Chapter 1 "I am M"

125 9 1
                                    

“Aria… Alam kong… Alam kong gusto mo siya… Kaya nga ako nahihirapan na sabihin sayo ‘to kasi alam kong masasaktan ka. Pero alam ko ding mas mabuting alam mo ang totoo”

“Sinagot mo na ba siya? Umoo ka ba?”

“HANNA!” sinigawan ni Aria si Hanna ng mapilitan siyang sagutin siya.

“OO!”

Nagiiyakan na sina Hanna at Aria.

It hurts me na hindi lang isang best friend ko ang umiiyak ngayon. Kung hindi dalawa.

Si Aria nasasaktan dahil ang lalaking gusto niya ay may gusto sa isa sa malalapit niyang kaibigan.

Si Hanna naman umiiyak dahil ayaw niyang nakikita ng ganoon si Aria ng dahil sa kanya.

Kami naman ni Spencer, nasasaktan din. Dahil parehas namin silang mahal. At ayaw namin na nakikita sila ng ganito.

Pero wala kaming magawa.

Wala akong magawa.

Ganyan naman lagi eh.

Lagi na lang ako ang nasa likod nila.

Hindi naman sa gusto ko na akong ang nasa spotlight.

Hindi ko naman hinangad na maging bida.

Pero ayoko na ng lagi na lang akong walang boses.

Gusto ko naman na kahit papaano ay marinig nila ang sasabihin ko.

Pero in the end nagkabati rin naman silang dalawa.

Back to normal na uli.

**

"Em!"

Lumingon ako at tinignan kung sino ang tumawag sa akin.

Si Aria.

Isa sa mga matalik kong kaibigan.

Naging magkaibigan kami nyan dahil lagi kaming magkagroup.

Lagi naming pinuna iyon at unti unti ay naging mas malapit kami sa isa't isa.

"Uy pasama naman ako kay ma'am. May ipapasa lang ako." sabi niya

Tumango lang ako at sinamahan siya.

"Thanks! Ang bait mo talaga." sabi niya at niyakap niya ako ng saglit

Parang ang liit lang naman na bagay nun eh.

Pero wala na akong sinabi at sinundan ko lang siya.

"Uy si Ezra oh." asar ko kay Aria

"Em naman. Alam mo namang wala na akong pakialam dyan eh." sabi niya

Wrong move.

Kainis! Kaya ayokong nagsasalita masyado eh. Hindi ko namamalayan nakakainis o kaya nakakairita na yung sinasabi ko.

Haaay..

Em talaga. Just keep your mouth shut.

**

Waaah! At home at last ^___^

Nakakapagod ang mga activities sa school. Practice dito, practice dyan. Bugbog na bugbog na kami.

Humiga ako sa malambot kong kama.

It's nice to be home.

Kinuha ko ang laptop ko at nag-internet.

Binuksan ko ang favorite chatting site ko.

www.chatime.com

The only place where I can be myself.

Where I am not the Silent Emily.

a TINY note:

Dedicated po itong chapter na ito sa Emily David ng buhay ko. ;)

Silent M (A Side Story of My Best Friend's Boyfriend) (Complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon