Chapter 8 "Gay"

57 7 1
                                    

Third Day na ng Intramurals. Eto na ang pinakahihintay namin na araw kung saan ibubuhos na namin ang pinaghirapan namin. Mahigit isang linggo din na nagpakapawis sa pagsasayaw ang mga kaklase ko at kami na props men na ginawa lahat ng props na gagamitin nila.

All set na ang lahat kaso…

“Asan na si Allysa?”

Hinahanap na si Allysa. Magpapractice na kasi pero wala pa rin siya. Hindi pa naman siya pwedeng mawala dahil marami siyang part sa sayaw.

“Hey guys! Tinext ako ni Allysa. Hindi daw siya makakapasok. May sakit daw kasi siya. Sorry daw”

“Ano ba naman yan?! Napakawrong  timing naman niyang umabsent.”

“Hanna!”

“Yes?”

“Ikaw na ang pumalit sa lahat ng part ni Allysa. Tutal ikaw naman ang pinakamabilis pumick-up ng steps dito eh. Hindi kasi pwedeng tanggalin yung mga part niya eh. Lalo na dun sa may partner.”

Naglight-up naman yung mukha ni Hanna. Syempre kahit alam niyang mahihirapan siya sa pag-aadjust ay okay lang dahil magiging kapartner naman niya si Caleb.

Matapos noon ay nagpractice na sila at kami ay nag-ayos ng props.

Almost finished naman na eh.

Pero nagtanong na rin ako kay Joy kung may maitutulong pa ako.

“Okay na. Magpahinga ka na lang.”

Tumango lang ako.

Nagpapractice pa ang mga BFF’s ko kaya wala akong kasama ngayon.

Ano kayang pwedeng gawin?

Napatingin ako sa quadrangle.

Ano kayang sections iyong naglalaro sa basketball?

Pumunta ako sa may court at nanonood.

Mga Fourth Year students pala ang naglalaro.

4A at 4E ang magkalaban.

Nakita ko si Ezra Gomez na naglalaro.

Wow. Marunong pala siyang magbasketball ah.

“Go Ezra!” narinig kong cheer sa tabi ko

Tinignan ko iyon.

Lalaki kasi ang boses eh. Ano yung gay fan ni Ezra? :P

Pero hindi pala gay fan ni Ezra iyon.

Si Mr. Gomez pala.

“Uy!” sabi niya nang mapansin niya ako.

“Emily right?” tanong niya

Tumango lang ako.

Tumawa siya.

Nagtaka naman ako.

“Yeah you’re Emily, the Silent Girl.” Sabi niya

Napangiti na lang ako.

“Kilala mo ba iyon? Yung may jersey number na 23?” tanong niya sa akin

“Si Ezra?”

“Yep. Kapatid ko yun” sabi niya at ngumiti siya

Ang hilig naman nitong ngumiti. Parang laging masaya.

Hindi ko na siya kinibo.

Pinagpatuloy lang namin ang panonood.

Sakto namang nakapuntos si Ezra.

At 3 points pa.

“Ang galing niya, diba?” sabi ni Mr. Gomez

Tumango lang ako.

Silent M (A Side Story of My Best Friend's Boyfriend) (Complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon