"Why are you convinced? Do you like him?"
"N-no.."
"Are you sure?"
"Yes. I like you." Di ko na alam ang sinasabi ko, kusang lumalabas ang mga salita sa bibig ko. Ang alam ko lang, gusto ko nang matulog pero mas gusto ko siya. bumilis ang tibok ng puso ko, parang may mga kabayong nagtatakbuhan sa loob ng puso ko, may mga nagpupustahan kung kanino ba talaga, naguunahan ang tibok ng puso ko kung kay GD ba o kay Taehyung, pero alam kong kay Taehyung lang.
"W-what?" Pagtatanong ni Taehyung ng may malaking question mark sa mukha. Wala na, nadulas na ako eh. Paninindigan ko na, tsaka lasing kami. Okay lang kung ano ano ang sabihin namin.
"I like you." Tumingin ako sa kaniya. "Or do i say i love you."
"No."
Aray. Sabi na eh, dapat talaga hanggang kaibigan lang. Umalis ako at dumiretso sa kusina, at kumuha ng soju. Agad kong binuksan at tinungga. Bakit Naman kasi ang tanga tanga ko. Ang sakit. Unti unting lumabas sa mga mata ko ang makikinang na tubig, unti unti akong napaupo sa may stool at yumuko para isipin ang mga nangyari. Ang sakit sakit, sobrang sakit. Sino ba naman kasi ako para mahalin ng Bias ko?
"No, because i have to say i love you more." Nagulat ako sa taong nakahawak ngayon sa likod ko. Si hyung. Tama ba ang narinig ko? 'No, because i have to say i love you more?' Ibig sabihin...
Agad ko siyang niyakap, kahit hilong hilo na ako. Pinilit kong tumayo upang mayakap siya. Kahit ang bilis ng tibok ng puso ko, nilabanan ko para lang mayakap siya ng napakahigpit. Nang maabot ko na siya, agad kong ipinulupot wrist ko sa batok niya at ang wrist niya sa waist ko. Hala sige mga kabayo sa puso ko, magtakbuhan kayo hanggang sa dulo ng walang hanggan.
EVERYTHING WENT BLACK.
----
[Taehyung's POV]
Nakatulog siya sa sobrang kalasingan, ano ba naman tong babaeng to. Napakalasingera. Pero kahit ganyan ka, okay lang. Minahal kita ng ganyan eh.
Pinatawag ko ang naglilinis ng kwarto ko at doon pinabihisan si Marielle, babae naman yung naglilinis dito eh. Ipapasuot ko muna sa kaniya ang mga damit ko. At lalabhan ko narin ang damit niya. Ako ang maglalaba. Nangako kasi ako sa mommy ko na ang damit lang na nalalabhan ko, ay sa babaeng mahal ko. Nang matapos ko nang malabhan ang damit niya, pumunta ako sa tabi niya at pinunasan siya ng maligamgam na tubig.
"What do you mean Marielle?" Hindi parin maalis sa isip ko ang sinabi niya na hinalikan siya ni GD. Pero mas lalong hindi ko makalimutan ang sinabi niyang mahal niya ako. But sorry to say, i love her more than words.
-----
[Marielle's POV]
Nagising ako dahil sa sikat ng araw. Agad akong tumayo, at dumiretso sa CR. Teka nga, bakit parang iba yung damit ko? Sinong nagbihis sa akin? Bakit ako nasa kama ni taehyung? eh nasa kusina kami kagabi? Hindi kayaaa.....
"AAAAAHHHHHHHHHHHH!!!!!"
(Fast footsteps) BLAG! The door open widely.
"What the heck?!" Sigaw ni taehyung at sumunod na sumilip sila Namjoon. Bakit nandito sila!?
"What happen to us?!"
"Whow. Take it easy."
Napaatras kami ng napaatras hanggang sa mabunggo niya ang upuan.
"Tell me the truth!"
"Nothingg!!!!" Nakapikit na siya ngayon. Habang ako eto nakahawak sa shirt niya. Mukha akong ewan sa pinasuot niya sa akin, Garfield na damit tapos Space na jersey. Teka, wala namang masakit sa part ko. Tsaka naaalala ko na nagaminan kami kagabi. Tumingin ako kila Namjoon na halatang gulat na gulat ang mukha. Lalong lalo na si Hoseok. Tiningnan ko muna ng matalim si Taehyung ng mga ilang segundo, hanggang ngayon nakapikit prin siya.
