2 years later.
"생일 축하합니다!" (Happy birthday!) Pagbati nila sa akin. Sabay pinasok ang cake nila Suzy. Pero si V ang may hawak. This past 2 years, naging magkaibigan kami ng BTS. Yeah, pero ang pinakaclose ko talaga ay si V at Jhope. Andito silang lahat ngayon, pati ang BigBang. Sa Korean Calendar 18 na ako. Pero ang tunay kong edad ay 17. Bago ko hipan ang candle nag wish muna ako. 'Sana po maging kami na. At sana po maging succesfull pa po ang grupo namin.' And then, i blow.
"YEHEEEEYYY!" sabay sabay na sigawan ng mga kagrupo ko. Napapalakpak naman ako. Sa loob ng 2taon, marami ang nangyari. Nagkaroon narin kami ng 3 concert, sa Toronto, sa Osaka, at sa Singapore. At thank god. Succesfull naman. Dati nasa isip ko lang to eh. Yung tipong alam ko talagang walang pag asa? Pero nung nagdasal ako nang nagdasal natupad ko siya. Sobra sobrang blessing ang binigay sa akin ni God. ^_^ Habang kinakain nila ang cake ko, chineck ko ang e-mail ko.
@MarissaGarcia101
Helo nak!!!! happybday ingt k kng san kmn ngaun. miss n miss kn nmn. bgyn k sn n god ng ms mlusog n pngangatwan. mahal na mhal k nmn nak! Sna mgkta na ulit tau gsto n ktng ykpin. gsto ko n mkta kng ano itsura mo. s tingin k nak gmnda k. hehe mss you! mhal n mhal kta nak.Napangiti naman ako sa Chat ng nanay ko. Agad ko itong nireplyan.
Salamat ma! Miss na miss ko na den kayo! :* LABYUUUUU. ^--^
Sent.
Sa pagcecelebrate namin, may magandang balita ang Manager namin.
"Suzy,Aly,Hae Kim and Joomin. I have a good news! Your concert is confirmed!" Nagpalakpakan kami ng sabay sabay.
"In Philippines!!" What? Para akong masaya na malungkot. Bakit? Napatulala ako ng sinabi nila yun. Hanggang ngayon kasi hindi parin alam nila mommy na nasa korea ako. At hindi nila alam na sikat na ako.
"Yeeey!" Sigaw ni Aly.
"Yel! It's your country! Why are you not happy?" Tanong ni Suzy.
"Ahneeoh! I'm happy." Pagpapanggap ko. Oo, masaya ako. Sana makita ko ulit sila, kahit ganun ang pakikitungo sa akin ng magulang ko Mahal na mahal ko yung mga yun, at magulang ko pa din sila. Hindi naman mawawala yun. Pagkatapos namin magcelebrate, lumabas na kami ng mga kagrupo ko. Kasama ang BigBang. Nagpaalam muna sila Namjoon na Aalis daw muna sila, kasi tinext sila ng Manager niya. Dumiretso kami sa isang Malaking restaurant at doon kumain. habang kumakain, hindi ko parin maiwasan ang mapaisip sa concert namin.
"Ahoyyy." Paggulat sa akin ni GD. Nabuhayan naman kagad ako kaya mas binilisan ko ang pagkain. Hindi ko muna yun dapat iniisip.
"Yes?"
"I think, something bothering you! Joo miniee."
"Huh? 아니." (No.) Pagtanggi ko.
"Okay!"
Habang busy ako sa pagkain ko, biglang may inabot sa akin si GD, nakabox eh.
"Happy birthday!" Ngisi nyang bati sa akin. Napangiti naman ako. At di ko maiwasang kiligin! *^_^* Ikaw ba naman bigyan ng regalo ng Bias mo! Isipin mo nalang!
"Thankyou!" Sigaw ko at yinakap ko siya bigla. Sa sobrang kasiyahan ko, hindi ko na napansin na nakatingin na pala silang lahat sa amin.
"Hey dude!" Pagkantsaw ni Taeyang. Napatingin naman ako kay Aly habang yakap padin si GD. Sabi niya nakapikit daw si GD. Hala, nafa-fall na ata sakin tong Kuya ko. Hahahaha ^-^
Binuksan ko na ang regalo niya sa akin, AND OH MY GOSHHHHHH!!!
"KYAAAAHHHHHHHHH!" sigaw ko ng malakas, dahilan naman yon para mapatingin ang lahat ng tao sa akin. Pero hindi ko sila pinansin. Niyakap ko ng mahigpit si GD. Yung tipong ayaw ko na siyang bitawan, gusto ko na siyang patayin sa yakap ko.
