Chapter 7: Lunch Break

28 1 0
                                    

Lunch break namin ngayon kaya itong mga kaibigan ko parang nakakawala sa hawla.

"Hoy para kamong hindi kayo mga teenager." sabi ko sa kanila habang naglalakad kami papuntang canteen, naghaharutan kasi sila sa gitna ng hallway na parang mga bata :3

"Kunwari ka pa dyan Maine, eh nung kayo at bago maging kayo ni Steven, di ba girls?" sabi ni Jossa

"Oo nga naman." sabi ni Wilm

Nang dahil sa sinabi nya parang biglang naalala ko yung mga gabing luhaan ako, yung gabing nakipag-break sa akin si Steven. Hindi ko alam kung makakalimutan ko pa sya, I mean yung mga nangyari kasi akala ko wala na akong nararamdaman sa kanya at wala ng galit sa puso ko pero bakit ganun? pangalan pa nga lang nya ang banggitin parang nawawasak ulit ang mundo ko.

"Hoy girl akala ko ba kakain tayo bakit nakatayo ka lang dyan?" si Jossa

Tinignan ko lang sya at naisip ko may mga kaibigan naman akong laging nandyan bakit hindi ko magawang mawala sya isip ko.

"Ano bang nangyayari sayo?" sabi ni Wilma

"Tanga ka ba? Binanggit mo si Steven!" sabi ni Paula

"Ay! Sorry girl" paghingi ng sorry ni Jossa

"Ayan kasi ang daldal mo" sabat ni Wilma

"Ay parang sya hindi ah.. Sini kaya itong sumang-ayon sa akin ha?!" si Jossa

"HEHEHEHE. Syempre ko. Sorry din Girl ha? Mapapatawad mo pa ba kami?" si Wilma

Hindi ako sumagot. Ewan ko ba bigla akong nawala sa mood... Nagpatuloy na lang ako sa paglalakad papuntang canteen at nilagpasan ko sila.

"Yan kasi kayong dalawa, Tandaan nyo kasi hindi lahat nadadaan sa biro. Bago kasi magsalita isipin muna kung makakasakit sa iba o hindi." narinig kong pangaral ni Paula sa dalawa

"Sorry na nga eh, Maine hintayin mo kami!!!" sigaw ni Wilma

Nakarating na kami sa canteen pero tahimik pa din sila. Sa totoo lang di naman ako galit sa kanila eh HAHAHAHAHA pero syempre kailangan din nilang malaman na nakakasakit din sila ng damdamin ng ibang tao.. Umorder na kami ng pagkain at pumunta na kami sa isang bakanteng lamesa ng may biglang....

"Ay ano ba yan?!!!" sigaw ko, may bunggo kasi sa akin eh

"Tss." tanging sagot nya

"Babe ano bang nangyayari dito" si Steven

Nahinto ako sa ilang minuto, umaapoy na ang tenga ko. Yung pinalit nya sa akin ang nakabunggo pala sa akin.

"Babe? Oh ikaw pala yung pinalit ni Steven sa akin." mataray na sinabi ko

"Pwede ba Maine tama na?! Babe tara na" sabi ni Steven

"Teka lang Babe hindi pa kami tapos." sabi ng "Babe" nya

Hindi ko na sya kilala ngayon HAHAHAHA nakakasuka kapag binabanggit ko pangalan ng babaeng ito eh lahat na lang kasi nilalandi. Kaya
Landy na lang tatawag ko sa kanya para mas bagay

"Oo nga naman, hayaan mo akong ma-meet si Landy" sabi ko sa kanya

"Pinalit??!! Landy???!!!" galit na tanong nya

"Bakit? Ano bang masama sa sinabi ko? Totoo naman yun eh." pang-aasar ko

"Oo nga naman bagay sayo yung Landy dapat nga Linta eh kasi kung sino sino nilalandi mo lahat na lang ng mahalin namin inaagaw mo!!" sabi ni Jossa

"Pwede ba tumigil na kayo Maine?! Babe let's go" si Steven

"Pwede ba Steven ikaw ang tumigil. Bakit nahihiya ka ba na malaman ng lahat na niloko mo lang at pinaglaruan si Maine na akala mo nung mga araw na nanliligaw ka eh mukha kang tupa." si Paula

Nagulat ako sa mga sinasabi nilang mga kaibigan ko. Pinagtatanggol na nila ako kaai sila nabiktima na din eh.

