PART 2

18 1 0
                                    

"Mariel!!!!!"

Nagising ako ng marinig ko nanaman ang boses ng nanay ko na dinaig pa ang taas ng boses ni jimin kung makasigaw. Tinakpan ko ang mata ko ng kumot at sinusubukang matulog muli.

"Hindi kaba bababa jan?!?!!"

Chineck ko ang oras 6:45am. Putcha naman oh! Ang aga pa pala.

Bumaba na ako, at tinuruan agad ang kapatid kong 5 years old. Natulog ulit ako pagkabalik ko sa kwarto. Eto nanaman ang routine ko, walang nagbago araw araw. Pero, habang tumatagal naiisip ko na 'Ay, hindi pwede na hanggang dito lang ako. Kailangan maiangat ko ang sarili ko, kailangan patunayan kong hindi ako pabigat. Kailangan kong patunayan na kaya ko!'

Dumiretso ako sa Computer shop at nagtype sa google 'HOW TO BE A KPOP?' Lumabas ang Audition Center Of Kpop Industry Clinick ko yun at nakalagay doon ang mga Information para matanggap bilang isang KPOP.

1st, Learn to sing well. Check!

2nd, Learn to dance. Check!

3rd, Learn how to communicate in Hangul. Check!

4th, You will not see your family, Are you ready? Check!

5th, Audition in a Entertainment. But how?

Pumunta ako sa Site ng YG-family. At nakita ko ang APPLICATION FORM. BOOM! Gotchaaa. Agad agad ko itong pinaprint at agad nagpractice ng kanta sa kwarto.

Humiga saglit sa kama at kinausap ang Poster ng BTS. "Konti nalang...." Pumikit ako at nagdasal.

---

Pinadala ko na ang form sa Seoul. And all i have to do is WAIT. Guide me god please.

1 Month passed.

Isang buwan na ang nakakalipas, pero wala talaga. Hay. Buhay nga naman talaga.

Someone called me. UNREGISTERED number. And it's started with +01. Sinagot ko ito ng nagtataka. Hindi ako nagsalita at inantay ko na magsalita ng una ang nasa other line.

"Hello?"

"Yes hello? Sino to?"

"Uhm. Excuse me miss, is this Marielle Garcia from Philippines? I'm Kim Choi Hee from YG entertainment."

Dumagundong sa tuwa ang puso ko at napaluha ako sa mga pangyayari. Hindi na ako makapagsalita dahil sa sobrag gulat. Hindi ko ito in-expect. HINDING HINDI.

"Hello?"

"Uhm, NEH! This is Marielle, why sir? I am accepted?"

"Yes miss, i would to congratulate you. We are now processing your flight to Seoul Korea. This is on October 16, 2015 so get ready. We will send you this ticket now, and you will recieve this by tomorrow, and we send the Airline company that you are Minor so they will guide while you are in the plane. Then, you will fetch by the bodyguard of YG entertainment in Incheon Airport. Have a safe trip miss. And by the way, were sorry for being late to tell you. Because we processed your Passport and Visa. See you soon. And welcome to YG family."

Then he hang up. Tumigil ang mundo ko at napaluha nalang ako sa sobrang kasiyahan. Humiga sa kama at sumigaw.

"THANK YOU LORD!!!!!!" sabay yakap ko sa cellphone ko. Sobrang kasiyahan lamang ang nadadama ko ngayon. Pero teka, sasabihin ko ba sa mga magulang ko ang nangyayari? HINDI.

October 15, 2015 9:00pm

Pagkatapos kong magimpake ng mga gamit ko, bumaba ako sa sala upang titigan ang mga magulang ko.

'Mamimiss ko yung bunganga ng nanay kong maingay, mamimiss ko yung tatay kong lasingero, mamimiss ko ang ate kong walang pakialam sa buhay, mamimiss ko ang kapatid kong napakakulit. At higit sa lahat, mamimiss ko ang kwarto kong nagbigay inspirasyon sa akin, nagbigay ng lakas sa akin.'

Tinitigan ko ng mabuti ang mukha ng mga magulang ko. Habang masaya silang nakikipagkwentuhan sa kapitbahay namin. Lumapit ako sa nanay ko at niyakap ko sya.

"I love you ma, sorry sa lahat." Bulong ko sa tenga niya at tumakbo papalapit kay daddy.

"I love you pa, ingat kayo lagi. Sorry." Pumasok ako sa bahay ng nakayuko at sumalubong sa akin ang kapatid kong hawak hawak ang laruan niyang spider man.

"Bakit ate?" Tanong niya.

Niyakap ko sya ng napakahigpit. Tumulo na lamang ang luha ko sa sobrang pagkalungkot.

"Papakabait ka ha? Ingatan mo sila mommy at daddy. Wag pasaway. Ha?"

Tiningnan niya ako.

"Bakit ate? San kba pupunta? Sama ako!"

Napangiti naman ako.

"Hayaan mo, kukunin din kita. Kapag naka ipon na si ate ha? Pero di ako makakapromise. Basta ingatan mo sila ha? Oh eto Krimstix! Bibigyan pa kita ng marami niyan kapag aalagaan mo sila ha?" Inabutan ko siya ng 10 krimstix na binili ko.

"Yes!"

Umakyat na ako muli sa kwarto. Konti nalang...

---
"Manong Airport po." Sabi ko sa Taxi Driver sa harap.

"Sige hija." Sabi ni manong. Inaninag ko ang mukha niya sa Front Mirror. Matanda na pala si manong siguro mga around 60s, bakit pa siya nagpupuyat. At dahil sa ka-curiousan ko, nagdaldal ako kay manong.

"Manong? Bakit pa po kayo nagpupuyat? Eh may edad na po kayo. Buti po kaya niyo pa?"

Napangiti naman ng bahagya si manong.

"Kakayanin ko para sa pamilya ko. Kailangan namin ng makakain araw araw, kaya eto ako kayod ng kayod."

"Wala po ba kayong anak?"

"Meron."

"Nasan na po sila?"

"Iniwan na nila kami. Kaya wala akong pagpipilian kundi ang mag trabaho. Eh ikaw hija? Saan kaba pupunta at bakit may mga dala kapang papel at napakalaking maleta?"

"Ah. Eto pong papel manong ay picture po ng mga idol ko." Iniharap ko kay manong ang picture ng BTS na tinangal ko sa kwarto ko. Tinanggal ko lahat iyon at balak kong idikit iyon sa kwarto ko sa korea. Napatango nalamang si manong. "At eto naman pong maleta ay mga gamit ko. Pupunta po kasi ako sa Korea."

"Hindi ba masyado kapang bata?"

I chuckled. "Opo manong. Kagaya niyo rin po, kailangan ko pong kumayod pero hindi po para sa pamilya ko, para po sa sarili ko. Para po mapatunayan ko na kaya ko. Kaya manong, wag po kayong mawalan ng pagasa. Manalig lang po tayo. Diyan nalang ho sa tabi manong."

Inabutan ko siya ng 200.
"Keep the change na po. SALAMAT!"

"mabait na bata. ingat ka."

"Sige po. Babye!"

Whooo. Eto na, eto na talaga. Pumasok na ako sa Airport ng nakangiti. 'Kaya ko ito!'

Nandito na ako sa Waiting Area, inaantay ko nalang tawagin ang flight number ko.

PART 4Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon