Chapter 4

31 3 0
                                    

"Okay guys, yung pinapadala ko sa inyong drawing materials ha wag nyo kalimutan." paalala ni sir Cajucom sa amin.


"Yes sir Cajucom." sagot naming lahat..




"Okay, Goodbye class!" paalam ni sir Cajucom



"Goodbye sir Cajucom, thank you for teaching us." sagot namin..





(Si Mr. Sergio Cajucom ang MAPEH teacher namin :3)

Hayy... sa wakas tapos na din ang subject na toh nakakaantok kasi kapag music eh lalo pa kanina about love songs ang tinuro nya at nagpatugtog pa nga.... Tss... sarap upakan.. Buti na lang recess na namin.

Inayos ko na ang gamit ko para makapagrecess na ako nagugutom na kasi ako eh nakalimutan ko kasing magbreakfast -_-

"Maine, tara na baka mahaba nanaman ang pila sa canteen.." sabi ni Jossa





"Oo na eto na," sabi ko



"Dalian mo ah" sabi ni Wilma

"Tara na nga!!!" hinatak ko na sila at tumakbo na kami sa canteen...



Nang makarating kami sa canteen agad kaming bumili ng mga kakainin namin at umupo kami sa isang bakanteng mesa...



"Girls thank you ha, kasi kahit papaano nagagawa nyo akong patawanin tapos dahil sa inyo nakakalimutan ko sya kahit konti at buti nga hindi kami nagkikita ni Steven dito sa school eh pero sana nakamove on na ako bago ko sya makita o kaya wag na." sabi ko sa kanila na nakangiti ng bahagya...



Aminin ko man o hindi sa sarili ko alam kong nasasaktan pa din ako... galit pa din ako sa kanya ang alam ko lalo na sa pinalit nya sa akin...





"Alam mo girl nakipagbreak lang sayo ang isang tanga kaya wag kang magdrama dyan na akala mo namatayan ka, maging malakas ka nga uso kaya ang magpretend ^_^ " sabi ni Paula




"Oo nga girl, alam mo naman yang mga lalaki akala nila sa babae damit na pwede nilang palitan na lang basta basta kung gusto nila..." dagdag ni Wilma




"Speaking of Steven..." sabi ni Jossa na nakatingin sa lalaking papaupo sa tabi ni Thalia




(Si Thalia Smith ang pinakamalandi naming schoolmate, lahat na ata ng lalaki ng school binoyfriend o nilandi na nya kahit na may girlfriend pa ito)





"Teka, wag mong sabihing sya ang pinalit nya sayo girl." tanong ni Jossa



"Malandi talaga yang babaeng yan." si Wilma



"Mga malalandi talaga walang pakialam kung may masasaktang ibang tao enoh basta makuha lang nila ang gusto nila masaya na sila." sabi ni Paula



"Oo nga naman, sarap sabunutan." pagsang-ayon ni Wilma


"Teka girl ok ka lang ba?" tanong ni Paula sa akin...


"Tara na girls baka ma-late pa tayo." pagyaya ko sa kanila

Shems! Ang sakit sakit para akong tinusok ng karayom sa mata na dumiretso sa puso ko.... Hindi ko akalain kung kailan unti unti na akong nakakabangon sa nangyare dun ko pa sya makikita na kasama ang pinalit nya sa akin...

Sana hindi ko na lang sya nakita.. Lahat ng nangyare nung gabing nakipagbreak sya bumalik ang sakit....

Kinuha ko na ng juice ko at tumayo na kami paalis pero dahil sa nakayuko ako maglakad dahil sa ayoko silang makita..


"Sh*t! tumingin ka nga sa dinadaanan mo." sabi nya sa akin

"Sorry, hindi ko sinasadya.." paghingi ko ng tawad sa kanya natapon kasi yung juice ko sa damit nya nung nabunggo ko sya pero nakayuko pa din ako..

Napatingin ako sa direksyon nila Steven, nakita kong tiningnan nya lang ako at dun ko na hindi napigilang lumuha...

"Miss? ok ka lang ba? umiiyak ka ba?" tanong sa akin nung lalaking nabunggo ko

"Ganun na lang ba kadali sa inyong mga lalaki na kalimutan ang mga babae?! Ha?!" sigaw ko sa kanya




"Ha? Miss ok ka lang ba? Hindi ko alam sinasabi mo eh.Magkakilala ba tayo para sabihin mo sa akin yan." sabi nya at dun lang ako natauhan sa sinabi ko.


Napatingin ako sa mga kaibigan kong gulat din sa sinabi ko...




"Ahh, sorry ha? May pinagdadaanan lang itong kaibigan namin eh. Girl tara na." sabi ni Paula sabay hatak ng tatlo sa akin palayo sa canteen



"Girl ok ka lang ba?" tanong ni Wilma




"Oo, ok lang ako." sagot ko sa tanong nya





"Oo nga ok ka lang kaya pala dun mo sa lalaki binuntong yung galit mo kay Steven, grabe ka girl ikaw na nga itong nakabunggo ikaw pa yung ganun hahahaha iba ka talaga." pabirong sinabi ni Jossa




"Alam nyo mukhang bago lang yung lalaki dito kanina eh, ngayon ko lang nakita kasi dito yun eh." sabi ni Paula




"Tama na yan guys, tara na pasok na tayo sa next subject natin..." sabi ni Wilma




"Kaya nga girls, kailangan ko pang magpolbo pinawisan ako sa katatakbo natin eh." sabi ni Jossa




"Kahit naman hindi ka tumakbo nagpopolbo ka pa din eh." biro ni Wilma




"Thank you guys ha... tunay na kaibigan talaga kayo... Tar.... Sh*t yung ID ko guys nawawala :3" sabi ko

Shocks bakit ngayon pa nawala yun T.T hayys asar naman oh....

How To Forget Him?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon