ang sarili ko kay Kiko. Kahit may boyfriend siya nakipagbalikan ako sa kaniya." Napatawa na lang ako sa pinagsasasabi ko "Ganun kita kamahal."

Nakangiti siya. Pero may luha sa mata niya. "I will try my best to love you, and please try your best to make me fall inlove with you."

Napatawa ako.

"That's what i'm doing right now."

"Kiss me." She commanded at me. Tumingin ako sakaniya at tumigil ako sa pagpupunas. Nakapikit siya at nagaantay na dumampi ang labi ko sa labi niya.

"No."

"Akala ko ba mahal mo ako?"

"Yes, i love you but your drunk. Ayoko na mag take-advantage. Hindi tama yun. Tulog na tayo."

Napangiti na lamang siya. Nagbihis na ako at agad na humiga sa kama ni Marielle. Nagharang ako ng isang unan sa pagitan namin. Pinikit ko ang mga mata ko at tuluyan nang natulog.

---

[MARIELLE's POV]

Nagising ako sa uhaw at sakit ng ulo. Agad kong naisip si Taehyung. Siguro masarap ang tulog niya ngayon. Kasama si Eunji.

"Take this medicine." Si GD.

"Thankyou." Kinuha ko ang gamot na inaabot niya sa akin.

"Grabe ka malasing. Tsk." Umupo siya sa tabi ko.

"Haha. Sorry. Ikaw ah! Ang drama mo kagabi." Tinabig ko ang kamay niya. Bakit namumula siya? Baka akala niya di ko maaalala yun.

"Kain na tayo. Nagluto ako." Walk out lang ang peg niya. Sumunod na ako sa kaniya.

Nang matapos kaming kumain, nagpatawag ang CEO ng meeting. Pagkatapos kong magshower, pinuntahan ko ang kwarto ni GD. At sabay kaming bumaba.

PART 4Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon