Chapter 6 "Confusion"

67 7 1
                                    

“Ako in love? Eh hindi ko nga alam ang feeling ng love eh.” Sagot ko kay Aria

Totoo naman eh. Never pa kaya akong nagkaroon ng crush. Siguro admiration lang sa mga gwapong celebrities. Pero in love? Never.

“Trust me. Love na yan. Kasi tignan mo, bakit ka naman mag-aalala sa isang tao ng sobra sobra na tipong hindi ka na makatulog?  Tapos ang dami pa niyang nagawang pagbabago sayo. Tignan mo nga oh, hindi ka na iyong dating tatahitahimik lang.”

“Hey! Gusto niyo?” biglang dumating si Hanna at inalok kami ng crossini

Nagulat kaming dalawa ni Aria sa pagdating niya.

Narinig niya kaya iyong sinabi ni Aria?

Naku! Intrigera pa naman ‘yang babaeng yan.

“Oh, bakit parang gulat na gulat kayo?” tanong ni Hanna.

Patay! Anong palusot ang sasabihin namin?

Nag-iisip pa lang ako ay si Aria na ang sumagot sa kanya.

“Eh nang-aalok ka kasi ng crossini mo eh. Favorite mo kaya iyan. For the first time namimigay ka na.” sabi ni Aria

“Hindi naman ako namimigay eh. Nang-aalok lang. Kahit naman umoo kayo hindi ko kayo bibigyan eh” sabi niya at binelat niya kami

Mukha talagang bata itong si Hanna.

Pero buti na lang at matalino si Aria at nakalusot kami.

**

“Alam mo kung ano ka?”

“In love.”

Nagpaulit ulit ang mga sinabi ni Aria sa akin kanina.

Ako in love? Totoo kaya iyon?

Binuksan ko na lang ang laptop ko at pumunta sa www.chatime.com para medyo madivert naman ang pag-iisip ko.

theblacklynx      offline

Offline siya? Eh dapat kapag ganitong oras ay online na siya eh.

Ano na naman kayang nangyari sa kanya?

Gumawa muna akong ng mga assignments namin habang hinihintay na magonline siya.

Sagot. Research. Aral.

Natapos na ako sa lahat ng schoolwork ay hindi pa rin siya online.

Ano bang nangyayari?

Hindi ko mapigilan ang sarili ko na malungkot.

Alam ko naman na wala akong karapatan na pilitin siya na araw-araw akong kausapin, pero iba kasi ngayon eh. Gusto kong malaman kung ano ba ang problema niya. Nag-aaalala talaga ako sa kanya.

Pero siguro in the same time, nadidisappoint ako. Kasi ngayon lang siya pumalya sa pagchachat sa akin. Nasanay na rin kasi siguro ako na lagi siyang nandyan.

Ganito ba talaga kapag in love?

Haaayy.. Isa lang ang magandang bagay na gawin ngayon.

Dinial ko ang number ni Aria.

“Hello?” sabi ko.

“Yep?” sagot niya

“Busy ka ba? Nag-aaral ka?”

“Hmm. Yeah. Pero okay lang naman maistorbo. Ano bang kailangan mo?”

“Ahh.. Hindi sige. Mag-aral ka na lang muna.”

“Em, makakapaghintay naman iyon. Ano nga?”

“Eh.. Kasi… Ano..”

Hindi ko masabi sa kanya T.T

Silent M (A Side Story of My Best Friend's Boyfriend) (Complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon