Kabanata IINagising akong masakit ang ulo. Ang huli kong natatandaan, may kasama akong tatlong lalaki tapos wala na kong maalala. Tumingin ako sa paligid. Nakahinga ako ng maluwag nung nakita kong nasa sariling kwarto ako. Baka panaginip ko lang yun. Imposibleng makatagpo ng mga gwapong katulad nila.
Joel Palencia calling...
Ang aga-aga, binubwisit ako Rocel. Ano ba yan! Pero, ang natatandaan ko pinalitan ko na yung name niya sa phone ko.
"Ano ba Bes? Pwede ba manahimik ka muna? Masakit ang ulo ko!" Sigaw ko agad sakanya. Nang biglang bumukas yung pintuan ng kwarto ko. Aba't andito lang pala ang babaeng 'to.
"Hi bes! Kanina pa ko nasa baba. Naki-almusal na 'ko. Nagutom ako sa luto ni Tita e," aniya habang may nakapasak na tinapay sa bibig niya at may dala pa siyang tasa ng kape.
"Paano ka nakatawag sakin? E namumuhalan ka dyan sa pagkain?" Babaeng 'to, napakatakaw.
"Anong tumawag? Lowbat yung cellphone ko bes. Makiki-charge nga ako sa'yo kaya ako pumanhik dito buti na nga lang gising ka na," tuloy-tuloy na sabi niya. Kinuha niya yung charger ko at lumabas na ulit. What the? Sino 'to?
"Hello. Who's this?"
"Good morning, Marg! Nakita mo naman siguro yung name ko sa cellphone mo diba?" Sagot niya tsaka siya humalakhak. Lalong sumasakit ang ulo ko sakanya. "Anyway, nasa akin nga pala yung wallet mo. Bye!"
Seriously?! Pinatayan niya ko, magnanakaw siya! Tinawagan ko ulit siya at sinagot naman agad. Baliw 'to ah!
"Hi, sungit! May kailangan ka?" Palagay ko ba'y nakangisi na siya.
"Yung wallet ko, isauli mo sakin. Bakit napunta sa'yo yan?" Kakainis naman e. May picture ako dun na nakatwo-piece. Lol.
"Alamin mo kung bakit at tungkol naman sa wallet mo. Puntahan mo nalang ako sa broadway. Magkita tayo. At wag kang mag-alala hindi ako masamang tao. Just text me kung pupunta ka," then he hanged up. Bumilis ang tibok ng puso ko. Bakit naman ganito bigla ang epekto niya sa akin?
Asa naman siya na pupunta ko dun. Mamuti na yung mata niya kakahintay. Nag-ayos na ko ng sarili at bumaba.
"Bes, sino bang kausap mo kanina? Parang galit na galit ka ata?" Tanong ni Katie pagkaupo ko sa sofa namin.
"Si Joel Palencia na bwisit sa buhay ko at walang magawa sa buhay niya," sagot ko tsaka ko siya inirapan. Nakita kong nagpipigil lang siya ng tawa niya.
"Hay nako Bes! Sabi na nga ba tatamaan ka din sakanya. Kita mo na? Ang lakas mo ding mag-ilusyon," aniya na tumatawa at tumayo na. Uuwi na daw siya dahil hindi siya nagpaalam sakanila. Anong nag-iilusyon? Totoo yung sinasabi ko.
"Margaux, sa'yo pinadala ng Daddy mo yung pera. Pumunta ka mamaya sa banko, okay?" Sigaw ng Mommy ko galing sa kusina.
"Okay po Mmy," pero t-teka? Wala nga pala kong I.d. Paano ko kukuha ng pera? Ugh! Kailangan ko pa tuloy pumunta dun sa mokong na yun.
***
Wala din akong nagawa at tinext ko siya para makuha ko yung wallet ko. Obviously, maraming tao sa Broadway Centrum. Kung sinu-sinong artista sinusuportahan nila at wala akong pakialam sakanila.Naglakad-lakad muna ko habang hinihintay siya. Di ko alam kung dito siya nagtratrabaho o fans din siya. Nanlaki yung mata ko nung nakakita ko ng tarpaulin na may nakalagay na "Joel Palencia" tapos may hashtag pang "Joeletics" nanigas ata ako sa kinatatayuan ko. Lumapit ako sakanila.
"H-Hi, can I ask you something?" Tanong ko dun sa blonde ang buhok.
"Ano yun, ate?"
"Who's that guy in the tarp?"