Chapter 1

97 4 0
                                    


"I'm sorry Maine pero hindi na kita mahal may mahal na akong iba." sabi ni Steven sa akin...


"P-p-pero... sabi mo mahal mo ako, sabi mo hindi mo ako iiwan Steven." sabi ko habang umiiyak.

3rd anniversary sana namin bukas pero tinext nya ako para magkita kami dahil may mahalaga daw syang sasabihin sa akin....

Ito pala ang mahalagang sasabihin nya, sana hindi ko na lang sya sinipot...


"Ganun na lang ba yun Steven? basta basta mo na lang ako iiwan pagkatapos ng lahat ng pinagsamahan natin sa loob ng 2 years, 11 months at 30 days!!! 3 years na tayo bukas tapos tatapusin mo na lang ng ganun ganun lang!!!" sabi ko sa kanya....


"I'm sorry Maine hindi ko sinsadya... Oo sabi ko sayo nun hindi kita iiwan pero wala na akong magawa hindi na kita mahal, kaya sinabi ko na sayo para hindi ka na masaktan." sabi nya sa akin



"HINDI MASAKTAN??!!! NARIRINIG MO BA YANG SINASABE MO STEVEN?! SORRY ANONG MAGAGAWA NG SORRY MO HA?!!!" hindi ko na napigilan ang sarili ko kaya sinigawan ko na sya at pinaghahampas ng dalawa kong kamay.


Humagulgol na ako sa pag-iyak pero sya nakatayo lang sa harap ko at panay tingin sa relo .....


"Sorry Maine, pero kailangan ko ng umalis. bye." sabe nya at tumakbo na sya paalis...


Naiwan akong mag-isa at humahagulgol sa iyak... hindi ko alam kung anong gagawin ko, ang sakit sakit.. Sh*t! hindi ko kayang mawala sya, sa kanya na umikot ang mundo ko. T.T

Sya Si Steven Chan, classmate ko sya simula grade 5 hanggang sa nag-3rd year high school kami pero ngayong 4th year ko lang sya hindi naging classmate dahil nalipat na sya sa ibang section... Buong buhay ko minahal ko lang sya, pero hindi ko alam naangyayari ang araw na ito, ang araw na hindi naman pumasok sa utak ko simula ng maging kami.

"STEVENNN!!!!!" tawag ko sa kanya kahit alam kong hindi na nya ako maririnig at babalikan pa... T.T

Bakit ganun na lang kadali sa kanya ang lahat? Naniwala ako sa mga sinabi nya tapos lolokohin lang pala nya ako!!! sh*t sya huhuhuhuhu -.-"

Paano ko haharapin ang bukas na wala na sya? Paano kung makita ko sya sa school bukas??? Papasok kaya ako, sh*t hindi ko ata kaya ito....

Umalis na ako sa kinatatayuan ko, mahigit dalawang oras din akong umiiyak at nakatayo dun pero hindi pa din ako napapatigil sa pag-iyak... Umuwi na lang ako ng bahay dahil iniisip ko isa lamang itong panaginip para sa akin pero sana nga panaginip lang ang lahat ng ito....


How To Forget Him?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon