Kabanata VII
Hindi ko alam kung ano ang mararamdaman ko sa mga oras na ito. Nananaginip lang ba ako o totoo talaga? I can't even think straight. Damn!
Ramdam na ramdam ko din ang lakas ng pintig ng puso ko. Anong ginagawa niya dito? Nagtatalo ang isip at puso ko kung kakausapin ko ba siya sa baba o dito nalang sa cellphone?
"Hey..." Mahinahon niyang tawag sakin nung hindi ako nagsalita agad. "It's okay if you don't want to go here, i understand. You sleepy?"
Napakagat ako sa ibabang labi. Hindi na ako inaantok! Tinatantiya ko kung ano ba ang dapat kong sabihin.
"Hindi... I mean h—hindi pa ako inaantok. Wait lang ibababa ko na ito at pupunta ako dyan," hindi ko na hinintay ang sagot niya at mabilis akong humarap sa salamin.
Maraming nagsasabi na maganda daw ako pero nahihiya pa din ako kapag may nagsasabi sakin noon. Pinagmasdan ko ang repleksyon sa salamin. Nakapantulog na ako ng terno at may design pang floral. Madulas ang tela nito. Naglagay ako ng pressed powder at kaunting lip tint sa labi at nagmadali na akong pumunta sakanya.
Hindi naman siguro niya mahahalata na nag-ayos pa ako bago puntahan siya.
"Sorry to disturb you, i just wanna see you."
Pumasok kami sa loob ng sasakyan niya dahil malamok daw kapag doon kami nag-usap sa labas. Tahimik lang din ako at walang masabi na isang salita.
"Are you hungry? Do you want to eat something?" Traydor ang tiyan ko dahil tumunog bigla iyon sa gitna ng pagtatanong niya. Nakakahiya! Tumawa lang siya at tinanong ako kung saan ko gusto kumain.
"Magdrive-thru nalang tayo sa fastfood. Ayos na sakin iyon," pilit akong ngumiti kahit naiilang dahil sa pagtitig niya sakin. Tumango siya at nagsimulang magmaneho.
"Miss, dalawang order ng burger with fries and dalawang apple pie too. Yung drinks ay cokefloat nalang. Pakidagdagan na din ng oreo matcha," mabilis namang nakuha ng staff ang lahat ng inorder niya pero napapansin ko ang paglingon niya lagi kay Joel. Damn! Artista nga pala ang kasama ko.
"Alright, Sir? Joel Palencia?" Lumaki lalo ang ngisi niya nang napagtanto niya kung sino ang kaharap. Tumango lang din si Joel at sumenyas na 'wag siyang maingay.
Nagpapicture pa ang staff at todo hawak sa kamay ni Joel. Sumimangot lang ako at nakatingin sa kabilang side. May kasama siya pero nakikipag landian sa iba.
Naramdaman kong umandar na ulit kami at tinatahak ang daan patungo sa amin. Tahimik lang ako buong biyahe.
"Bakit tahimik ka?" Nakatingin lang siya sakin habang inaabot yung mga inorder niyang pagkain. What the hell? Bakit ang dami niyang binili? Mauubos ba namin ito? Kumulo lalo ang tiyan ko na nagpatawa sakanya. Pahamak talaga!
Kinuha ko nalang iyon at nagsimula ng kumain. Ganoon din naman siya kaya hindi na rin ako nagsalita pa. Kinalikot ko yung cellphone ko habang kumakain.
May bagong post si Joel!
To be with you is like my possession.
That's me habang nakatingin sa kabilang side ng sasakyan niya. Sa may drive-thru ata ito noong bumili kami ng pagkain. Bakit hindi ko man lang nakita? Alam ko busy siya makipagharutan doon sa staff.
Marami na naman comment doon.
Abby Vero
I saw her at fastfood restaurant with Joel. Hindi naman siya maganda, masungit pa.What the fuck? Tiningnan ko yung profile at nakitang yung staff kanina na nagtake ng order namin. Kapal ng mukha niya!
Nag iisip na ako ng magandang ireply nang hinawakan ni Joel ang siko ko at parang sinasabing tumingin ako sakanya. Shit! Kasama ko nga pala siya.
"Don't mind that. Binura ko na yung comment. Nag off na din ako ng comment para walang masabing masama ang iba," nag aalala ang mga mata niya. Nakita niya siguro ang reaksyon ko kanina.
Pagtingin ko nga sa post niya ay wala na ang mga comment na masakit sa damdamin. Bakit ko ba nararamdaman ang inis?
Mukhang maganda siya!
Ang tangos ng ilong! Bagay kayo Joel. Girlfriend mo na bae?
Yung front view naman bae, pls?
Marami pa ang mga positive comments at pinusuan lang lahat 'yon ni Joel. Ayaw niya siguro na pakita ko sa mga fans niya puro side view ang pinopost niya. Sabagay ano ba kami? Bago lang kami magkakilala.
Napasimangot ako sa ideya na 'yon. Sumasama lang ang pakiramdam ko kapag iniisip ko.
"Nahihiya ka sigurong kasama ko kaya puro side view lang ang kinukuhanan mo sa akin. Okay lang yun, naiintindihan ko. Sino ba na—"
"You want me to take you a picture of your front view. Okay lang sayo yun? Sa akin walang problema, i'm willing too. Ikaw lang ang iniisip ko, baka hindi ka—"
"You don't need to explain it, okay lang naman sa akin."
Hindi siya nagsalita pero umibis siya ng sasakyan at nagulat akong binuksan niya ang pinto sa gilid ko. Nanlalaki pa ang mata ko sa gulat.
Nasilaw ako sa sunod sunod na click ng camera niya. Lumapit siya sakin at hinila ako. Napahawak ako sa kalahati ng mukha ko nung nakita ko ang balak niyang gawin. Ngumisi siya nang nakitang nagtagumpay siya at kuntento na. Bumalik na siya sa pwesto siya.
"What are you doing, Joel?" Iritadong tanong ko.
"I just want you to know na hindi kita kinakahiya. Kung pwede lang na ipagmalaki kita sa buong mundo," umiling siya at kinalikot ang cellphone. Hindi naman kami bakit ganito siya kung umasta. Nakakalito.
Nagpaalam na siyang umalis para daw makapagpahinga na din ako. Hinatid niya ko hanggang sa gate namin. Naiintindihan ko naman siya dahil galing pa siyang taping tapos dumeretso siya sakin.
Naglinis ulit ako ng katawan at humiga na. Siguradong hindi pa agad ako makakatulog nito. Pasado alas tres na ng madaling araw. I browse again on my social media account.
Hindi ko kailanman ikakahiya ang makasama ka.
Hindi pa nagloloading ang picture kaya hindi ko pa makita pero nang unti-unting lumabas ay napatayo ako dahil baka panaginip lang.
Kitang-kita ang mukha ko bagama't nahaharangan ng ilang piraso ng bangs ang mukha ko ay makikilala pa din ako. Damn! At nakanguso pa ako sa larawan na iyon.
Why are you doing this, Joel? Why?
Dumagsa na naman ang mga comments doon na positive at negative about me. Hindi niya kinukumpirma ang tanong pero hindi din siya nagdedeny.
Gustuhin ko man na abutin ka pero hindi ko alam kung sa paanong paraan.