Chapter 2

64 3 0
                                    


Ilang linggo din ang nakalipas simula ng makipagbreak sa akin si Steven pero hanggang ngayon feeling ko kanina lang sya nakipag-break....

Sana makalimutan ko kaagad sya para hindi na ako nagkakaganito.... hayys. Sya ang first ko kaya hirap na hirap akong makamove on.. hindi ko alam kung paano ako mag-uumpisa T.T


"Hoy! Maine... Long time no see ahh :) bakit ngayon ka lang pumasok?" tanong ni Wilma

(Si Wilma Baltazar, ang pinakamaliit sa aming apat na magkakaibigan.)


"Oo nga girl, tapos tulala ka pa dyan... ang layo ng tingin mo, kanina ka pa namin kaya tinatawag di mo kami pinapansin... anyare ba sayo girl?" sabi ni Jossa

(Si Jossa Morales, ang pinakamaarte sa aming apat na magkakaibigan at pinakamadaming boyfriend.)


"By the way girl, Kamusta ang 3rd anniversary celebration nyo ni Steven?" tanong ni Paula.

(Si Paula Bermudez naman ang pinakamatangkad at pinakamatalino sa aming lahat.)


"Break na kami ni Steven." naiiyak kong sinabe sa kanila.


"WHAAATTT????!!!!" nanlalaking mga mata at gulat na sabe nila.


"Kaya pala, namamaga ang mga mata mo girl." si Paula.


"Girl, Ok ka lang ba?" tanong ni Jossa.


"Tanga ka ba girl? break na nga daw sila tapos tatanungin mo kung ok lang sya!" -Wilma


"Tama na nga kayo dyan, oy girl basta tandaan mo lagi lang kami andito sa tabi mo ha... sabihin mo lang kung gusto mo ng kadamay." si Paula..


"Oo nga girl, tutulungan ka naming makamakalimot at makamove on." si Wilma


"Ano ba kayo girl, ok lang ako... pero hindi ko alam kung paano ko uumpisahang kalimutan sya, ang hirap ee T.T" sagot ko sa mga sinabi nila.


"Nga pala, sino ba nakipagbreak?" si Jossa.


"Si Steven." matipid kong sagot.


"Bakit daw?" tanong ni Paula


"May mahal na daw syang iba...." sagot ko na nagpabagsak na ng luha ko...


"Ok lang yan girl, kalimutan mo na lang sya ha? andito na man kaming tatlo eh... di ba girls?" si Wilma


"Tama!!!" sagot ni Jossa at ni Paula


"Ang hirap talaga, ang sakit sakit... sabi nya hindi nya ako iiwan, nagpromise pa sya sa akin eh...." umiiyak kong sabe sa kanila.


"Hayys... Balang araw tatawanan mo na lang ang lahat ng yan.. Makakahanap ka din girl ng taong para sayo talaga." sabi ni Wilma


"Oo nga girl, malay mo nasa tabi tabi lang pala sya hindi mo nga lang pa makikita kasi hangga't nakakapit ka pa kay past hindi mo makikita ang magiging present at future mo.. at saka girl ang daming mga lalaki dyan oh, hindi sya kawalan, ikaw ang kawalan sa kanya at tatandaan mo yan.." si Jossa

Si

"Kaya dapat hindi mo sya iniiyakan, dahil kapag nakita ka nyang umiiyak baka sabihin nya sobra mo syang mahal at hindi mo makakaya kapag nawala sya sayo. Girl, wag ganun... alam ko mahirap para sayo ngayon pero malay mo bukas o sa isang linggo o sa isang buwan makalimutan at makamove on ka na.." sabe ni Wilma


"Mga girls, pwede tama na muna yang usapan na yan at ikaw girl(turo sa akin) tumigil ka na sa kakaiyak dyan, dalawang minuto na lang time na ayoko ng ma-late noh!" si Paula


"Ayy, tara na mga girls!!! Lagot nanamn tayo kay Ms. Sungit este Ms. Tignus." si Jossa

(Si Ms. Tignus ang physics teacher namin... matndang dalaga sya kaya siguro masungit)


Tumakbo na kami paakyat sa room namin, dahil baka mapagalitan nanaman kami at ako naman ay nagpunas na ng mukha gamit ang panyong pinahiram sa akin ni Paula, nakalimutan ko kasing magdala ng panyo ehh ....


How To Forget Him?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon