Chapter 5: New Seatmate

40 3 0
                                    

*Alden Faulkerson*

Nasa canteen ako ngayon ng new school ko. Shocks! Yung feeling na pumasok ka sa akala mo dun ka nakaroom yun pala hindi :3 asar tuloy sarap sapakin ng mga 1hour kong classmate kanina pinagtawanan ba naman ako..
tsss..

Iba kasi napasukan kong room kanina pagpasoko ko, eh akala ko kasi yun ang section ko yun pala sa 3rd floor pa yung section ko tapos pinagtawanan nila ako... Buti na lang yung teacher namin kanina ay yung adviser ng totoo kong section.

Bumili na ako ng pagkain ko at papunta na sana ako sa isang table na bakante ng biglang.....



"Sh*t! tumingin ka nga sa dinadaanan mo." sabi ko dun sa babaeng bumunggo sa akin

Pano ba naman kasi nakayuko kung maglakad tapos iniwasan ko na nga nabunggo pa din ako, natapunan tuloy ako nung dala nyang juice....

"Sorry, hindi ko sinasadya.." sabi nya..

Napansin kong may tiningnan yung babae at sinundan ko ito, tiningnan nya yung isang lalaking nakaakbay sa isang babae... Ano nya kaya yun? Bakit dun sya tumingin, yun ba ang nabunggo nya? Hindi naman ahh... Nakita ko ring tumingin saglit yung lalaki sa direksyon nya pero saglit lang... Teka, bakit parang umiiyak na itong girl?

"Miss? ok ka lang ba? umiiyak ka ba?" tanong ko sa kanya

"Ganun na lang ba kadali sa inyong mga lalaki na kalimutan ang mga babae?! Ha?!" pasigaw na sinabi sa akin nung babae

Nagulat ako sa sinabi nya. Hindi ko sya maintindihan :3, hindi ko naman sya kilala at mas lalong hindi ko sya ex.

"Ha? Miss ok ka lang ba? Hindi ko alam sinasabi mo. Magkakilala ba tayo para sabihin mo sa akin yan?" sabi ko sa kanya

Pagkasabi ko nun ay para syang natauhan, napatingin sya sa akin at nanlaki ang mga mata nya....

"Ahh, sorry ha? May pinagdadaanan lang itong kaibigan namin eh. Girl tara na." sabi nung isang babarng pinakamatangkad sa kanilang apat at sabay hatak nung tatlo dun sa babaeng nakabunggo sa akin...

Hayysss... grabe naman oh!!! ang ganda ng pawelcome talaga sa akin ng mga estudyante sa school na ito... =______=

"Hayyss... Ano ba yan ang lagkit ko na? Buti na lang may dala akong extra tshirt.." bulong ko sa sarili ko.

Papunta na sana ako sa comfort room na mat matapakan ako...

"Teka, Kanino naman kaya itong ID na ito... napakaburara naman ng may ari nito." sabi ko

Pinulot ko ito at binasa ang pangalan ng may-ari ng ID...

"Sharmaine C. Mendoza... IV-Yellowbell .." pagkabasa ko ay tingnan ko kagad ng mabuti yung picture...

Wow! Amg ganda naman nito... teka, ito ata yung bumunggo sa akin kanina ahh... Ano ba yan? Bakit sya pa pero ang ganda nya kapag nakangiti ahh..

Binulsa ko kagad yung ID at dumiretso na sa comfort room, tumakbo na ako dahil ilang minuto na lang ay magta-time na....

Pagkabihis ko ay kumain na din ako habang naglalakad sa papunta sa section ko talaga...

Maya maya pa ay nasalubong ko yung adviser daw ng section ko, sya din nagsabi sa akin na hindi ako dun sa napasukan kong klase belong... Sya daw kasi ang nagayos ng mga documents ko....

"Oh, Mr. Faulkerson... Bakit andito ka pa? Ayoko ng late sa klase ko... at bakit hindi ka na nakauniform ngayon?" sunod sunod na tanong sa akin nitong teacher...

"Sorry po mam, may nakabunggo po kasi sa akin kanina sa canteen kaya po natapunan nya ako ng dala nya juice actually mam papunta na din po ako sa tinuro nyo sa aking classroom." sagot ko sa tanong nya.

"Ok, pero sa susunod ayoko na ng hindi nakauniporme sa mga estudyante ko ha? By the way I'm Ms. Jane Reyes..." sabi nya..

"Opo Ms. Reyes... hindi na po mauulit." sagot ko

"Ok tara sumabay ka na sa akin." sabi ni Ms. Reyes sa akin

Agad naman akong sumunod sa kanya hanggang sa makarating kami sa Room 303 sa 3rd floor....

"Good Morning Ms. Reyes, Mabuhay!" pagbati ng mga bago kong kaklase...

Inilibot ko ang aking mga mata sa kanila para maghanap ng bakanteng upuan nang makita ko yung babaeng nakabunggo sa akin kanina at yung mga kasama nya pa kanina....

"Ok. Good Morning din, take your seats na." sabi ni Ms. Reyes

"Oh, ikaw Mr. Faulkerson magpakilala ka na at umupo ka na dun sa tabi ni Ms. Mendoza." sabi ni Ms. Reyes

Nakita ko namang nanlaki ang mga mata nung mga babae kanina maliban dun sa nakabunggo sa akin dahil nakayuko pa din sya at hindi tumitingin parang ang lalim ng iniisip nya..

"My name is Alden Faulkerson from Oxford School." pagpapakilala ko sa aking sarili agad naman akong tumungo kung saan ako pinapaupo ni Ms. Reyes

"Ms. Reyes? Akala ko po ba bawal ang hindi naka-uniform dito sa school? eh bakit po sya naka-tshirt lang?" sabi nung lalaking nakaupo sa unahan sa tabi ng bintana

"Oo nga, pero napagsabihan ko naman sya at ang sabi nya natapunan daw sya ng juice ng isang babaeng nakabunggo sa kanya sa canteen." sagot ni Ms. Reyes

"Osha sige kopyahin nyo na lang ito.."

Wala pa din kibo itong bago kong seatmate.. maya maya pa ay naisip ko yung ID nya kaya agad ko iyong kinuha sa bulsa ng pantalon ko....

"Ahm, Ms. Sharmaine Mendoza?" pagtawag ko sa kanya at habang inaabot ko sa kanya yung ID nya...

"Ha? Kilala mo k...." naputol ang sasabihin nya at nanlaki ang mata nyang tumingin sa akin hindi ko alam kung bakit siguro yung dahil sa kanina..

"ID mo ito di ba? naiwan mo ata kanina sa canteen nung nagkabunggo tayo... sorry nga pala kung shin*t kita ha? Ako nga pala si Alden Faulkerson.." sabi ko sa kanya at inabot ko na sa kanya yung ID nya at nakipagkamay ako...

"Ikaw ang seatmate ko???" sabi nya...

"Oo." matipid kong sagot na may kasamang ngiti :)

How To Forget Him?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon