Chapter 6: New Friend

27 1 0
                                    

*Sharmaine Mendoza*

Nakakaasar naman bakit nagyon pa nawala yung ID ko pano ako makakalabas mamayang uwian at saka baka makita ako ni Ms. Nidora ang napakasungit naming guidance counselor...

Kakaisip ko sa ID ko hindi ko na napansin na time na pala pero kahit time na nakayuko pa din ako, iniisip ko kasi kung nasan ang ID ko. T.T

"Good Morning Ms. Reyes, Mabuhay!" pagbati ng mga kaklase ko sa adviser namin, samantalang ako nakaupo at nakayuko pa din...

"Hoy! Maine nandyan na si mam tumayo ka.." sabi ni Paula

"Pwede ba! wag kayo maingay iniisip ko pa kung saan nawala yung ID ko.."

"Ay! Bahala ka nga dyan." sabi ni Paula.

"Ok. Good Morning din, take your seats na." sabi ni Ms. Reyes

"OMG! Girls nakikita nyo ba ang nakikita ko?" narinig kong sinabi ni Jossa na akala mo may multong nakikita

"Maine,, kailangan mo makita ang nakikita namin." sabi ni Paula sa akin

"Oh, ikaw Mr. Faulkerson magpakilala ka na at umupo ka na dun sa tabi ni Ms. Mendoza." ang narinig kong sinabi ni Ms. Reyes..

Hindi ko alam kung sino yung Mr. Faulkerson na yun basta nakayuko pa din ako kakaisip sa ID ko...

"My name is Aldeb Faulkerson from Oxford School." narinig kong sinabi ng isang lalaki

"Ms. Reyes? Akala ko po ba bawal ang hindi naka-uniform dito sa school? eh bakit po sya naka-tshirt lang?" tanong ni Franz na nakaupo sa unahan sa tabi ng bintana alam kong sya yun kahit di ko nakikita, sya lang naman pala tanong dito sa room namin eh

Actually itong karamihan sa mga kaklase ko ay kaklase kna din last year :3

"Oo nga pero napagsabihan ko naman na sya at ang sabi nya natapunan daw kasi sya ng juice ng isang babaeng nakabunggo sa kanya sa canteen." narinig kong sinabi ni Ms. Reyes

Ha? Natapunan ng juice? Arrgghh!!! Bumabalik nanaman yung nangyari kanina :3 Nakakaasar, Sana hindi ako natandaan nun...

"Osha sige kopyahin nyo na lang ito.." narinig kong utos ni Ms. Reyes pero hindi pa din ako kumikilos :3

"Ahm, Ms. Sharmaine Mendoza?" narinig kong may tumawag sa akin ng boses ng lalaki lilingonin ko na ito ng may nakita akong kamay na may hawak na ID...

Ang ID ko.. inaabot nya sa akin ito kaya gumuhit muli yung ngiti sa mukha ko kaso nung titignan ko kung sino yung nakakuha nagtaka kaagad ako kung bakit ako kilala nya eh sya yung bagong estudyante dito...

Tinignan ko na kung sino sya para tanungin kung bakit nya ako kilala..

"Ha? Kilala mo k...." naputol ang sasabihin ko ng makita ko kung sino yung seatmate kong bago...

Nanlaki din ang mga mata ko syempre kasi nakatabi ko yung nabunggo kong lalaki kanina sa canteen na natapunan ko pa ng juice syempre nakakahiya yun di ba...

"ID mo ito di ba? naiwan mo kanina sa canteen nung nagkabunggo tayo... sorry nga pala kung shin*t kita ha? Ako nga pala si Alden Faulkerson.." sabi nya sa akin na inaabot pa din yun ID ko.. kinuha ko din naman ito.

"Ikaw ang seatmate ko???" tanong ko sa kanya..

Sana namamalik mata lang ako.. Nakakahiya talaga T.T

"Oo" matipid nyang sagot ng nakangiti pa..

Shocks! Ang gwapo nya pala.. lalo na sa malapitan.. Ang lalim ng dimple nya.. Nakakainlove sya..

Waahh!!! Mali mali.. Mali ito :3 Hindi ko pa sya masyado kilala.. Baka lokohin nya lang ako o saktan... Hmm? Saktan agad? Di ko nga alam kung may gusto 'to sa akin..

Pero ramdam ko pa din eh... Mahal ko pa din si Steven T.T Hindi ko pa din tanggapan na dun nya ako pinagpalit -.-"

"Gwapo ko ba?" tanong nya sa akin kaya natauhan ako..

"Ha?" tanging nasabi ko

"Hahaha.. Joke lang nakatulala ka kasi sa akin eh. May problema ba?" Sabi nya sa akin

"Sorry nga pala kanina.. Hindi ko sinsadya.." paghingi ko ng paumanhin sa kanya...

"Ok lang yun... Ano bang problema mo kanina? At saka ano mo ba yung lalaki kanina?" tanong nya

"Wala.." matipid kong sagot na nagbalik ng lungkot sa mga mukha ko.. naalala ko nanaman lahat ng nagyari

Shemay! Ang alam ko nakalimutan ko na yung konti bakit ngayon ang bigat bigat pa din sa pakiramdam.. Ang sakit sakit pa din..

"Weh? Ano nga? Kaibigan naman na tayo di ba?" sabi nya

"Kaibigan?" tanong ko

"Oo magkaibigan na tayo :) so ano mo nga yung guy kanina?" pangungulit nya

"Ex ko" mahina kong sagot

"Ex naman na pala eh.. Dapat kinakalimutan na yan." sabi nya

"Wala kang alam sa nararamdaman ko. Di mo alm kung gaano kasakit ang maloko." sabi ko sa kanya na nagpaluha sa mga mata ko

"Ahm, actually alam ko tapos na ako dyan eh. Umiiyak ka ba? Wag ka ng umiyak, hindi dapat sila iniiyakan kasi habang iniiyakan mo sila mas lalo mong pinapakita na mahina ka at hindi mo kaya.." sabi nya at inanutan nya ako ng panyo

"Salamat ha.." sabi ko

Siguro sya na yung taong tutulong sa akin para makalimutan ko si Steven pero paano nga ba?

"HAHAHA. ok lang basta wag ka na iiyak ha?" sabi nya sa akin

"Oo. Pero paano ko ba sya makakalimutan? Sabihin mo sa akin paano" tanong ko sa kanya

"Hmm.. Pwede magsulat na muna kayong dalawa baka mahuli kayo ni Ms. Reyes mapalabas pa kayo." sabi ni Paula na kanina pa pala nakikinig sa amin kasama yung dalawa...

"Oo nga naman.. Ang ingay nyo nagsusulat ako tignan mo nasulat ko tuloy yung sinabi mo Girl." sabi ni Jossa

HAHAHAHA... Nasulat nya nga pero iba ang saya ko ng makilala ko itong si Alden

"Haha. Hi! I'm Alden.. sige magsusulat na kami. Di ba Maine?" sabi nya

"Oo magsusulat na kami." sagot ko

"Hayy buti naman. By the way Alden nice to meet you, I'm Paula, Maine's friend" sabi ni Paula

"Nice to meet you too." sagot ni Alden

"Me too.. I'm Wilma, Maine's friend too." sabi ni Wilma

"Me three... I'm Jossa, ang dyosa ng buhay mo. Kaibigan nya din ako." sabi ni Jossa

"HAHAHAHA!!! Joker pala itong kaibigan mo Maine" biro ni Jossa

"Ay pigilan nyo ko pigilan nyo ko." sabi ni Wilma

"Biro lang po yun" sagot naman ni Alden

"Kinagagalak kong makilala kayo... Lalo ka na." sabi Alden na kinagulat ko nakatingin sya sa akin tapos nakangiti pa..

How To Forget Him?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon