"Lahat ng tao, may pangarap. Ang pangarap ko, maka alis sa panahong ito at mapunta sa panahong gustong gusto kong puntahan. Ang Kasalukuyan"
Sa panahong aking kinagisnan. Hindi ka masaya, hindi ka malaya. Wala kang karapatang gawin ang mga bagay na makakapag pasaya sa iyong sarili. Ang mga bagay na dapat mo lang gawin ay ang makakabuti sa lahat ng tao lalo na sa dignidad ng iyong pamilya. Ika'y sunod sunoran sa ano mang gusto nila, hindi mo ginagawa ang mga bagay dahil gusto mo. Ginagawa mo kasi yan ang utos nila. Para akong nakakulong sa hawla, wala silang balak na buksan ito at wala silang balak na bigyan ako ng kalayaan.
Gusto kong makalabas sa bahay na ito, makapag liwaliw, makapag saya at makakilala ng mga bagong kaibigan. Isa sa mga pangarap ko iyan na hindi ko alam kung matutupad pa ba. Nakakasakal ang kanilang pagtrato sa akin, alam kong silay aking mga magulang ngunit bilang mga magulang rin dapat alam nila kung anong makapagpapasaya sa kanilang anak at hindi lang para sa kanilang mga sarili. Gusto kong makahanap ng pagmamahal, pagmamahal na hindi naibigay sa akin ng aking mga magulang. Ang pagmamahal na magbibigay kulay sa buhay kong sobrang dilim dito sa aming panahon. Ang pagmamahal na magpupuno sa aking pangungulila at ang pagmamahal na kukumpleto sa aking sarili.
"Clara, Iha. Nandito si Dominador, naghihintay siya sa iyo sa baba" mahinhing pagkasabi ni Mama sa akin. Habang nakasilip sa pintoan.
"Opo mama, susunod ho ako sa inyo" tugon ko kay mama habang sinusuklay ang aking buhok
"Magpaganda ka Iha ha? Para mas mahulog pa si Dominador sayo at alokin ka na niya ng kasalan. Magsasanib na ang ating angkan, at mas yayaman pa tayo Clara" dagdag pa ni Mama sa kanyang sinabi kanina.
"Opo, magpapaganda po ako mama" sabi ko nalang para matapos na ang usapan.
"Oh sya sige, tutungo muna ako sa baba." Huling sabi niya sa akin.
Ang ugali ni Mama ang ayaw ko sa lahat, siya ang humahanap ng aking mga manliligaw. Dapat daw ako'y magpaganda para alokin ako ng kasal sa lalong madaling panahon. Para akong ibinibenta ng sarili kong Ina.
....Lumipas ang oras at kaa'alis lang ni Dominador sa bahay. Ako'y agad na pumanhik sa itaas para mapag isa at makapag basa ng Libro.
Habang ako'y nagbabasa ng libro, naisip ko kung paano pag ako ang babaeng karakter dito ? Ano kaya ang mararamdaman ko, malaya ba ? o wala paring pagkakaiba ngayon ? Sana, kahit sa panaginip man lang mahanap ko ang lalaking nakalaan sa akin. Kahit sa panaginip makilala at pakasama ko siya kahit saglit. At kahit sa panaginip sana maramdaman ko ang sinasabi ng Libro na Pag-ibig.
BINABASA MO ANG
Counter Clockwise
FantasyPanimula Ang nakaraan at ang kasalukuyan. Malaki ang kanilang agwat sa panahon at oras. Maraming mga larawan ang naglilitawan na pwede nating tingnan para alalahanin ang nakaraan. Maraming pagkakataon ang mangyayari na pwedeng maka paalala sa atin...