Chapter 12 "Creepy"

58 8 1
                                    

Ilang araw na ang lumipas simula nang malaman ni Sir Gomez na ako si Silent M. Ilang araw na din akong mas lalo pang naiilang sa kanya.

Ano na kayang iniisip niya?

Ugh! Bakit ba walang araw na hindi ko siya pinoproblema?

Buti na lang at hindi ako nakikita ng BFF’s ko na nagmumukmok ngayon.

Nandoon kasi sila ngayon sa audition para sa stage play. Si Spencer at Hanna ay mag-oaudition. Si Aria naman ang isa sa mga magjajudge.

Ako? I’m better off-screen.

“Eto na ‘yong order mo.”

Kinuha ko naman iyon at nagsimula nang kumain.

“Mag-isa ka lang?”

Biglang may sumulpot sa harap ko.

And guess who?

“Wala pa ba ‘yong kaibigan mo na si Spencer?” tanong ni Allen

Oh, sino ang inakala niyong dumating?

Umiling ako.

“Ahh. Sige, thank you.” sabi niya at umalis na siya

Nagpatuloy lang ako sa pagkain.

“Ate, pabili naman po ako ng Ice cold coffee tsaka tapsilog.”

~

theblacklynx: I’m bored. Let’s just ask questions to each other.

silent.m: Okay. Hmm, should I start now?

theblacklynx: You want me to start?

silent.m: Yeah! ^__^

theblacklynx: Uhmm. What do you think is your talent?

Napaisip ako doon ah. Ano nga ba?

silent.m: Is cooking a talent?

theblacklynx: Of course! As long as you know that you are really good in that field, it is your talent. Btw, cook something for me when we finally meet ;)

Meet? Kailan naman kaya ‘yon

silent.m: Sure! What food do you want?

theblacklynx: I want my favorite TapSiLog! And include also an ice cold coffee.

silent.m: Then your wish is my command ~.^

~

Hindi ko na tinungo ang ulo ko para tignan kung sino ‘yon. I’ve learned my lesson.

Binilisan ko ang pagkain para makaalis na ako.

“Hey!” sabi niya at umupo siya sa silyang nasa tapat ko

Nagpatuloy lang ako sa pagkain at hindi siya pinansin.

“Ganyan ka ba talaga? Bakit parang hindi naman ganyan ang pagkakakilala ko sayo?”

Napatingin ako sa kanya dahil sa sinabi niya.

Ano ba ang gusto niya? Bakit ba niya ginugulo ang buhay ko?

“Iba ba si silent.m kay Emily David? O kinalimutan mo na ang pagiging silent.m mo? ‘Yong taong palaban, hindi takot magsabi ng nararamdaman at higit sa lahat ay matapang. Nawala na ba ‘yon?”

Hindi ko alam ang nangyari sa akin at parang bigla na lang akong nagtransform nang sabihin niya iyon.

“Sa tingin mo ba ginusto ko na kalimutan ang pagiging silent.m ko? Sa tingin mo ba gusto ko ‘to? Unang una, okay naman na ‘yong dating set-up natin eh. ‘Yong palagi lang tayong magkausap, ‘yong nandyan ka lang palagi para makinig sa’kin. Pero sino ba ‘yong unang nakalimot? Hindi ba ikaw? Ikaw ‘tong hindi na nagparamdam matapos mong sabihin na nagkakaroon ka ng problema. Hindi mo ba alam kung gaano mo ako pinag-alala noon? Kaya huwag mo ako sasabihan na hindi ko dapat kalimutan ang pagiging silent.m ko, dahil ikaw ang mas nauna na makalimot bilang blacklynx!”

Nakatingin lang siya sa akin at nakikinig.

“Ito pa ang isa. Isang araw, bigla ka na lang sumulpot in flesh as one of my teachers. Ewan ko ba kung nananadya o nang-aasar ba talaga ang tadhana eh. Biruin mo, nangyari pa ‘yong 0.01 percent na magkakakita tayo in person at bingo! naging teacher pa kita. Naiinis lang ako kasi... kasi...”

Bwisit! Ang ganda na ng speech ko tapos bigla akong nawalan ng sasabihin.

“Kasi?” tanong niya

“Kasi nakakabwiset ka! Ang epal epal mo. Wala akong pakialam kung ipapadala mo ako sa detention. Basta gusto ko lang sabihin sayo na nakakainis ka!”

Tumawa naman siya.

Bwisit talaga ‘to eh! Kung nagmumura lang siguro ako ay namura ko na siya. Tawanan ba naman lahat ng sinabi ko?

Mukhang nahalata naman niya na nainis ako sa ginawa niya.

Biglang hinawakan niya ang kamay ko.

“Let’s go.” seryosong sabi niya

“Anong let’s go? I don’t go with STRANGERS!” sabi ko

“Strangers? Teacher mo ako, diba? ‘Wag kang mag-alala ipapaalam kita sa magulang mo. May pupuntahan lang tayo.”

Hinila niya ako palabas.

“Hey, let me go!” sabi ko habang palabas kami

May hawak siyang cellphone at mukhang may tinatawagan.

“Yes, ma’am. I’ll bring her home safely.” sabi niya at natapos na ang pag-usap niya sa tinawagan niya.

Hinila niya ako hanggang sa kotse niya.

Pumasok naman ako dahil wala na akong magawa.

**

Buong byahe ay parehas lang kaming walang imik.

Nakatingin lang ako sa labas at napansin na paonti na ng paonti ang mga buildings at mas dumadami na ang mga puno.

Saan ba kami papunta?

Tumigil kami sa isang bakanteng lote na may maraming puno sa paligid.

Kinikilabutan ako sa lugar na ito.

“Huwag kang matakot.”

Mukhang naramdaman niya ang takot ko at hiniwakan niya kamay ko.

“Bakit ba kasi tayo nandito?” tanong ko

“Dahil dito.”

At nang ipakita niya sa akin iyon ay hindi ko alam ang dapat kong maramdaman.

Silent M (A Side Story of My Best Friend's Boyfriend) (Complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon