Kabanata VIII

23 0 0
                                    

Kabanata VIII

The urge feeling that I don't want to woke up early in the morning because of what happened last night. Umaga na din ako halos nakatulog. Ramdam pa din ang bigat sa dibdib.

I did my daily skin routine at napagpasyahan ko ng bumaba dahil papasok pa ako sa eskwela.

"Bes!" Tumayo si Rocel at niyakap agad ako habang luhaan ang mata niya. I didn't expect this though sanay na naman ako na ganoon lang talaga siya. Napabuntong hininga na lang ako.

Tinapik ko lang siya sa likod para mahimasmasan. Pinaliwanag niya din na dahil lang nabadtrip siya kaya ako napagbuntungan ng galit niya. Ayos lang naman daw sakanya kung kami magkakatuluyan ni Joel Palencia. Bagay naman daw kami.

"Alam mo bes, kapag nga iniisip ko hindi talaga ko makapaniwala. Kasi hindi mo naman kilala si Joel 'diba?" Tama siya, hindi ko naman talaga kilala at wala na akong balak makipagkita pa sakanya.

"Huwag mo na isipin pa yun, Roc. Hindi na naman ako makikipagkita sakanya," sabi ko habang kumakain ng almusal. Wala si Mommy dahil maaga siyang pumunta ng Cafeteria.

"What? That can't be Marg. Viral ka na sa social media. Hindi naman pwede na iwanan mo na lang bigla si Joel. And fyi, ang dami mo ng followers sa mga accounts mo," ngumisi siya at hindi ko inaasahan ang nalaman ko. Mabilis na binuksan ang mga social media accounts at halos sumabog ang notif sa sunud-sunod na pagtunog. What the hell?

Hindi ko alam kung dapat ba na mag-deactivate na lang ako o ano. I can't decide.

Joel Palencia:

Good morning! Are you awake?

Muntik ko na maibuga ang kape na iniinum ko sa mensahe na nabasa. Natawa na lang sa reaksyon ko si Rocel.

"Si Bae Joel yan hano? Obvious na obvious ka kasi bes!" Humalakhak siya at nagpatuloy sa pagkain habang umiiling. Bigla naman nag ring ang phone ko. Nanlaki ang mata ko dahil sa nakita. Damn!

"Sagutin mo na bes! Hindi ako makikinig," tumawa ulit siya at biglang lumabas ng kusina. Ang lakas talaga mang-asar!

"Hey! I thought you're still asleep or did i wake you up? I'll put this down so you can continue your sleep."

"Ahm, yes. I mean, no. Kanina pa ko nagising. Nandito din kasi ang bestfriend ko kanina. Ang aga mo?" Pakiramdam ko ay lalabas ang puso ko sa sobrang kaba. Nakakahiya kasi talaga.

Matagal siyang hindi nagsalita pero may narinig ako sa background niya na nag uusap.

"Hey bro! Tawag na tayo ni direk!"

"Sige, bro! Susunod na lang ako."

Nasa taping siya?

"Hey! I'm sorry for that. Nasa taping kasi kaya maaga ko ngayon. Do you have class now? And hanggang anong oras ka?" Tama nga ako! Artista nga pala siya. Minsan talaga nakakalimot din ako. Dapat ko na yata ilagay sa daily reminder ko 'yun.

"No, it's alright. I have a class at 9 o'clock until 1 o'clock. Isa lang kasi yung klase ko ngayon."

"I'll pick you up! I gotta go, Marg. See you later. Take care!"

May sasabihin pa sana ko pero biglang nawala na siya sa kabilang linya. Napabuntong-hininga na lang ako. He can't pick me up! My goodness! Artista siya. Kinakabahan na tuloy ako para mamaya.

Damn, Joel!

"Ano bes? Tapos na ba kayo magloving-loving? Ayi!" Biglang sumulpot sa likod ko si Rocel at sinundot ako sa tagiliran.

"Bes, stop it! I don't want to do anymore. Parang ayoko na nga pumasok e."

"Grabe bes! Naging fafa mo lang si Bae tinamad ka na mag aral. Bad influence yan ah?" Ngumisi siya at tinataas ang dalawang kilay na nang aasar.

"Bes no! Una, hindi ko siya boyfriend. Pangalawa, hindi ako tinatamad because of that, at pang huli, susunduin ako ni Joel sa school!!"

"What?!"

Sa huli ay parehas kaming nag iisip ng paraan pag pumunta si Joel sa school. Lutang tuloy kami pagdating sa room. Nagtatakha din ang mga kaklase dahil sa asal namin ni Rocel. Mukha kasi kaming tanga. Napapalingon kapag may nag iingay lalo't palapit na ang oras ng uwian.

Saktong alas dose ay pinalabas kami ng Professor. Hindi na talaga ko mapakali sa upuan ko. Hindi ko nga alam kung kakain pa ba ko ng lunch o mamaya na lang.

My thoughts keeps running on my head. Hindi ko alam kung saan magsisimula at kung paano tatapusin. Ayos lang ba talaga na magpunta siya dito?

Paano kapag pagkaguluhan siya?

Baka magalit sa akin ang mga kaklase ko at schoolmate na may crush kay Joel!

Paano kapag binully nila ko? What should i do? Sasabihin ko nalang siguro na hindi naman kami ni Joel. That's right! Tsk, pati utak ko sasabog na din ata.

Napatalon ako sa gulat nang kinalabit ako ni Rocel. Akala ko talaga nandyan na siya. Grabe! Lalabas na ata ang puso ko sa sobrang lakas nito.

"I think, he can't come bes. It's already 5 o'clock but still no sign of him. Hindi ka pa kumakain kakahintay sakanya. Kanina ka pa nakatulala diyan bes. Are you alright?"

Hindi ko namalayan ang oras, samantalang akala ko ay kakalabas lang namin sa room. Masyado ba talagang okupado ang isipan ko? Alas singko na pala? Natawa ko dahil hindi ko rin namalayan ang gutom.

"Sige, bes. Mauna ka na. Kaya ko na ang sarili ko. Baka kasi magpunta siya tapos wala ako dito. Nakakahiya naman sakanya kapag ganun," ngumiti ako sakanya pero may naramdaman akong nabasa ang pisngi ko. Am i crying? No!

"Bes, umuulan na. Sumilong ka muna!"

Sino bang niloko ko na magpupunta pa siya? Natawa ko sa sarili ko dahil tanghalian ang usapan namin pero maghahapunan na. Nakakaawa pala ko.

Kasabay ng patak ng ulan ang mga luha na bumagsak sa mga mata ko.

"Bes! Tara na! Magkakasakit ka!" Nilapitan ako ni Rocel pero parang nagdidilim na yung paningin ko.

"K—Kaya ko be—"

Narinig ko pang sumigaw si Rocel bago ako nawalan ng malay.

Pagdilat ko ay pamilyar na apat na sulok ng kwarto ko ang nakita ko. Panaginip lang ba yun? Bakit parang nanghihina ako at sobrang init ng pakiramdam ko?

Sinubukan kong bumangon ngunit talagang hindi kaya ng katawan ko. I realized that its real and not a dream. Nagpassed out sa ulan. I didn't even think of Rocel. She can't carry me! Damn!

Pinikit ko ulit ang mata ko baka sakali na mawala ang sakit sa dibdib ko. He ditched me for Pete's sake and now what, Marg?

Biglang tumunog ang notification ko sa aking mga social media accounts. Parang hindi ako makahinga sa mga nakita ko. Kaya pala wala siya?

Kaya pala hindi siya dumating kasi may kasama siyang iba. Hindi man lang niya sinabi. Ayos lang naman sakin. Hindi rin naman ako umaasa.

Masakit kasi.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Oct 12, 2019 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Don't Fall Inlove with Me (Joel Palencia/Fan-Fiction)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon