Huling Ikot

5 3 0
                                    

"Sa huling pagkakataon, gusto kong malaman mong mahal kita. Maubos man ang lahat ng oras sa mundo, Mahal kita"


"Kael, Kaaaeeel! Wag mo kong iwan, pakiusap. Wag mo akong iwan" Sabi ni Clara sa akin, humahagugol na siya sa pag iyak sa aking harapan.

Gusto kong balikan siya, gusto kong hawakan siya sa huling pagkakataon. Pero hindi ko magawa, unti unti na akong naglalaho. Tinatangay ako ng hangin. Niyayakap na ako ng sinag ng araw. Gusto kong yakapin si Clara at wag na siyang pakawalan, Gusto kong dalhin siya sa kasalukuyan pero hindi ko magawa, hindi pwede.

Unti unti na akong lumalayo sa kanya, hindi ko na maabot ang kanyang mga kamay. Hindi ko na masyadong makita ang kanyang mukha. At sa oras na iyon, tinanggap ko na. Tanggap ko na, na ito ang araw kung kailan itinakda kaming dalawa na magkahiwalay.

Pagbabalik sa kasalukuyan

Lumipas na ang 3 taon, simula noong araw na nakabalik ako dito. Naisipan kong magsulat ng libro, gusto kong ibahagi at malaman ng lahat ng tao kung gaano kasarap umibig at gaano kasakit ang pag-ibig. Naging matagumpay akong writer dito sa kasalukuyan, tinangkilik ng maraming tao ang storya kong tungkol sa pagbabalik sa kasalukuyan. Hindi ko inilahad sa kanila na ang aking mga sinulat ay sa totoong buhay nangyari. Gusto kong itago ang pagmamahalan naming dalawa ni Clara, dito sa puso ko.

Ngayong Araw na ito, pupunta kami sa isang orphanage kung saan mag do'donate ako ng pera para sa mga batang walang mga magulang.

"Maraming salamat po talaga sa binigay niyo sa aming donasyon Sir Rafael Valmeyor. Isa ka pong inspirasyon sa mga bata, na magsumikap para maka-ahon sa buhay" Sabi ni Sister Melinda.

"Walang ano man po iyon Sister" Ngiting sabi ko kay Sister.

"Meron po pala kaming ipapakilala sa inyo, Siya po ang bagong nag boluntaryo dito sa orphanage. Halika ka Sir Rafael, ipapakilala ko siya sa iyo" sabi niya sa akin ng nakangiti.

Habang nakasunod ako kay sister, nakita ko ang babaeng tinutukoy niya. Nakatalikod ito sa akin kaya hindi ko makita ang mukha. Pero parang kilala ko na siya, pamilyar siya sa akin. Parang siya si.....

"Sir Rafael, siya po pala ang bagong boluntaryo" turo sa akin ni Sister.

Humarap ang babae sa akin, at doon nahulog ulit ang aking puso. Sa oras na iyon, muling bumalik ang panahon ng aming pag-iibigan, muling bumalik ang nararamdamang matagal ko nang ikinubli sa kasulok sulokan ng aking puso. Nasilayan ko na naman ang kanyang mala anghel na mukha at muli ko na namang madidinig ang kanyang tinig na nagpapatibok ng mabilis sa aking puso.

Nakangiti siyang humarap sa akin, hindi ko rin maiwasan na hindi mapangiti. Nakarating siya dito, makakasama ko na siya. At ngayon, hindi na ako aalis.Hindi na kami magkakahiwalay, Hindi ko na siya bibitawan. Salamat kung sino ka man dahil pinagbigyan mong makamasa ko siya. Salamat sa iyong binigay na oras. Salamat sa pagbigay mo sa akin ng pagkakataon na bumalik sa nakaraan at kilalanin ang taong magiging kasama ko habang buhay.

"Hello po, Sir Kael. Ako po pala si Clara Mendez "


Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Oct 15, 2015 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Counter ClockwiseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon