Kabanata IV

28 0 0
                                    

Kabanata IV

Pagdilat ng mga mata ko, ramdam ko ang hapdi nito. Kung bakit ba hanggang ngayon, ramdam ko pa din ang sakit ng kahapon. Kung bakit ba kahit ayaw ko, inilalapit ako sa showbiz. Napatingin ako sa bilugang orasan na nakasabit sa dingding namin, alas tres y' media na pala at dito pala ko sa sofa nakatulog. Nasaan kaya si Mommy?

Biglang nagring ang phone ko na nasa bag ko pa sa ibabaw ng lamesa.

Joel Palencia calling...

Why do he need to call? Ano bang kailangan niya sakin? Nakatitig lang ako sa screen at hinintay huminto ito.

9 missed calls.
15 text messages.

What the hell! Kanina pa siya tumatawag sakin kaya pala halos malowbat na ko.

Joel Palencia: Where are you, girl?

Joel Palencia: Bakit mo ako iniwan? Ang sabi ko ay ihahatid kita.

Joel Palencia: What happened to you? Kanina pa kita tinatawagan.

Joel Palencia: Margaux! You make me worry. Damnit!

At yung ibang text nya halos pare-parehas lang na nagtatanong kung nasaan ako at bakit hindi ko sinasagot ang tawag niya. He looks frustrated.

"Margaux, you're awake?" Napalingon ako kay Mommy nung nagsalita siya.

"Yes, Mom. I'm sorry kanina. Hindi ko ginusto na mag passed out na nam-

"It's okay baby, hindi mo kailangan mag-explain. I understand you," Mom smiled at me.

"But Mom...2 years had passed dapat ay nakamove-on na ako at hindi na ko umiiyak at nahihimatay ng ganun," malungkot na sabi ko at yumuko.




"Margaux, hindi naman porket dalawang taon na ang nakalipas ay nakamove on ka na. Wala iyan sa panahon hija. Kung paano mo pinahalagahan ang mga ala-ala nyo ng magkasama. Take your time, i'm just always here for you. Kahit hindi ka na nila maintindihan nandito pa din ako para sayo, proprotektahan kita," mahabang paliwanag sakin ni Mommy.


"Thank you, Mom. I love you!"


"I love you too, Baby!" Niyakap ko si Mommy. I'm so thankful that i have her.




Pagpasok ko sa kwarto ko ay naligo agad ako. Maaga pa naman kasi, tinabi ko na din yung napanalunan kong ten thousand sa ATM with the Bae's. Damnit! Yung wallet ko ay hindi ko din nakuha kay Joel. Hinalungkat ko ang cabinet ko dahil baka nandito yung school i.d. ko. Nakahinga ako ng maluwag dahil nandito naman pala. Makakapunta ko mamaya sa banko para makuha ko yung pera.

Nagbukas muna ko ng account ko sa social media. Halos lahat binuksan ko, active naman kasi ko sa ganito dati pero ngayon lang ulit ako nagbukas. Madami din akong friends/followers request, notifications, and messages. Tinignan ko isa-isa. Isa lang ang nakapukaw ng atensyon ko.

Facebook: Joel Palencia added you as a friend. Accept | Decline

Instagram: Joel Palencia follows you. Accept | Decline

Twitter: Joel Palencia follows you. Accept | Decline

What the hell? Is this real? Binuksan ko ang account niya. Nagulat ako sa isa niyang post a while ago. Obviously my picture with him and Miggy with a caption. Damnit!

"A girl that i can't even reach." Nakatag pa si Miggy. 68k likes. 20k comments. 2k shares.

Nakayuko ako dun at mukhang wasted. Ngunit hindi naman kita yung alak na hawak ko. Nakangiti silang dalawa ni Miggy. Mukha akong broken hearted! Damnboy! Yung sa Baesic Resto Bar.

Miggy Tolentino: Hahaha. Tol, palagay ko nga. Medyo matigas ang ulo e.

Kenneth Earl Medrano: Inlove na Tol? Hahaha. Congrats.

Karamihan sa comments ay positive pero meron din naman negative.

"No! It can't be!"

"Mukha naman maganda yung girl. Bagay naman sila. Joel baby, yung nakaharap naman please?"

"Oo nga Joel, yung nakaharap naman yung girl. Bagay kayo!"


Ang dami naman pumupuri sakin. Pero may isang nakapukaw ng atensyon ko.



"She looks familiar. Yeah right, she looks like an actress before. Merle Sapphire Alpas."




Damngirl! How did she know me? That is my screen name before. At nanlaki yung mata ko na may nagpop-out na picture sa comment. Me with Geoff. Inulan na din ng comments ang picture.




"Baka naman kamukha niya lang. Matagal na siyang wala sa showbiz."



"I knew her. Napakabait niya at hindi rin ako naniniwala sa issue kaya siya nawala."



"That damngirl na gumamit lang kay Geoff Saavedra para sumikat. Screw her, bit ch!"



Halos lahat sila nagkakagulo na dahil sa lumabas na picture ko dati. Naiiyak na ko sa nangyayari.


Joel Palencia calling...


He's calling again. I think, i need to answer this. I need to talk to him. Ipapabura ko ang post niya. Tama!




"J-Joel..." Napahikbi ako.




"Margaux, are you alright? The picture. Ikaw y-yun diba? Pero i-imposible baka kasi k-kamukha mo lang," naguguluhan na tanong niya. Narinig ko din na bumuntung hininga siya.





"No. I mean. It doesn't matter, Margaux. Kung ikaw man yun o hindi, wala naman akong paki-


"Joel, stop. Ako yun. Ako si Merle Sapphire Alpas. Burahin mo na yung post mo because...it's not worth it," putol ko sa sinabi niya at binaba ko na ang tawag.




Joel Palencia: She's not her. Stop dragging any actress here that is not related to this post. And please stop bragging about this. You don't even know her.




You cannot comment to this post anymore.







What are you doing, Joel?

Don't Fall Inlove with Me (Joel Palencia/Fan-Fiction)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon