Hay nako. Ang tagal naman ng BigBang nandito na kami sa Van, sila nalang ang inaantay. Pinautos na ng manager namin na sunduin na sila. At agad naman na sumunod ang assistant. Unang dumating si GD na nakashades at nakalongpants then naka leatherjacket. At may suot siyang Hat. Ang cool lang. At teka?! Parehas kami ng sapatos! Yung boots na bigay niya sa akin!!
Papasok pa lang si GD. Umusog na si Aly sa tabi ko, at duon na siya naupo. Si Hae Kim at Suzy naman ay nasa harapan namin kasama si T.O.P at Seungri.
Dug
Dug
Dug
Dug
Yung mga tambol sa puso ko may parada nanaman. At nararamdaman ko ang mga martsa nila sa puso ko. Tsk. This is getting weird. I tried my best to still look cool.
"Bakit ang tagal niyo?" Tanong ko kagad ng maupo siya sa tabi ko.
"Ang tagal kasi tumae ni Daesung."
" 왜?" (Why?) Pagsingit ni Daesung sa harapan namin.
"아니요!" (No!) Sigaw ni GD.
"Hahaha. Baliw." Bulong ko na lamang.
"Sayo." Bulong niya din sa akin. Ang corny . Pero di ko parin maiwasang kiligin. at Kabahan...
Nang tuluyan nang makaalis ang Van, niyaya ako ni T.O.P at Seungri ng Junkfoods, kukuha na sana ako pero...
"Nononono. Take this!" Sabay abot niya sa akin ng Krimstix. WHAAAAA!!
Ngumiti na lamang ako sakaniya at agad na kinuha ang Krimstix. Napatawa na lamang sila T.O.P at Seungri. Binigyan ko rin sila ng Krimstix at nagustuhan naman nila. Teka, bakit parang ang tahimik ni Aly? Sinilip ko siya sa gilid ni GD. At aba! Hahahahaha. Katabi niya pala si Taeyang. Kaya pala, nagkakahiyaan ba silang dalawa? Hahaha. May something dito sa dalawang to eh.
"Bagay sayo yung suot mo." Sabay kindat niya sa akin. Simple lang naman ang suot ko, Long sleeves na sky blue, and white pants. Anong maganda dun? Ako? haha
"I'm not good at basketball." Pambabara ko. (Para sa mga hindi naka gets 'Hindi ako magaling sa basketball' or 'Hindi ako magaling mambola')
"Nah! It's true." Nanahimik na ako.
---
"AAAHHHHHH!!!" Sigaw ng mga tao nang makalabas na kami ng NAIA 1. Ang daming tao, napakarami. Si Aly,Suzy at Hae Kim ay nakamask. Ako lang ang hindi naka mask. Naka hat lang ako, yung hat na suot ni GD kanina. Nasa Likod namin sila ngayon.
"Wow." Sabay sabay na sabi namin nila Aly nang masilip namin ang tao sa labas. Kaway lang kami ng kaway nila Aly. Sumilip ako sa likod ko at nandoon din si GD. Napansin ko ang mga taong nakatingin sa mga sapatos namin. Teka, may banner na sumagi sa mga Mata ko. 'DRAGOMIN'. So may Couple name kami? Nakakatuwa. Kumaway lang kami ng kumaway nila Suzy, pati narin ng BigBang. Nang malagpasan na namin ang banner ng DRAGOMIN. Napansin ko ang taong may hawak nang banner na iyon, pilit niya akong tinatawag sa tunay na pangalan ko kahit patuloy siyang itinutulak ng mga body guard sa harap niya.
"ATEEEE!!" Sigaw ko habang inaabot ko ang kamay niya.
"Marielle!! Kita tayo sa Concert mo!! Byeeee!!!"
"Bye ate!! Wag kang maingay kila mommy!" Huling sigaw ko. Tinutulak na rin kasi ako ng mga body guard. Wala kasing nakaharang na barricade kaya nahihirapan silang harangan ang mga tao. Nakapasok na kami sa Van nila Suzy at ganun ulit ang posisyon namin. Ang saya saya ko, yung ate kong walang pakialam sa buhay inantay ako sa Airport. Pinagtatawanan ako nila Suzy dahil daw sa Couple team namin. Ganun din sila taeyang. Hay nako. Hindi naman big deal yon. Si GD naman, halatang kinikilig. Papaalis na ang van namin, pero may sumagi nanaman sa mga mata ko. 'JOOHYUNG' at 'ALYANG'. Joo-Min&Taehyung tapos Aly&Taeyang?
"PFFT. HAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHA" Hindi ko alam pero napabulwak nalang ako ng tawa.
"Why?"
"See that aly? ALYANG! HAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHA"
"SEE THAT TOO?! JOOHYUNG! HAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHA" Sigaw ni aly.
"Hahahahahaha." Tawa naman ni GD. Hay nako buti nalang hindi na ako apektado dun. Nanahimik na ako, pero hindi parin maalis sa isip ko ang ate ko. Grabe, parang siya yung pasimuno dun sa Dragomin team.
Nakarating na kami sa Diamond Hotel. Andami ring tao. Dati, ganito lang ako eh yung aantayin yung mga idol mo? sa airport, sa hotel, o kaya sa labas ng concert nila kapag walang pera. Naalala ko nung, concert ng bigbang sa manila, nakipag away pa ako sa ibang VIPs masulyapan lang si GD. Nagkastampede pa nga dahil sa akin eh. Pero, hindi ko akalaing ganito ang kahahantungan ko at makakasama ko si GD sa trabaho, at nililigawan niya ako ngayon. Hindi ko rin maintindihan ang nararamdaman ko kapag kasama ko siya eh, mahal ko na ata siya.