"Bakit naman mahihiya ako?" tanong ni Steven

"Tss." matipid kong sagot

"Oo nga bakit mahihiya yung Babe ko? At saka hindi naman daw nya minahal si Maine eh. Pinerahan nya lang daw yang cheap nyong kaibigan, di ba Babe yun yung sinabi mo sa akin nung nililigawan mo pa ako?" sabi ni Landy

"Sh*t! I said stop it!!!" sigaw ni Steven

"Anong sabi mo??!!! Ako? Pinerahan lang ng gag*ng yan!!!" sigaw ko sa sobrang galit

"Walang hiya ka Steven ginag*o mo lang pala yung kaibigan namin." sabi ni Paula

"Tss. Tara na nga." sabi ni Steven sabay hatak kay Landy

"Girl, okay ka lang ba?" malungkot na tanong ni Wilma

"Girl tara kaen na lang tayo." alok ni Jossa

"Sorry wala akong gana mauna na ako sa room." sabi ko sabay alis

"Pero sayang yung binili mo." sabi ni Paula pero hindi ko na sya pinansin

"Akin na lang 'to. Gag*ng Steven yun niloko lang yung kaibigan natin." narinig kong sinabi ni Wilma

Hindi ako makapaniwala sa mga narinig ko kanina. Totoo ba yun? Pineperahan nya lang ako? Panahon na ba para matauhan na ako? Niloko nya nga ba talaga ako? Arrrggghh!!! Ang gulo ng isip ko f*ck sh*t -___- Sa kaiisip ko hindi ko alam na bubunggo na pala ako sa pader malapit sa hagdan paakyat..

"Arayy!!! Kapag minamalas ka nga naman oh." nauntog kasi ako sa pader eh kaya napaupo ako sa hagdan

"Okay ka lang?" sabi ng isang pamilyar na boses ng lalaki pero sa sobrang sakit hindi ko pa sya tinitignan

"Mukha ba akong okay?" tanong ko sa kanya, asar din 'to enoh nakita ng nauntog ako tapos tatanungin pa ako kung okay lang ako

"Sino ka b...." naputol ang sasabihin ko ng lingunin ko kung sino yung lalaking yun

"Ikaw?!" sabi ko, aalis na sana ako ng makilala ko kung sino yung katabi ko nang bigla nya akong hinatak

"Oy teka lang wag kang umalis.. ilabas mo na yan, nakita ko kayo kanina at narinig pa ang usapan nyo. Andito lang ako para sayo" sabi ni Alden

"Tss. Wala akong ganang makipag-usap ngayon." pagtataray ko sa kanya

"Hayaan mo ako sa ginagawa ko basta makikinig lang ako sasabihin mo. Pwede mo naman akong maging kaibigan eh." sabi nya

"Hahaha. Ano bang nakain no at napakagirly mo ngayon? Daig mo pa mga kaibigan ko eh." natatawang sinabi ko sa kanya

"What? Anong masama? Masama na ba akong makipagkaibigan sayo? Gusto kita tulungan. Pwede ba?" seryosong tanong nya

"Hahaha. Alam mo okay ka rin noh" sabi ko

"Hahaha. Oh eto burger at fries kain ka na. Masamang nagpapalipas." sabi nya sabay bigay ng hawak nya

"Hahaha. Salamat, Alam mo minahal ko sya eh sobra sobra pa sa pagmamahal ko sa sarili ko pero isang gabi lang natapos lahat ang pinagsamahan namin tapos lumipas ang ilang araw malalaman mo pinagpalit ka lang pala nya sa isang babaeng malandi tapos ngayon malalaman mo pineperahan ka lang pala nya. Sh*t ang tanga ko grabe hindi ko nahalata yun tapos ang mas masakit pa malalaman ko ko pa sa iba.." sabi ko sa kanya

"Eh gag* pala sya eh.. Dapat sa kanya kinakalimutan." sabi ni Alden

"Paano? Ang tagal na naming break pero mahal ko pa din sya. Akala ko nakalimutan ko na sya pero hindi pa din pala, bawat oras at araw na nakikita at nagiging topic namin sya bumabalik yung mga nangyari sa amin." paliwanag ko sa kanya

"Sabi ko nga, andito lang ako para sayo. Alam mo una pa lang kitang makita naisip at naramdaman kong I like you, that's why I want to help you to forget that man." sabi nya

Nagulat ako sa sinabi nya tama ba ang sinabi nya... Tama ba narinig ko? He likes me daw.. Ano 'to. Ghad napapangiti ata ako hindi pwede 'to potek ang gwapo nya kasi eh... Ang lalim pa ng dimple nya.. Hayyss.. Ayoko na munang magmahal pero tutulungan nya din daw ako. Sya na ba yung makakatulong sa akin?

How To Forget Him?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon