"Ang pagkahulog ng iyong puso ang hinding hindi mo mapipigilan"
Nagising ako na nakakaramdam ng sakit ng katawan na parang nabugbog ako ng sampung tao. Sobrang sakit ng ulo ko,nakakahilo.Inilibot ko ang aking paningin at doon ko napagtanto na hindi ito ang kwarto ko sa apartment namin. Luma ang istilo dito sa kwarto ganon na rin ang mga kulay ng mga bagay dito sa loob.
Nang naging okay na ang aking pakiramdam, tumayo ako at lumakad lakad sa kwarto. Pumunta ako sa lamesa na may mga litrato, nakita ko ang isang babaeng simpleng simple lang. Hindi maalis ang aking mga mata sa larawan ng isang anghel. At doon sa oras na ito, may nakakuha na ng aking puso.
[Pagbabalik tanaw]
Pagkagising ko kaninang umaga, masakit talaga ang aking ulo. Pero nawala ito ng napansin ko na may kasama na ako dito sa aking kwarto. Isang lalake, hindi ko pa siya nakikita dito sa bayan. Makinis ang kanyang balat, napaka puti niya parang hindi bumibilad sa araw, at may mala anghel siyang mukha, na parang matatakot kang saktan siya. Hinawakan ko ang kanyang buhok, hinaplos ang kanyang mukha. Nakadikit na ang aking mata sa kanya.
Sumasakit ang aking ulo kung sasabihin ko ba o hindi. Kung sasabihin ko naman, paano ko sasabihin sa aking mga magulang na may kasama akong lalake dito sa aking kwarto. Hindi ko man lang alam kong saan siya nanggaling, paano siya nakapasok dito na sinirado ko naman ang aking bintana kagabi. Baka anong mangyari sa kanya, baka anong gawin ni papa sa kanya. Naguguluhan ako. -Clara
-------------------------------------------------------------------------------------------------
Pagkababa ko, sumalubong sa akin si mama.
"Magandang umaga sa iyo Iha" nakangiting sabi ni mama saakin.
Nagmano ako sa kanila ni papa saka ko sinabing " Magandang umaga din po ma, pa"
"Kumusta ang iyong tulog ? Mabuti ba Clara ? " Tanong sa akin ni papa habang umiinom ng kape at nagbabasa ng dyaryo.
"Opo, Okay naman po ang tulog ko papa" Nakangiting sagot ko sa kanya.
Dali dali akong kumain, at nang magpaalam si mama na pupunta muna siya sa kanyang mga amiga at si papa ay may gagawin sa hasyenda.Kinuha ko na ang oras, kumuha kaagad ako ng pagkain sa lamesa, inilagay ko sa tray ang mga pagkain, saka ako madaling pumanhik sa taas.
--------------------------------------------------------------------------------------------------------
Pumasok ang babaeng nasa larawan lang kanina. Mas maganda pala siya pagsa personal at mas maganda siya sa malapitan.
"A-ano, magandang umaga sa iyo. Dinalhan kita ng pagkain" Pati ang boses niya parang pagmamay-ari ng isang anghel. Masarap sa tenga.
Matagal akong nakatitig sa kanya. Papalapit siya ng papalapit sa akin. Lord, sana itong babaeng nasa harapan ko ay siya mismong maglalakad sa altar papunta sa akin sa tamang panahon.
"Hoy, okay ka lang ba ? May masakit ba siyo ?" Tanong niya sa akin.
Hindi niya akong kilala pero nagmamalasakit siya sa akin. Parang matagal na niya akong kilala. Saka lang ako natauhan ng pinitik na niya ang noo ko.
"A-aray!" daing ko.
"Paumanhin po, kanina pa kasi kita tinatawag eh, nakatunganga ka lang . Kaya pinitik ko na ang noo mo. Pasensya na talaga" mangiyak ngiyak niyang sabi sa akin.
"Okay lang, sorry na rin." sabi ko naman sa kanya at nagpakita ng assuring smile.
"Huh? Sorry ? ano yon ?" Takang tanong niya sa akin.
"Hindi mo alam ang sorry ? Ano, sa ibang salita Paumanhin yan" Tugon ko.
"Ah ganon pala, nagdala pala ako ng pagkain para sayo. Kumain ka na, baka kasi kagabi ka pa nagugutom" Sabi niya saakin.
"Salamat, sige kakain nako. Kumain ka na ba ? " Tanong ko sa kanya.
"Oo, kumain nako. Kaso nagmamadali ako kasi dadalhan pa kita ng pagkain dito sa taas."
"Halika, Samahan mo ako ditong kumain" Alok ko sa kanya.
"Wag na, busog pa ako" pag ayaw niya.
"Sus, wag kanang mahiya ano. Halika na" Sabi ko.
Inalok ko sa kanya ang kamay ko. Tinaggap niya naman ito ng may malaking ngiti sa kanyang mapupulang labi.
Habang hinahawakan ko ang kanyang kamay, na ayoko ng bitawan. Nakangiti kaming dalawa, na para bang wala ng bukas. Na kami lang ang magkasama at walang hahadlang.At sa oras na iyon, alam kong siya na ang babaeng para sa akin, ang babaeng makakasama ko habang buhay.

BINABASA MO ANG
Counter Clockwise
FantasyPanimula Ang nakaraan at ang kasalukuyan. Malaki ang kanilang agwat sa panahon at oras. Maraming mga larawan ang naglilitawan na pwede nating tingnan para alalahanin ang nakaraan. Maraming pagkakataon ang mangyayari na pwedeng maka paalala sa atin...