Chapter 11 "Silent M"

56 7 1
                                    

“Ma’am, eto na po.” sabi ko at ibinigay ko na ‘yong mga gawa namin na ipinaactivity ni ma’am

“Thank you, Emily.”

Ngumiti ako as a way of saying ‘your welcome’ at naglakad palabas ng faculty room

“Wait.”

Biglang may humila sa braso ko.

Lumingon ako.

Bakit na lang sa tuwing lilingon ako ay may malas akong nakikita?

“S-Sir” sabi ko

“Pwede bang makahingi sayo ng favor?” tanong ni sir

“Of course.” sagot ko

NOT!

Pero syempre hindi niya narinig ‘yong ‘NOT!’ kaya sinundan ko siya papasok ng faculty para alamin ‘yong favor niya.

“Meron kasi na walang nakalagay na pangalan from our activity na ginawa kanina. Alam mo ba kung kanino ito?” tanong niya

May pinadrawing kasi siya sa amin kanina about sa dreams and goals namin.

TInignan ko ang papel na inabot niya sa akin.

Parang happy family ang nakadrawing doon tapos ‘yong bawat bata may kasamang 3 na iba’t ibang babae.

Anong ibig sabihin nito? The legal family with mistresses?

Pero nang tignan ko nang mabuti ay may nakita akong nakalagay sa ibaba na ‘SBT’

SBT? Wait, may nagbanggit na nito eh.

Inimagine ko na nakaupo ako sa thinking chair.

*TING!*

“Si Spencer!” mabilis na sagot ko nang maisip ko

‘Yong happy family ay si Spencer, Allen at ang mga anak niya ay aalagaan naming tatlo nila Aria at Hanna sa future. At pagdating noon ay magiging SBT na siya as in ‘Spencer Bautista Tolentino’.

“Ahh. Siya ‘yong bibo at makulit diba?” tanong niya

Tumango ako.

“Oo nga! Siya nga pala ‘yong kapangalan ko.” sabi niya nang marealize niya

Okay, that confirms it. Siya nga talaga si ‘Spencer G.’

“Okay, you can go now.” sabi niya sa akin

Pagkalabas ko ay bumungad na agad ang mga BFF’s ko.

“Hoy silent m!” sigaw ni Hanna

Nilapitan ko siya at tinakpan ang bibig niya.

“Silent Emily!” sigaw naman ni Spencer

Tatakpan ko na sana ang bibig niya kaso may biglang dumating.

“S-Silent M?” tanong niya

Nagulat kaming lahat sa biglang pagsulpot niya.

Tinignan niya ako na parang ang saya saya niya na nakita niya ako.

Para bang matagal na niya akong hinahanap.

At sa saglit na sandaling iyon, naramdaman ko na parang kaming  dalawa lang ang nandoon.

Silent M (A Side Story of My Best Friend's Boyfriend) (Complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon