This is a work of fiction. Names, characters, places, events, and incidents are either the products of the author's beautiful imagination. Any resemblance to actual person, living or dead, or actual events is purely coincidental.
Do not distribute, publish, transmit, modify, display, or create derivative works from or exploit the contents of this story in any way. Please obtain permission.
Copyrights © Istroberrilabs. All rights reserved.
Prologue
Humakbang siya ng isa. Tapos ng isa pa ulit. Sunod ay dalawang hakbang hanggang nasa harapan ko na siya. Nakatitig siya sakin pero nanginginig yung katawan niya. Hinawakan niya yung dalawang kamay ko ngunit hindi ako nagpakita ng emosyon. Unti-unting tumulo yung luha niya. Purong sakit ang nakikita ko sa mga mata niya.
"Alam ko mahal mo din ako... Marg! 'Wag mong ipagkaila dahil nararamdaman ko yun. Please?"
Ang gwapo niya talaga sa malapitan.
"Really, Joel? Nagpapatawa ka ba? Hindi kita mahal at kahit kailan hindi kita minahal," parang may nagbara sa lalamunan ko nung sinabi ko yun. Ngunit hindi pa din ako nagpakita ng emosyon.
Naging malikot ang mga mata niya. Bumagsak din ang balikat niya at napayuko siya.
"Hin... di totoo yan. Alam ko ang lahat Marg ng sinakripisyo mo para sa akin. Kaya... Kaya hindi ako naniniwala na hindi mo 'ko mahal, 'wag naman ganito. Mag-usap tayo.. Please?" Pagmamakaawa at sakit ang nasa mata niya. Posible palang makakita ka ng iba't-ibang emosyon kapag sobra na.
"I knew it! Kaya ayokong makipagkita sa'yo at makipag-usap dahil maglolokohan lang tayo dito. Tama na, Joel!" Tama na, Baby! Tama na! Ayoko nang masaktan ka pa. Kapag pinagpatuloy mo pa 'to parehas tayong mahihirapan. Tigilan mo na 'to. Naiiyak na ko pero pinipigilan ko pa din. Konting-konti nalang babagsak na din ang luha ko.
"Don't leave me, baby. I need you more than you need me. I love you," bumuhos lalo ang luha sa mata niya. Naaawa na ko pero wala talaga kong magagawa sa ngayon. Sorry baby..
Ngumisi ako at tumingin ng deretso sa mata niya. Hindi ko kinaya ang intense ng paraan ng pagtitig niya. Ramdam ko ang sakit ng nararamdaman niya. Lumaki ang mata niya nung nakita niyang seryoso ako. Inirapan ko siya at umiwas ako ng tingin.
"Talaga? Kailangan mo 'ko? Kailangan mo lang ba ako kaya mahal mo ako? Tama ako diba? Wala na kasing mag-aayos ng mga schedule mo, ng mga GT, ng mga pangangailangan mo, ng lahat-lahat. Kailangan mo ko kasi nasa akin ang lahat ng kailangan m--"
Matatawag ko ata lahat ng santo sa paligid ko. At mamumura ko ang lahat ng mura na alam ko kahit wala akong alam. He kissed me and this is heaven. What? No! Tinulak ko siya ng buong lakas at sinampal ko siya.
"Why did you kissed me? Are you crazy, Joel?" Gulat at sakit na naman ang nakita ko sa mukha niya. I know I'm rude to do that but I have no choice. He left me with no choice. I am sorry.
"B-Because I love you, Marg! I love you more than anything in this world! B-Bakit hindi mo makita yun ngayon? Bakit nagka... kaganyan k-ka?" Napaluhod na siya dahil sa bigat ng nararamdaman niya. Humahagulgol siya habang nakahawak siya sa binti ko.
"You're so selfish, Joel! Alam kong marami na kong nagawa para sa'yo but please let me go now. Hinihingi ko na ang kalayaan ko. Palayain mo na ko.." Kasi masakit na. Tigilan na natin. Ngumiti ako ng mapait. "Remember? Yung lalaking mahal ko na nangibang-bansa?" Tumango lang siya. "Bumalik na siya.. Binalikan niya ko.. At alam mo ba, Joel? Masaya ko. Sobrang saya ko. Kasi... Kasi mahal ko siya. Mahal na mahal ko siya at hindi ko makakaya kapag pinakawalan ko siya," I lied, of course.
Unti-unti siyang bumitaw sa binti ko. Alam ko at ramdam ko na nanghihina na ang katawan niya at konti nalang bibigay na siya sa sobrang pag-iyak niya. Napaupo na din siya sa sahig. Buti nalang at inarkila niya ang buong restaurant dahil siguradong magiging issue na naman 'to sa media. Umikot na 'ko at humakbang paalis ng muli siyang nagsalita.
"Nakalimutan mo atang sinabi mo sakin na matagal mo na siyang nakalimutan," tumawa siya. "Nakalimutan mong, si Geoff ang ex mo bago ako dumating sa buhay mo. Siguro nga, hindi lang ako ganun kahalaga... I love you and I mean it," dinig ko pa din ang pagpipigil niya sa pag-iyak niya. Hindi ko nga naalala na sinabi ko sakanya yun. Dumeretso na ako sa paglalakad at susubukan kong hindi siya lingunin at tignan. But I froze, nung niyakap niya ko ng mahigpit. Hindi ko akalain na makakatayo pa siya dahil nanghihina na siya. Doon na nag-unahang tumulo ang mga luha na kanina ko pa pinipigilan.
"Please.. Nakikiusap ako.. 'Wag mo naman akong iwan. Hin... di ko kaya," pilit kong inaalis yung braso niya sa pagkakayakap sakin. Dahil na din siguro sa panghihina niya nabitawan niya ko. Tumakbo na ako para hindi niya ako maabutan. Napahagulgol na din ako ng iyak nung alam kong malayo na 'ko sakanya.
"I am sorry, baby.. I didn't mean it.. I love you so much but this is wrong. I love you but don't fall inlove with me hard. I can't stand seeing you hurt like this. I'm just a nobody. I am just only your fan. I don't deserve you and you don't deserve me too. Take care always. I'll just watch you from a far," bulong ko kahit alam kong hindi niya na maririnig.
And with that I left. I left him with a broken heart. I left him with his heart broke into pieces. I left him with no one else was. I left him and it feels like dying. I left him and I can't breathe and everything went blank.